Chapter 3

947 37 1
                                        

Omo  8:40 pm na patay ako nito kay tita. Anong gagawin ko nito. Tumakbo ako ng mabilis na mabilis. Hala patay ako nito papagalitan ako ni tita anong gagawin ko terror pa naman yun pag gutom.

Okay inhale, exhale okay pumasok na ako at nakita ko si tita na umuusok sa galit. Hala patay!!!!

"IKAW BABAE KA BAKIT NGAYON KA LANG ALAM MO BANG GUTOM NA GUTOM NA KAMI PINAGHINTAY MO PA KAMI NG 3 ORAS HA!!!!!!!!!"

Naman sabi nang terror magalit pag gutom eh. Nakita ko si tita na palapit na may dalang walis tingting wag mong sabihin na papaluin niya ako niyan wag naman oh masakit yan. Lumapit siya sa akin at sinumalang hampasin ako.

"IKAW BABAE KA ALAM MO BA PALAGI KA NA LANG PALPAK WALA KA NANG GINAWANG TAMA."

"TITA *sob*  TAMA NA PO *sob* NASASAKTAN *sob*  NA PO AKO *sob"

"DAPAT LANG NA GAWIN SAYO TO PARA TUMANDA KANA!!!!!"

"UMALIS KANA SA HARAPAN KO!!!"

Pumunta na ako sa kwarto at don umiyak.....

"Ano ba ang ginawa kong mali *sob* ginawa ko naman *sob* lahat ano pa bang kulang *sob* ayoko ko na nasasaktan na ako  *sob* aalis na ako dito *sob*"

Nag impake na ako ng damit aalis na ako dito hindi ko na kaya ang ginagawa nila sa akin.

Hinay hinay hinay at sa wakas nakalabas na ako. Alam kung tinulungan nila ako pinakain pinatira sa bahay nila nagpapasalamat ako don. Pero ang hindi ko lang matanggap ang tratuhin nila ako na parang isang katulong ginawa ko naman ang lahat ah.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa isang GUBAT?

At kailan pa nagkaroon ng gubat dito?

Gabi na pala dito na lang ako magpapalipas ng gabi. Naghanap ako nagbabakasakaling may bahay akong makita. At kapag sinuwerte ka nga naman. Kumatok muna ako sa loob ng bahay nakakahiya naman kasi kung hindi diba.

"Sandali lang."

Salamat naman at may tao. Hinintay kung bumakas at nakita ko si  LOLA? Nakatira si lola sa may gubat hindi ba siya  natatakot?

"O hija ikaw pala nagkita ulit tayo. Halika pumasok ka."

"Ah eh oo nga po nakakahiya nga po eh."

"Bakit ka naman mahihiya eh tinulungan mo naman ako. Halika umupo ka muna dyan kukuha lang ako ng ng makakain."

"Salamat po."

Umalis na si lola. Nilibot ko ang paningin ko at malinis ang bahay niya at maayos. Wala bang kasama sa buhay si lola kawawa naman siya. Habat nililibot ko ang paningin ko may nakita kong lumulutang ang isang picture frame nagulat ako sa nakita ko. Ipinikit ko ang mata ko at hindi na ito lumulutang baka nman namamalikmata lang ako.

"Ija ito na."

"Salamat po, ah nakakahiya po pero pwede po bang dito muna ako tumira pansamantala lang naman po maghahanap po ako ng trabaho at tutulungan ko po kayo."

"Ano ka ba  ija okay lang naman na dito ka tumira isa pa ako lang naman magisa dito."

"Wala po ba kayong ibang kasama dito?"

"Ako lang mag-isa sa buhay wala akong kasama. Isa pa may binabantayan akong isang importanteng tao."

"May binabantayan po kayo hindi naman po sa pangingialam sino po siya?"

"Ikaw"

"Ah ako lang pa--- ANO AKO PO!!! ah eh pasensyahan niyo na po. Pero bakit niyo naman po ako binabantayan?"

"Mabuti pa ilagay mo muna ang mga gamit mo sa itaas pagkatapos pumunta ka sa sala panahon na para malaman mo ang totoo."

"Sige po."

Tinuro sa akin ni lola kung saan ako matutulog at posible kayang alam ni lola ang tungkol sa mga magulang ko. Sana naman alam niya. Marami akong tanung na gusto kong masagot tungkol  sa kanila. Inayos kona ang mga damit ko. Pagkatapos ay bumaba ako para kausapin si lola.

"O, nandito kana pala sige umupo ka."

" alam kong maraming katanungan  diyan sa isip mo magtanung ka lang sasagutin ko. Pero ang iba mong tanung baka hindi ko masagot dahil ikaw dapat ang makatuklas nito."

"Gusto ko po sana malaman kong alam niyo ba kung sina ang tunay kong mga magulang kung bakit po nila ako iniwan."

"Alam kong tatanungin mo yan saakin, kilala ko ang mga magulang mo naging estudyante ko sila. At tinatanong mo kung bakit ka nila iniwan. Iniwan ka nila dahil mahal ka nila."

"Kung mahal po nila ako bakit po nila ako iniwan? *sob*" hindi ko na mapigilang umiyak kung mahal nila ako hindi nila ako iiwan.

"Ija wag mong isipin na iniwan ka nila dahil hindi ka nila mahal. Iniwan ka nila dahil gusto nila na maging ligtas ka. Ipinaubaya ka saakin ng mama mo para turuan kang gamitin ang iyong majika.

Nagulat ako sa sinabi ni lola. Anong ibig niyang sabihin na tuturuan niya ako ng majika ko weird naman.

"Tuturuan kita kung paano gamitin ng husto ang majika mo. Diba kanina nakakita ka ng picture frame na lumulutang hindi ba?" nagulat ako sa tanong ni lola paano niya nalaman ang tungkol don. Ibig sabihin ba non hindi ako namamalikmata.

"Hindi ka namamalikmata ija yan ang isa sa mga kaya mong gawin kaya nandito ako dahil marami ka pang dapat matutunan at ako ang tutulong sayo para makontrol mo sila ng maayos."

"Hindi ko po kayo maintindihan ano po ba ang ibig niyong sabihin na majika diba para lang sa mga bata yun at hindi po yun nag e exist" totoo naman diba kailan pa nagkaroon ng magic sa toong buhay.

"Alam kong hindi ka maniniwala pero totoo ang majika." bigla niyang pinakita ang mga kidlat sa kamay niya. Wow!!! AMAZING pano niya nagawa yun. So ibig ba sabihin nito totoo ang magic. Sinampal sampal ko ang sarili ko so hindi ako nanaginip totoo ang lahat ng ito.

"Wag kang mag aalala dahil matutunan mo rin ang mga ganong bagay dahil nandito lang ako para gabayan ka. At simula bukas tuturuan kita kung paano gamiti lahat ng kapangyarihan mo."

"Diba sabi niyo sa akin lahat ibig po bang sabihin marami."

"Oo ija kaya magpahinga kana."

Geezz mapapasabak ako nito.

Titanium AcademyWhere stories live. Discover now