Mabuti na lang at hindi kami agad pumunta kina drake takot pa naman ako. Sabi niya kasi bago kami pumunta sa kanila kaylangan daw maayos yung mukha ko. Tsk anong akala niya sakin asawa ni shrek kainis talaga tong lalaking to kanina lang parang luluhod na sakin mapapayag lang ako bilang FAKE GIRLFRIEND nya daw pero ngayon makapanglait sakin wagas. Bigla naman kaming tumigil sa Isang maliit na bahay ano naman gagawin namin dyan?
"Papasok tayo dyan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi kakain natin yan." Tiningnan ko naman sya ng masama kahit kailan talaga haist!!
"Wag mo akong pilosopohin papatayin kita dyan eh."
"Hindi muna naman kaya."
"Sinusubukan mo ba ako."
"Alam mamaya na tayo mag-away ang mabuti pa pumasok na tayo dyan at baka hinihintay na tayo." sinunod ko nalang ang sinabi ni boss. Pagpasok namin napaganga ako sa nakita ko PANO NAMAN NAGKASYA ANG ISANG MALL SA ISANG MALIIT NA BAHAY????? para ka namang sira Nick natural Magical world tong napuntahan mo ano pa bang inaasahan mo. Hindi ko namalayan na hindi ko na pala nagagamit ang utak ko tsk tsk problema yan.
"Ano tutunganga kana lang ba dyan?" Nabalik naman ako sa reyalidad ng magsalita si drake kahit kailan oh.
"Ito na nga oh lalakad na." Lakad lang siya ng lakad ako naman sunod lang ng sunod sa kanya. Ang ganda dito sa mall lahat ng mga Immortal dito may kanya kanyang fairies na nagbibitbit ng gamit nila. Hindi ko namalayan na tumigil pala si Drake kaya napasubsob ako sa likod niya sakit nun ha parang bakal namang tong likod niya. Tinignan ko naman kung saan kami tumigil sa parlor lang pala.
"Magpapagupit ka?" Tanong ko sa kanya
"Masyado akong gwapo para magpagupit." Wow hindi ko alam na may tinatagong kahanginan pala tong si drake hahahha.
"Oo nalang kahit di totoo." Bulong ko hahahha
"Tss" bat ba ang hilig ng mga lalaking mag 'tss' nakakahawa kaya yan.
"Gawin niyo ang lahat para maging tao ang mukha niya." Aba aba itong si drake nanglait na naman pasalamat ka gwapo ka no.
"Hoy Drake sa ganda kong to hindi pa ba ako magmumukhang tao."
"San banda ba yung gandang sinasabi mo." Kita mo tong lalaking to kung hindi lang talaga masungit to mapagkakamalan ko talagang bading tingnan ba naman ako head to toe.
"Ah mamaya na po kayo magbangayan prince drake ako na lang po bahala sa kanya mauna na po kami hehe." sabi ng bading with his or her sweetest voice na akala mo naman mamawalan na siya ng boses sa sobrang ipit niya ng boses para cute daw tingnan. Kung gusto niyong magtanong kung pano ko nalaman readers ganito lang yun binasa ko ang isip ng bakla or rather ang ambisyosang bakla at kaya daw bumalik si drake dito ulit sa parlor nila ng dahil sa kanya hohoho grabe libreng mangarap bes hahaha.
Pinaupo naman ako ng bakla at may kasama siyang fairy. sana hindi nila sirain ang buhok ko mahal ko kaya to.
"Hey dee pagandahin mo yan ha." tsk hindi ko na kailangang magpaganda eh maganda na kayo ako for their information.
"Ok po." Ang cute ng fairy magsalita iuuwi ko kaya to sa dorm hahaha. May binigay sa akin ang fairy na parang shades suotin ko daw yun para hindi daw ako ma bored. Sinunod ko naman sya paglagay ko ng shades biglang may nag flashback na isa sa mga memories ko noon.
6 years old palang ako nun Nandon ako sa park kasama ang step sister ko gagawin niya daw akong alalay dahil maglalaro sila ng mga kaibigan niya. Hindi na ako umangal dahil baka pagalitan ako ni Auntie pag hindi ko sinunod ang anak niya. Habang naglalaro sila ako naman nanonood lang pag may kaylangan silang ipagawa sa akin saka na ako tumatayo at ginagawa ang gusto nila mahirap na pag hindi ako sumunod mapahamak pa ako. May isang beses nun tinawag nila ako para bumili ng ice cream para sa kanila hindi ako humihingi sa kanila ng pambili dahil alam ko naman na hindi nila ako bibigyan. Lahat kasi ng ibinibigay sa akin ni papa nauubos dahil sa mga ipinabibili nila sa akin. Pumunta na ako sa tindahan para bumili ng ice cream.
