Nick P.O.VPagkatapos naming mag-usap ni lola grabe umaasenso ako lola na ang tawag ko pero yung yung sabi sakin eh. Pero back to the topic pagkatapos nga naming mag-usap pumunta na kami sa labas nandon daw kasi silang lahat. Pagdating namin agad namang lumapit sa amin si drake.
"Apo ipasyal mo muna si Nick dito para naman makita niya ang lugar natin."
"Segi la." Hinatak naman ako ni drake palabas hilig manghatak nito.
"Anong pinag-usapan niyo ni lola kanina?"
"Secret. "
"Anong secret sabihin mo ano tinakot kaba ni lola binantaan. O nahalata niya na nagpapanggap lang tayo baka naman kasi hindi mo ginalingan yung pag acting mo kanina sa harap niya."
"Alam mo OA mo hindi niya ako tinakot, binantaan at higit sa lahat hindi niya nahalata na nagpapanggap lang tayo. Ikwenento lang niya sa akin yung mga ugali mo."
"May pa secret secret ka pang nalalaman sasabihin mo lang pala."
"Alam mo wag mo na akong sungitan ilibot mo na lang ako sa lugar nyo kagaya ng sinabi ni lola."
Naglakad na siya ako naman sumusunod sa kanya. Napapansin ko rin na tinitingnan kami ng mga tao tapos nagbubulungan pa sila. Hindi ko alam na hanggang dito may chismosa pa rin pala. Bigla kaming tumigil sa isang parang museum siguro to? Labas palaang antique na eh. Pumasok na kami at bumungad agad sa amin ang mga weapons?? Akala ko pa naman museum. Sumunod na lang ako ulit sa kanya kahit saan siya pumunta. Hanggang Pumasok kami sa isang kwarto."Dito sa kwarto na ito nakalagay ang ibat-ibang klase ng espada."
"Matanong ko lang nasaan tayo? Akala ko pa naman dito museum. "
"Nasa PLATINIUM tayo dito nakalagay ang lahat ng mga weapons na ginagamit tuwing may laban."
"Ahhhhh ok. Paki explain na lang kung anong meron dito."
"Anong akala mo sakin tour guide mo."
"Parang ganon na nga sabi di ba ni lola ililibot mo ako kasama na don yung pag explain mo kaya bilisan mo na."
"Tsk oo na." hahhahaha pangalan lang pala ni lola niya ang kailangan para sundin ako now I know. Naglakad naman kami at Lumapit sa isang espada.
"Ito ang potion sword may taglay itong ibat-ibang klase ng potion. Ginawa ito ng mga wizards para hindi na kailangan pang magdala ng mga potions tuwing may laban. Kailangan din ng matinding pagsasanay at konsentrasyon dahil baka iba ang potion na magamit mo sa potion na gusto mo."
"Eh ba't isa lang?"
"Nakatago ang iba nito at tanging isa lang ang inilalabas."
"Ahhhhhh segi ipagpatuloy muna."
"Itong isa naman ay ang FLARE tanging ang mga fire users lang ang makakagamit nito. Dito din nanggagaling ang mga pets nila dahil dito sila nakatira. Dapat 18 years old na ang mga fire users bago nila magamit ito. Dahil mahirap mag summon ng pets at minsan naglalabas ito ng malalakas na enerhiya ng apoy. Kaya din nitong mag transform bilang guro nila. Ito ang nagtuturo sa kanila upang mas lalo pa silang mahasa sa paggamit nito."
"Pwedeng pa sample."
"Tsk wag na." Ang sungit nito pasample lang ng isa eh. Naglakad naman siya hanggang
makarating kami sa gitna. Natigilan naman ako sa isang espada ang ganda tapos sobrang makinang parang gusto ko itong hawakan yung para bang may tumutulak sa akin nagawin iyon. Nilapit ko ang kamay ko nang dahan dahan~~~~~~~~~~~"Aray!!!! Bat mo naman tinapik yung kamay ko!!!"
"Bawal hawakan yan."
"Eh hindi ko naman mahahawakan sa loob niyan dahil may shield no."

YOU ARE READING
Titanium Academy
ФэнтезиNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????