Chapter 42

62 3 2
                                        


Nasan ako? Kaninong bahay to?
Agad naman akong tumayo at agad na hinanap ang pinto, pero hindi ko to makita. Kaninong bahay bato ha!?

"Gising kana pala" nilingon ko naman kung sino yung nagsalita, hindi siya pamilyar sakin, agad ko namang inilabas yung espada kong apoy.

"Chill ka lang wala naman akong gagawin sayo eh, tsaka diba dapat magpasalamat ka na tinulungan kita. Ako na nga yung tumulong ako pa sasaktan."

"Sino kaba?" Ngumiti naman siyang nakakaloko sakin bago ako sagutin.

"Secret, alamin mo hihihi" siraulo pala tong isang to.

"Marami pakong gagawin kung ayaw mong sabihin pwes aalis na ako dito."

"Hanapin mo muna yung pinto" di ko na kailangang hanapin ang pinto nu, gumawa ako ng dalawang bolang apoy sa kamay ko saka ko ito pinakawalan.

"Baliw kaba ba't mo naman sinunog tong bahay ko!!"

"Tagal mo eh" nakita ko na yung pinto kaya agad akong lumabas. Aalis na sana ako ng maramdaman kong may humawak sakin.

"Ano nanaman ba nagmamadali ako eh!!"

"Sinira mo ang bahay ko dapat mong bayaran yan" hindi ko nalang siya pinansin at agad na inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sakin at naglakad ulit.

"Alam mong hindi kita tatantanan" bahala ka sa buhay mo.

"Ganito nalang dahil may kabaitan naman ako, kung malaman mo ang pangalan ko bayad kana sakin ano deal" nasan naba sila, ayokong masama tong lalaking to

"Ano na?" Lakad lang ako ng lakad, at hindi siya pinansin. Aalis din to siguro pag nainip.

***

Gabi na pero di ko pa rin sila makita,san na kaya sila.

"Sige na manghula kana" tiningnan ko naman siya ng masama, pero nginitian niya lang ako. Kanina pa tong siraulong to, akala ko aalis na di pa pala.

"ALAM MO BANG NAIINIS NAKO SAYO!! WALA AKONG PAKIALAM SA PANGALAN MO KAYA PWEDE BANG TANTANAN MO NA AKO!!!"

"Alam mo ang cute mong magalit" sh*t, ano nalang ba gagawin ko dito.

"Alam mo kung ayaw mong mainis hulaan mo nalang kasi. Dahil panigurado di mo naman makikita ang mga kasama mo ngayon" umupo naman ako sa isang kahoy na nasa harap. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

"Sige na, di na talaga kita kukulitin pag nahulaan mo." Sinunod ko nalang ang gusto niya para matapos na to.

"Jay"

"Hahaha mali, nagsisimula sa C yun" mabuti nga't nagbigay ng clue para matapos nato. Pero ano kayang pangalan ng lalaki na nagsisimula sa C?

"Magbibilang ako ng sampung segundo"

"Ba't ka naman magbibilang e wala naman yan sa usapan"

"10" tsk bwesit naman oh

"9"

"Carl?"

"8"

"Conan"

"7" ba't bako nakikihula dito

"6"

"Cay" panlalaki ba yun?

"5"

"4" ang hirap naman ng pangalan nito.

"3"

2" ah alam ko na

"Conus"

"Ang galing mo!!" Teka lang siya talaga si Conus?

"Pano mo naman nahulaan?"

"Mukha kang baliw eh" napasimangot naman siya sinabi ko.

"Sa gwapo kong to sasabihan mo lang ako na baliw!? Aba hindi ako papayag!!"

"Bahala ka sa buhay mo" so kailangan ko palang isama to.

"Balita ko hinahanap niyo daw ako"  napalingon naman ako sa sinabi niya, pano niya nalaman

"Nahulaan ko nu, HAHAHA galing ko talaga" baliw nga siya.

