Chapter 41

35 7 3
                                        

Aryanna P.O.V

Kanina pa ako kain ng kain dito tas tong babae namang to kanina pa ikot ng ikot, nu ba kasi problema nito?

"Problema mo Aira, kanina ka pa diyan ang sakit mo nasa ulo problema ba? " tumigil naman siya saka tumabi sakin.

" Alam mo, marami nang nawawala dito satin, tas yung mundo ng mga mortal dinamay pa nila. Sa tingin mo ano kaya binabalak nila"

"Teka lang ba't di ko alam yan ha" parang wala naman silang sinasabi tungkol diyan

"Kasi nga ayaw nilang ipaalam satin"

"Bakit naman ayaw nilang sabihin?" pano naman malulutas yang problema na yan kung hindi naman pala nila sasabihin.

"Hindi ko din nga alam eh, kung hindi ko pa narinig yung pinag-usapan nila ni Headmaster hindi ko malalaman." Bakit kaya ayaw nilang ipaalam samin, sigurado akong may pinaplano sila

" Kung ayaw nilang sabihin satin edi tayo nalang ang kikilos" tiningnan naman niya ako na parang may pinoproblema.

"Bakit?"

Tumayo naman siya ulit saka naglakad lakad, naku po eto na naman tayo " Eh pano naman yung mga lalaki sigurado akong hindi nila tayo papayagan" sus yan lang pala yung pinoproblema niya kala ko naman kung ano.

"Ba't naman tayo matatakot na sabihin sa kanila yung gusto nating gawin, hindi naman to laro eh tsaka kung ayaw nila may magagawa ba sila kung gusto talaga nating umalis diba wala?" alam kong di siya nakumbinsi sa mga sinabi ko, kaya sinabihan ko nalang siya na puntahan si Nick para dun nalang pagpatuloy tong usapan nato.

Paglabas namin nakita namin ung tatlong lalaki na may mga dala na ginagamit tuwing may pinapagawa saming misyon sa labas ng eskwelahan. Hmm.. san naman kay pupunta ang mga to at ba't di namin alam.

"San naman ang punta niyo?"

"Wala ka na dun" aba, walanghiya to ah tinatanong ng maayos eh.

"Gusto mo bang mamatay ha! "

Bago ko pa sugurin tong ken nato eh inawat na kami agad ni drake " Hindi to oras ng away, umayos nga kayo kahit ngayon lang" Nakakainis...

"Eh san ba kasi kayo pupunta at di niyo man lang sinabi samin ni Yana na may misyon pala" Matagal bago sila nagsalita, tsk nagsesekreto pa sila

"bantayan niyo nalang ang eskwelahang ito habang wala kami"

"San ba kasi kayo pupunta drake at parang ayaw niyo pang sabihin samin"

"Basta sumunod nalang kayo" Umalis na silang tatlo, kung ayaw nilang sabihin bahala sila diyan.

"Puntahan na natin si Nick gagawa tayo ng plano" pagkasabi niya ay agad siyang naglakad papalayo sakin, grabe parang nawala ang takot niya kay Drake ah.

Nick P.O.V

Tahimik ang lahat, ang sabi ng dalawang to may sasabihin daw sila sakin pero di naman sila nagsasalita kanina pa. Nu ba problema ng mga to..

"Anyare? May namantay ba?"

"Nick kailangan nating mag-isip ng plano" aryanna

"Plano para saan? "

"Sa paghahanap ng pinsan mo" kakaalis ko lang baka pagalitan na naman ko ni Drake.

"Eh pano si drake? "

"Umalis sila kaya ok lang" ganun..

"Eh anong plano? " Nagtinginan naman silang dalawa na parang hindi alam ang gagawin.

"Di ko alam eh" Galing naman oh..

"Di naman kasi kami yung pumaplano yung mga lalaki yung gumagawa" tumango tango naman si Aira na parang sang-ayon sa sinabi ni Aryanna. Tong dalawang talaga to, magplaplano daw kami.

"Baka may alam kayo o kakilala na pwedeng makatulong satin. "

Biglang namang tumayo si Aira kaya medyo nabigla ako "Si Conus! Pwede niya tayong tulungan! "

"Yung mukhang baliw? "

"Ano kaba kahit mukhang baliw yun makakatulong pa rin yun satin" sino naman kayang tong Conus na to.

"Kung ganun umalis na tayo, ang hirap kayang mahagilap niyan. " Tumayo naman ako para pigilan silang dalawa.

"Teka lang ngayon na talaga? "

"Oo nga kaya maghanda ka na diyan" wala naman akong nagawa kaya nag-ayos nalang ako. Sumilip din ako sa bintana pero hindi ko nakita yung dragon ko. Nasan na kaya yun.

***
"Lika na" aryanna

"Sandali lang! Sandali lang! " aalis na sana kami kaso nakita namin si Xylene kaya napatigil kaming tatlo.

"Tu-tulungan niyo a-ako-" hinayaan muna siya naming huminga para makapagsalita siya ng maayos.

"Ok kana ba? "

Tumango naman siya saka pinagpatuloy ang sasabihin niya. "Kailangan ko ang tulong niyo nawawala ang kapatid ko, nalaman ko sa isa sa mga kakilala ko kagabi na dinukot daw siya, tulungan niyo sana ako. Hindi niya pa masyadong alam kung pano gamitin ang kapangyarihan niya kaya sigurado akong hindi niya maipagtatangol ang sarili niya" may dinudukot din dito?

"Kung ganun sumama ka nalang samin" sumang-ayon naman si xylene kaya naglakad na kami papunta sa isang tunnelna palabas sa eskwelahan. Wala daw masyadong nakakaalam ng lugar nato kaya ok lang.

Nang makalabas kami ay agad na sumama ang pakiramdam ko. Nauuna silang maglakad sakin kaya hindi nila ako nakikita. Gusto ko silang tawagin pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Ano ba tong nangyayari sakin.

Bago pako makalakad ulit ay biglang nandilim ang paligid ko dahilan para bumagsak ako.

Titanium AcademyWhere stories live. Discover now