Chapter 22

468 14 5
                                        

Natapos ng gawin ni sir ang arena at ang masasabi ko lang sobrang ganda. Mayron ding barrier sa labas na kapag hinawakan mo ay siguradong masusunog ka. Makikita mo rin sa loob parang isang paraiso.

"Mayron akong nilagay na barrier kapag nakapasok na
kayo wala ng atrasan dahil kapag nahawakan niyo ang barrier masusunog kayo." Tiningnan ko naman ang mga kaklase parang nakakita ng multo anyare sa kanila. Kinalabit ko naman yung katabi ko.

"Oy parang takot na takot kayo bakit?"

"Terror yang si sir panigurado ni isa sa atin hindi makakatapos ng activity na yan." Tumingin na lang ulit ako sa harap. Hindi naman katakot eh exciting kaya.

"Lets start"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Kami na lang dalawa ni xyrene ang naiwan tama nga siya wala pang nakatapos ng activity.

"Next Xyrene Oxene."

"Good luck xyrene"

"Thanks nick" sana matapos niya.

Xyrene P.O.V

Hi ako nga pala si xyrene 17 years old and a plant manipulator ...... pumasok na ako sa arena medyo kinakabahan ako sana matapos ko to. Pagpasok ko biglang nagsara yung pinto at bumungad sa akin ang isang mala paraisong lugar. Ganda naman dito........ sayang hindi ko magagamit kapangayrihan ko. Naghanap na ako kung ano ang pwedeng gamiting panlaban habang hinahanap ko kung saan nakatago ang mga weapons. May nakita naman akong bato kaya kinuha ko iyon. Habang naghahanap pa ako may narinig akong kaluskos kaya hinanap ko kung saan nanggaling iyon. Habang sinusundan ko may nakita akong bato na patulis kaya kinuha ko iyon at tinapon ang una kong kinuha mas ok pa to eh. Hinanap ko ulit kung saan nanggaling yun at may nakita akong isang lalaki kaya nagtago ako sa isang malaking halaman na nasa harap ko. Bigla naman siyang tumingin sa direksyon ko nakita niya kaya ako.

Bigla naman siyang gumawa ng dark ball at hinagis papunta sa akin. Mabuti nalang nakailag ako. Ang daya bakit pwede niyang gamitin ang kapangayarihan nila dapat match tong game na to eh. Hagis lang siya ng hagis ako naman ilag lang ng ilag. Dapat mahanap ki kung sino ang komontrol o kung saan ang kahinaan niya para matapos nato.

May napansin naman ako sa bandang ulo niya parang isang cube na lumulutang hmmm tamaan ko kaya to. Kumuha muna ako ng tiempo para maasinta ko yung cube na nasa ibabaw niya. Mahirap din naman kasing makalapit labas lang siya ng labas ng kapangyarihan niya sa akin. Kay nagtago muna ako sa isang malaking puno. Napansin ko na kanina pa siya tira ng tira pero hindi niya kayang sirain tong puno.... ok alam ko na ang gagawin ko. Kinuha ko ang bato saka kinuha ang balat ng kahoy hindi ako nahirapan dahil hindi naman matigas pero ang pinagtataka ko bakit hindi niya masira pero ok mamaya ko nalang iisipin yun. kumuha ako ng malaki para gawing sheild tapos lumapit ako sa kanya habang sya naman tira ng tira sa akin. Pagkalapit ko sinapa ko siya ng malakas sa tuhod kaya napaupo siya kinuha ko na din ang pagkakataon na iyon saka ko hinagis yung bato papunta sa cube.

Bigla namang nag iba ang anyo ng cube at parang naging isang lalagyan ng mga weapons? Tapos may kasama pang sulat

Hanapin na ang mga sandata para sa iyong kaligtasan.

Hmmm kailangan ko nang magmadali. Kinuha ko na yung lalagyan at isinuot dinala ko na din yung balat ng kahoy saka yung batong ginamit ko kanina. Naglakad lakad ako hanggang sa makakita ako ng isang ilog kaya pumunta muna ako doon para uminom ng tubig. Sarap ng tubig dito habang umiinom ako may napansin akong parang may kumikinang sa tubig kaya nilapitan ko iyon at may nakita akong isang dyamante blue ang color niya. Kinuha ko iyon pero may biglang lumabas na serina? Wag mong sasabihin na lalaban na naman ako hay!!

"Sino kang lapastangan na pumunta sa aking tahanan."

"Pasensya po kung nadistorbo kita uminom lang po ako ng tubig wala po akong balak na masama."

Titanium AcademyWhere stories live. Discover now