Chapter 11

860 34 6
                                    

    Nick P.O.V

Matapos Ang  training namin ay bumalik na kami sa dorm. Dahil mag paparty daw sila dahil nanalo kami.

"TABA IBALIK MO ANG KWENTAS KO!!!! PAG MAABUTAN KITA PAPATAYIN TALAGA KITA!!!" as usual yung dalawa naging aso at pusa nanaman kilala niyo naman siguro kung sino ang nagbabangayan diba. Sa kabilang dako naman yung dalawa ang tahimik pagkatapos makikita na lang namin na nagbabangayan na minsan kasi ang labo din nila.

"Punta muna tayong cafeteria susunod na lang tayo sa kanila." Drake

"Bakit nagugutom ka naba? Di ba magpaparty naman daw sila sa dorm kaya don ka nalang kumain."

"Hindi ako nagugutom may kukunin lang ako dun."

"Bakit ano ba yun at napakaimportante."

"Wag nang madaming tanung halika na." Bigla niya na lang ako hinigit papuntang canteen. Pagdating namin napunta sa amin ang atensyon grabe uso bang tumingin  ng nakakamatay dito.

"Ay ang landi niya lumalapit siya sa prince natin." Clown 1

"Siguradong magagalit si Valerie pag nakita siya." Clown 2

"Alam mo girl nabalitaan ko natalo niya daw si Valerie kanina sa training nila." Clown1

   Ay  grabe talaga ang mga chismosa mabilis makarating sa kanila ang balita bilib na talaga ako sa kanila.

"Wag mo na silang pansinin lika na." Pumunta kami sa section kung saan inilalagay ang mga pagkain tapos may kinausap siyang lalaki. Nilibot ko lang ang panigin ko sa buong cafeteria habang hinihintay siya.

"Balik na tayo na kuha ko na ang kailngan ko."

"Bakit ano ba yan?"

"Mamaya ko na ipaliwanag. Bumalik na tayo baka magtaka sila kung bakit wala pa tayo don."

"Segi"

    Nagteleport na kami papuntang dorm. Pagpasok namin nakita namin sila na naghahanda Si Aira at Aryanna nagluluto tapos ang boys naman nagdedecorate so seryoso nga sila na magpaparty ang yaman naman nila.

  "Nandito na pala kayo. Kayo ha hindi niyo sinabi na magdadate pala kayo bigla bigla na lang kayo nawawala." Aira

"May kinuha lang siya sa cafeteria sinamahan ko lang."

"Asus segi na nga." Aira

"Hoy palagi na lang kayo nagsasamang dalawa ha baka naman kayo na grabe guys magka ibigan tayo dapat walang taguan." Aryanna

"At kayo ha wag niyo ngang bigyan malisya yun sinamahan ko lang naman anong problema dun."

"Alam mo kasi Nick minsan lang mamansin ang kumpare namin." Cute guy

"Alam niyo ang sakit niyo na sa ulo kanina pa kayo ha pwede bang manahimik na lang kayo dyan at ituloy kung ano ang ginagawa niyo." Drake

"Ay ay captain." Ang kulit nilang apat. Nang matapos sila sa ginagawa nila ay lalabas daw muna ako. Grabe baka may surprise sila sa akin hehe ambisyosa ko. Hinintay ko sila baka kasi pwede na akong pumasok. Bigla na lang may nagtakip ng mata ko kaya ayun nag panic ako.

"Nick wag kang malikot hindi ka naman namin papatayin no."  Aira

"Hehe sorry hindi ko naman alam bat kasi may patakip takip pa kayong nalalaman."

"Syempre dahil may surprise kami sayo." Aira

"Grabe nakakaexcite naman yan."

Inalalayan nya ako papasok. Ilang minuto pa bago nila tinanggal ang panyo. At ito lang ang masasabi ko sa nakita ko.

Titanium AcademyWhere stories live. Discover now