Nakalabas na kami at agad naman kaming sinalubong nang dalawa. Lumapit sakin si aya saka yumakap kaya yumakap din ako pabalik sa kanya.
"Waaahh!! Mamimiss po kita"
"Sus baka meron pang paraan para magkita tayo" humiwalay naman siya sa pagkakayakap niya sakin.
"Sana nga po, ito nga po pala regalo ko sa inyo, ginawa ko po yan para talaga sa inyo" ibinigay naman niya sakin ang isang bracelet, tinaggap ko naman ito.
"Maraming salamat ang ganda nito"
"Walang anuman po haha sana magkita pa tayo ulit." Lumapit naman ang dalawa sa amin.
"Kailagan na nating umalis pasara na ang lagusan" drake
"Maraming salamat uli sa inyo." Lumapit naman ako kay ryle saka yumakap haha walang malisya yan.
"Sana po magtagumpay kayo"
"Sana nga" humiwalay naman siya sakin saka ngumiti kaya ngumiti din ako pabalik.
"Bilisan mo na diyan"
"Haha lumapit kana po dun baka magalit si lolo haha" baliw din pala to, lumapit na ako kay drake saka may lumitaw na isang lagusan at sa huling pagkakataon nagpaalam kami sa kanilang dalaw at pumasok.
*****
"Maligayang pagbabalik" nakita namin ang aming sarili sa loob nang bahay ni mang kiko. Nakangiti siya samin kaya ngumiti din ako pabalik.
"Sumunod kayo sakin nandito na rin ang iba niyong mga kasama." Sumunod na nga kami sa kanya hanggang sa pumasok kami sa isang kwarto at nakita namin silang anim na mahimbing na natutulog.
"Ilang araw na nila kayo hinihintay, kinakabahan nga ako at baka hindi na kayo nakabalik." Ha? Eh ang bilis lang nga namin eh.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko
"Iba ang oras natin dito kumpara sa pumunta ka sa hinaharap minsan ang isang araw ko doon ay umaabot nang isang buwan dito, kaya masaya din ako na nakabalik na kayo." Ganon pala yun.
"Gisingin niyo na ang mga kasama niyo at kukunin ko lang ang mga kinakailangan para sa gagawin natin." Lumabas naman siya at sinabihan si drake na gisingin ang mga lalaki dahil ako na ang gigising sa mga babae, pumayag naman siya kaya lumapit na ako para gising ang tatlo.
"Aryanna, aryanna gising" tinapik tapik ko naman siya saka niya minulat ang kanyang mata at ngumiti sakin.
"Nandito na pala kayo"
"Oo kaya tumayo kana diyan haha" umupo naman siya kaya lumapita ako kay Aira mukhang nanaginip ang isang to.
"Aira, aira gising nandito na kami"
"Ian wag ngayon" hanep din pala tong isang to haha
"Si nhick to hindi si Ian kaya bumangon kana diyan." Napamulat naman siya at saka gulat na nakatingin sakin binigyan ko naman siya nang nakakalokong ngiti.
"Gumising kana diyan tama na yang pananaginip mo sa kanya haha inlab ka na talaga"
"Uy wag mo kong isusubong"
"Sureness haha" unalis na ako saka nilapitan si xyra, as usual ginising ko din siya mabuti nalang mabilis lang siyang gisingin.
"Nandito na pala kayo"
"Oo, gising na kayo magsisimula na tayo" nag unat unat naman siya
"Kinakabahan kami sa inyo akala namin hindi na kayo makakabalik ilang araw na kasi namin kayong hinihintay"
"Ilang araw ba kami nawala?"
"Mga sampung araw" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya eh ang bilis lang nga namin eh
"Mukhang di ka naniniwala sa sinasabi ko haha pero totoo yun tsaka masaya kami kasi nandito na kayo"
Namiss ko din naman sila"Lumapit na kayo dito magsisimula na tayo" lumapit naman kaming lahat kay mang kiko at sumunod sa kanya papunta sa labas lumapit ako sa tatlo at magkasama din yung apat na lalaki. Halata sa mga mukha nila na pagod sila.
"Madali lang gawin ang potion nao yung nga lang mahirap hanapin ang mga sangkap na ito. Tingnan niyong mabuti ang gagaiwn ko dahil sa susunod kayo na ang gagawa nito."
"Namiss ka namin" aryanna
"Oo nga" aira
"Ako din naman eh" tumingin na kami kay mang kiko na ngayon ay nasa gitna nang isang malaking bilog. Nasa harapan niya ay ang mga sangkap na lumulutang. Nakatitig lang kaming lahat sa kanya at ni isa walang umimik.
May nailabas siyang isang puting tela at isa isang nilagay ang mga sangkap habang meron siyang binbanggit na kung anong mga salita. Unti unting umilaw ang tela at patuloy pa rin siya sa kanyang mga sinasabi naramdaman ko naman na hindi ako makagalaw ganon din ang iba.
"Teka lang anong nagyayari bat hindi ako makagalaw?" Tanong ko
"Kapag gumagawa nang kung anong potion hindi pwedeng gumalaw ang mga white o dark user na nakapalibot dito, kaya ginagamitan tayo nang salamangka para hindi makagalaw. Sa ngayon tumahimik nalang tayo dahil maya maya matatapos na din yan" tumango tango naman ako sa sinabi niya saka itinuon ulit ang pansin kay mang kiko. Meron nang isang bote sa harap niya at lumabas sa puting tela ang potion saka niya ito inilipat sa bote. Nawala naman ang ilaw at nakagalaw na kaming lahat.
"Siguro naman ay tiningnan niyo kung pano ko iyon ginawa." Tumango naman kami sa kanya pero ang totoo nun hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya.
"Kailangan niyo lang pag-aralan ang mga salamangka sa pagkawa nang mga ganitong bagay dahil magagamit niyo ito"
"Opo" sabay sabay naming sinabi
"Mabuti naman tangapin niyo na itomg bote saka bumalik sa loob at hinandaan ko kayo" kinuha naman iyong ni drake at bumalik kaming walo sa loob.
"Waaahhhh nick" lumapit naman yung dalawa saka yumakap sakin, ang higpit nang yakap di ako makahinga!!
"Oh dahan dahan lang hindi na makahinga si nick oh haha" xyra
"Parang sampung taong hindi nagkita" ken
"Oo nga mga baliw talaga" ian
"Kayang dalawa tumahimik nga kayo and mind your own business!!" Ito na naman silang apat mag-aaway na naman.
"Kayong apat tigil na kakakita pa nga lang natin mag-aaway na naman kayo"
"Nagbibiro lang naman kasi kami nick"
"Oo nga silang dalawa lang naman ang sumeseryoso" susugod sana ang dalawa kaso pinigilan ko sila, haha di talaga makapag pigil to.
"Haha tama na yan hindi ba pwedeng magsaya tayo kasi nagkasama tayo ulit"
"We like that party party diba drake!?" Umakbay naman siya kay drake pero tinignan lang siya nito nang masama kaya napabitaw siya
"Sabi ko nga ayaw mong magpakasaya, tayo nalang aryanna" nginitian naman namin sila pero sinimangutan lang kami ni aryanna haha.
Sana ganito kami palagi para palaging masaya yung walang gulo.
*****
Sensya kung bago lang ako nakaupdate busy kasi😂😂
![](https://img.wattpad.com/cover/75233783-288-k566675.jpg)
YOU ARE READING
Titanium Academy
FantasíaNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????