"Sasamahan mo kong hanapin sila"

"Sure no problem basta ikaw" di ko naman siya pinansin at lumipad papunta sa isang puno at nahiga. Kailangan kong magising ng maaga para hanapin sila. Pero matutulog na muna ako ngayon antok na antok na ako eh.

****

"Uy gising na, umaga na" ang ingay naman

"HOY!! Maghinay hinay ka naman, baka masunog ako sa ginagawa mo. Ginigising ka lang naman eh" iminulat ko naman ang mga mata ko at nakita kong nasusunog ang kabilang kahoy. Agad ko naman itong inapula tsaka bumaba.

"Ikaw, marami ka nang kasalanan sakin"

"Ok"

"Ba't ba ang taray mo,lika ka na nga nakita ko na ang mga kasama mo. Mukhang hinahanap ka" Nandito na sila, mabuti naman

"Mauna kana susunod ako tutal ikaw naman ang nakakaalam." Himalang di siya sumagot sakin at naglakad nalang. Sumunod nalang ako sa kanya. Walang may umimik saming dalawa habang naglalakad. Nakakapagtaka lang na hindi niya ako kinukulit, pero mabuti na nga yan tahimik.

"Malapit na ba tayo sa kanila-"

"Magtago ka" magtatanong pa sana ako, pero bigla nalang akong lumutang at napunta sa isang halaman. Bigla siyang lumitaw sa tabi at mukhang seryoso. Sino naman kaya yung parating.

"Nahanap nila tayo"

"Sino?" Di niya ko sinagot, at seryoso siyang nakatingan sa dalawang lalaking nakaitim. Mukhang pamilyar ang suot nila sakin, san ko ba sila nakita?

"Dito ka lang" bigla naman siyang nawala sa tabi ko.

"Nasan na sila!? Ang sabi mo nandito lang sila, Asan na!!" Kami ba ang hinahanap nila

"Sigurado akong nandito lang sila kanina, naamoy ko sila."

"Kahit kailan talaga walang kwenta ka" umalis naman silang dalawa, kaya lumabas na ako sa pinagta-taguan ko. Hinanap ko naman si Conus pero di ko siya makita, nasan na kaya yun?

"Lika na" bigla naman siyang lumitaw sa harap ko. Nauna itong naglakad sa kanya at sumunod ako ulit.

"Sino ang mga yun?"

"Mga kalaban? Naamoy tayo ng kasama niya kanina kaya dinala kita sa halamang pinagta-taguan natin kanina para di niya tayo maamoy." Ano kaya kailangan nila

"NICK!!" Boses palang alam kung sila na yan.

     Agad naman nila akong niyakap na tatlo. Mabuti nalang at walang masamang nangyari sa kanila.

"Nagalala kami sayo akala namin kung ano nangyari kasi bigla ka nalang nawala ng palabas na tayo" aryanna

"Oo nga, ang layo na ng nilibot namin para hanapin ka. San kaba kasi pumunta" Aira

"May nakita pa kaming mga umaaligid sa lugar na to kanina at hinabol kami. Mabuti nalang at naligaw sila namin." Xylene

     Marami pa silang sinasabi sakin, at kitang kita sa mukha nila ang pagod. Mukhang hindi sila nakatulog ng maayos. Pinaupo ko muna silang tatlo, para maka-usap ng maayos.

"Ayos lang ako, nahimatay lang ako ng palabas tayo"

"Kung nahimatay ka, pano ka naman nakapunta dito?" Sasagutin ko na si Aira kaso biglang sumingit yung isa.

"Ako yung nagdala sa kanya dito" napalingon naman silang tatlo kay Conus

"Sino ka naman?" Aira

"At anong ginawa mo kay Nick ha!!" Teka lang akala ko ba kilala nila siya?

       Akmang susugurin na ng dalawa si Conus pero pumagitna ako.

"Sandali lang, hindi niyo ba siya kilala?"

"Kilala nila ako, sadyang makakalimutan lang sila HAHAHA"

"Bakit sino ba siya Nick?"

"Si Conus diba sabi niyo hahanapin natin siya"

"SIYA YAN!!??"

Titanium AcademyWhere stories live. Discover now