"Manang magkano po ang isang galon ng ice cream?"
"120 ineng."
"120 po? Pwede po bang 100 nalang kulang po kasi ang pera ko po eh."
"Alam mo ineng kung kulang ang pera mo wag kanang bumili dito bente pesos na nga lang puhunan ko babawasan mo pa."
"Segi na po manang papagalitan po ako ng kapatid ko pag hindi ko sila binilhan."
"Ano ba ineng hindi mo ba ako naiintindihan humingi ka nalang sa mga magulang mo para may pambili ka."
"Pero manang-" Natigil naman ang pagsasalita ko nang may nagbigay ng 1000 kay manang.
"Ibigay mo sa kanya ang ice cream na gusto niya." Dali dali naman kumuha si manang ng ice cream at ibinigay sa akin.
"O, iho sukli m-"
"Keep the change." halos malaglag ang panga ko sa sinabi ng bata siguro ang yaman niya. Para kasing barya lang sa kanya ang isang libo.
"Ah salamat kuya." bigla naman siyang natawa sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa pagsabi ng salamat ?
"Hahahahahaha ganon na ba ako katanda para tawagin mo akong kuya. Sandali lang ilang taon kana ba bata?"
"6 years old po."
"Wag mo akong tawaging kuya isang taon lang naman ang agwat ko sayo at isa pa magkasing tangkad lang kaya tayo."
"Ah ganon ba hehe sorry."
"Wag kang mag sorry wala ka namang kasalanan eh. Oo nga pala hatid na lang kita sa inyo baka matunaw yang ice cream mo." bigla na alng ako kinabahan sa sinabi niya patay! Baka hinihintay na ako ni khate magagalit yun sakin kasi natagalan ako.
"Oh, bakit namumutla ka may sakit kaba bata?"
"Kailangan ko nang umalis segi."
"Samahan na kita para safe ka." hinawakan niya ako sa kamay at tumakbo kami ng mabilis. Sinabi ko sa kanya na sa park lang niya ako ihatid. Malapit na kami ng makita ko si khate na hinahagis lahat ng manika niya huhuhu galit nga siya. Lumapit na kami sa kanya akala ko magagalit siya sa akin pero nahiwagaan ako ng magsalita siya ng hindi nagagalit .
"Bat ngayon ka lang?"
"Ah ano kasi khate-"
"May pinuntahan kasi kami." grabe savior ko talaga siya.
"Ganon ba hehe ito may ice cream gusto mo kumain.?" tss nakakita lang ng gwapo naging mabait na agad.
"Ok lang kainin niyo na lang yan. Hihiramin ko muna tong kapatid mo." Ha? Pano naman niya nalaman na kapatid ko siya.
"Ah ano kasi eh-"
"Sandali lang naman kami aalis ng kapatid mo eh."
"Segi." Alam ko namang napipilitan lang yung si khate eh. Hay sana hindi siya magsubong sa mama niya ako naman ang mapapagalitan mamaya pag nagkataon. Hindi ko napansin na nasa isang restaurant na pala kami hay ano na naman ang gagawin namin dito.
"Halika bata kakain tayo dito."
"Segi." Umupo na kaming dalawa. Ang rami siguro ng pera ng batang ito may restaurant pang nalalaman.
"Hey kiddo." May lumapit sa amin na isang lalaki magkakilala sila siguro.
"Hi kuya pwede bang bigyan mo kami ng pinakamasarap mong pagkain palagi naman akong nandito diba."
"Sure naman ikaw pa malakas ka sakin." Tumawa naman yung bata. Ano ba yan OP ako ah.
"Ah kuya pwede bang malaman ang pangalan mo."
"Oo nga pala ako si Joshua." May kumuha naman nung shades at bumalik sa dati ang lahat. Saka ko tiningnan ang sarili ko sa salamin wow! Ang ganda. Pero nasaan na kaya si JOSHUA??

YOU ARE READING
Titanium Academy
FantastikNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????