Kanina pa kami lakad ng lakad. Yung dalawa nakasimangot na. Nakakainis din naman kasi! Kanina pa kami ikot ng ikot dito sa buong academy pero hindi pa rin namin makita ang mga boys. San naman ba kasi sila nagsusuot at hindi makita.
"Nick punta na lang tayo dorm nagugutom na ako next time na lang tayo puntang cafeteria kapag nakita na natin ang mga hinayupak na mga lalaki na yun." Grabe si Aryanna parang mangangain na ng tao. Patay talaga samin ang mga lalaki nayon.
"Segi balik na tayo magluluto na lang ako. Bibilisan ko nalang." Pumunta na lang kami pabalik sa dorm hindi din naman kasi natuloy ang plano namin na kumain sa cafeteria kasama ang boys. Pagdating namin nakita nadito lang naman pala ang hinahanap namin. Pagdating namin agad nag away yung apat tsk tsk ako na naman ang magiging referee nito.
"THE FOUR OF YOU STOP IT!!" nabigla naman ako ng biglang sumigaw si drake ganong din yung apat hoo creepy.
"Ah eh sorry drake itong kasing dalawang babaeng to kakadating palang sinugod na kami agad wala naman kaming kasalanan sa kanila." Hahaha mukhang takot na takot ang mukha ni Ken parang natatae na parang ewan.
"Huy nakalimutan mo ba na may usapan tayo na kakain tayo sa cafeteria ngayon." Ang totoo kasi niyan minsan lang daw kasi silang kumain sa cafeteria dahil dito sila palaging nakatambay sa dorm. At isa pa sa rason ay dahil may mga importanting ginagawa sila.
"Eh san ba kasi kayo nanggaling at wala namn kayo kanina sa classroom." tanong ko sa kanila
"Eh bigla kaming pinatawag ni Headmaster eh."
"Ah ganon ba, sa susunod kasi magsabi kayo para hindi na kayo namin hanapin."
"Oo next time promise magsasabi na talaga kami."
"Tss tumigil na nga kayo ang iingay niyo ang Mabuti pa pumunta na tayo sa cafeteria diba yun naman ang gusto niyo."
"Ah eh Segi ba." Kaya lumabas na silang apat lalabas na din sana akong ng biglang hawakan ni drake ang braso ko.
"O, may kaylangan ka?"
"Samahan mo ako sa kwarto." Magtatanong pa sana ako pero hinigit niya na ako papunta sa kwarto niya kaloka ano ba ang gagawin niya don. Bigla niya na lang binitawan ang kamay ko at gumawa ng PORTAL??
Oh no not again !!!!!
Drake P.O.V
Lumabas na yung apat. Lalabas na din sana si Nick kaso pinigilan ko siya."O, may kaylangan ka?" Tanong niya sakin
"Samahan mo ako sa kwarto." Magtatanung pa sana siya pero hinigit ko na siya papunta sa kwarto. Pagdating gumawa ako ng portal papunta sa Fire Kingdom. Paglingon ko sa kanya namumutla siya. May sakit ba to?
"Oy, ok ka lang bat namumutla ka."
"Ah- eh -ano kasi kay-langan na si-guro na-ting buma-lik tama oo kaylangan na nating bumalik baka hinahanap na tayo don." Hmmm baka naman takot tong pumasok sa portal..
"Hwag kang mag-alala hindi nila tayo hinahanap."
"Ano kasi ehh."
"Takot ka bang pumasok sa portal?" Bigla naman siyang natahimik.
"Dont worry I'm always at your side." Hinawakan ko siya sa kamay at pumasok na kami sa portal.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Atlast nakadating din kami. Masakit na kasi ang tenga ko makasigaw kasi si Nick wagas eh.
Pagtingin ko sa kanya para na siyang masusuka kaya binigyan ko siya agad ng mintrae"Waaahhhh hindi na talaga ako gagamit ng portal kahit kailan." Natawa naman ako sa expression niya. Ang cute niya talagang tingnan pag gumaganyan siya.
"Oy tunaw na ako." Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya. sh*t kanina pa pala ako nakatingin sa kanya.
"Well anyways nasaan na pala tayo at anong gagawin natin dito? Pero Infairness maganda dito kahit maraming apoy ang nakapalibot."
"Nandito tayo sa Kingdom namin at ang sagot ko kung ano ang ginagawa natin dito ay ipapakilala kita sa pamilya ko."
"Ahhhhhhh."
"Yun lang ang sasabihin mo?"
"Bakit ano ba dapat ang sasabihin ko?" Unbelievable! ang ibang babae nga nagugulat kapag ipapakilala sa pamilya na walang pasabi sabi pero siya yung lang ang sasabihin.
"Bakit akala mo ba ipapakilala kita sa mga magulang ko bilang kaibigan."
"Oo parang ganon na nga."
"Well para sabihin ko sayo hindi kita ipapakilala na FRIEND ko dahil ipapakilala kita bilang GIRLFRIEND ko."
"WHAAATTTT!!!!"
Nick P.O.V
"WHAAATTTT. " anakngbaboynaginawananglitsonsaarawngpasko.
"Hahahahahhhha."
"O bakit ngayon tawang tawa ka."
"Your face was epic hahahaha. But seriously ipapakilala talaga kita sa pamilya bilang girlfriend ko." Sinamaan ko siya ng tingin buwisit na lalaki to. Ikaw kaya dalhin ng hindi man lang sinabi sayo ang full information tapos sasabihin na ipapakilala ka sa pamilya bilang girlfriend syempre nakakagulat yun. At isa pa HARI AT REYNA ang mga magulang niya huhuhhuhuhu.
"Kainis ka ibalik mo na lang kaya ako sa academy."
"Ok segi hindi na kita iinisin. Pero Kaylangan ko lang talaga ang tulong mo."
"Tss explain mo kaya sakin para maintindihan ko."
"Okay ganito kasi yun. Gustong- gusto ni lola na mag ka girlfriend na ako. Kaso nga lang wala akong interes sa mga babae . Kaya sabi niya kung hindi daw ako mag kaka-girlfriend at walang maipapakialala sa loob ng 100 days na ibinigay niya sa akin ay ipapakasal niya ako kay Valerie. At ayoko talagang mangyari yun kaya please tulungan mo ako."
"Oh eh bat ako yung dinala mo dito bat hindi si Aryanna o di kaya si Aira?"
"Masyadong magaling si lola alam niya kung totoo ang sinasabi at kinikilos natin at isa pa alam ni lola na hindi ako magkakagusto sa kanila dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanila."
"Eh pano ang mga magulang mo?"
"Don't worry about them sinabi ko sa kanila ang plano ko tungkol dito. At pumayag sila dahil alam nila hindi ko gusto ang plano ni lola sakin."
"Kaya moko hinatak papunta dito kasi kaylangan mo nang tulong ko. At kailangan mo akong ipapakilala sa lola mo na girlfriend mo dahil ayaw mong ipakasal kay wrong grammar este Valerie."
"Exactly kaya please please please please tulungan mo ako."
"Diba sabi mo magaling ang lola sa pag alam kung totoo ang sinasabi at kinikilos natin kaya pano na yan?"
"Well si mama na ang gumawa ng paraan binawasan niya ang ability ni lola kaya ang gagawin lang natin ay we have to act na mag boyfriend-girlfriend tayo sa harap niya para hindi tayo mapaghalataan."
"Well syempre hindi pa naman ako umo-oo. Kaya may isang kondisyon ako pagkatapos papayag ako sa gusto mo ano payag ka?"
"Spill it."
"Gusto kong bumalik sa mortal world kahit sandali lang."
"Yun lang naman pala eh segi gagawin ko yun. Pero ngayon umalis na tayo kasi baka mainip na si lola don." Naglakad lang kami papunta sa palasyo nila malapit lang naman daw kasi. Hooooo! Sana maging okay ang meet and greet sa family niya kahit ang totoo fake lang.....

YOU ARE READING
Titanium Academy
FantasyNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????