"Magpahinga kana may pupuntahan pa tayo bukas" Nakabalik naman kami at nagpaalam na ako sa kanya saka siya bumalik sa kwarto niya. humiga naman ako sa kama saka nag isip- isip. Pano kaya kung hanapin ko nalang si kate? masyado na kasi siyang matagal na hinahanap baka napano na yun kahit naman palagi niya akong inaaway nag-aalala pa rin ako sa kanya.
Tumayo naman ako saka kinuha ang mga gagamitin ko, bahala na kung magalit si drake mawawala din naman yun. Dito naman ako dadaan sa bintana para di ako makita, lalabas na sana ako nang meron akong napansin na parang may lumilipad sa ibabaw nang canteen. Pinagmasdan ko naman itong mabuti at nakita kong papunta ito sa akin, di naman ako gumalaw at pinagmasdan lang ito hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ako natatakot. Nang tuluyan ko na siyang makita ay isa pala itong dragon, at parang pamilyar siya sakin.
" maligayang pagbabalik master" teka lang ito naba yung dragon ko? ba't ang laki na niya?
" mabilis lang po akong lumaki" haha grabe ang sama ko nakalimutan ko siya.
"Dragon ko pasensya kana nakalimutan kita, pero ang bilis mo atang lumaki?"
"ganun po talaga, baka gusto niyo pong sumakay alam ko pong may pupuntahan kayo" sumakay naman ako sa likod saka ko siya nilagyan nang mahika para hindi nila malaman na lalabas kami. Lumipad naman siya, hay namiss ko siya..
Drake P.O.V
"Drake pinapatawag kayo ni lola!!!" napabangon naman ako nang marinig ko ang nakakabwesit na boses nang kapatid ko.
"Ano ba ang ingay mo!"
"Hello hindi naman ako pupunta dito kung hindi ako inutusan, tumayo kana diyan hinihintay na kayo ni lola." lumabas naman siya, gusto ko pa sanang matulog kaso naalala ko pinapapunta pala kami ni lola kaya kahit na tinatamad ako ay pumasok na ako nang banyo saka naligo
***
"Drake!!, drake!!" bullshit! ba't ba ang ingay nila! lumabas naman ako at nakita ko yung dalawang babae na nag-aalala nu naman kaya nangyari dito.
"Ano!?"
"s-si Nick nawawala, wala siya sa kwarto niya" Aira
"Ano!? san naman yun pumunta" sakit talaga sa ulo yung babaeng yun..
"di nga rin namin alam, akala nga namin magkasama kayo" san naman kaya pwedeng magpunta yun?
"hanapin yun at wag niyong ipapaalam na nawawala siya"
"nilibot na namin itong buong school pero wala siya" Gusto niya talagang hanapin yung pinsan niya! Naglakad naman ako palabas dito at sumunod sakin yung dalawa.
"teka lang san ka pupunta? " hindi ko naman sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gate, humarang naman sakin yung guard kaya uminit ang ulo ko.
"Pasensya na po, pero bawal kayong lumabas"
"open it or i will kill you!" dali dali naman niyang binuksan ang gate kaya lumabas na ako
"Drake san ka ba talaga pupunta ha"
"tawagin niyo yung dalawa magkita tayo sa ilog" sinunod naman nila ang utos k at ako nagsimula nang maghanap, patay ka talaga saking babae ka pag nakita kita.
Nick P.O.V
"san po ba tayo pupunta?"
"hindi ko nga rin alam eh" hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"Bakit kaba po lumabas"
"Gusto ko kasing hanapin ang pinsan ko"
"Meron po akong kilala na pwedeng makatulong satin"
"Sige punta tayo sa kanya" Humiga naman ako sa likod niya at ipinikit ang aking mga mata.
****
"Nandito na po tayo" Napamulat naman ako nang aking mata saka inilibot ang aking paningin sa buong paligid. Hindi ko alam kung nasan kami pero napapalibutan ito nang mga malalaking bato. Bigla namang bumukas ang mga bato na ikina bigla ko. Lumabas dito mga nilalang na gawa sa bato, hindi ko alam ang mga pangalan nito pero kamukha nila yung mga trolls.
"Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo" Bumaba naman ako saka lumapit at yumuko sa kanila.
"Hinahanap ko po kasi ang pinsan ko, matagal na siyang nawawala at hindi siya makita nang mga kasama namin sa mundo nang mga tao at sinu suspetsa nila na nandito siya. Kailangan ko po sana nang tulong baka alam niyo kung nasan siya. " Lumapit naman siya sakin at hinawakaN ang kamay ko, sandaling katahimikan ang bumalot samin hanggang sa tuluyan niya na itong binitawan.
"Isang dalaga ang aking nakikita, nasa isang burol siya, nakakulong at nanghihina" Nakikinig lang ako sa sinasabi niya at parang naawa ako sa kalagayan niya ngayon.
"Kailangan niyo siyang makuha sa lalong madaling panahon"
"Alam niyo po ba kung saang burol yaN? " Mabuti sana kung nasa chocolate hills lang edi Alam ko.
"Wala siya sa ating mundo, nasa mundo siya nang mga tao" So nasa chocolate hills nga siya.
"Pano niya naman po nasabi yan, hindi po nila siya makita sa mundo nang mga tao"
"Napapalibutan nang isang mahika ang kanyang kulungan kung kaya't hindi niyo siya mahanap. " Masyadong matalino yung dumakip sa kanya.
"Maraming salamat po sa tulong niyo"
"Walang anuman mag-iingat ka" Nagpaalam na ako ulit saka sumakay. Kailangan kong makapunta sa mundo nang mga tao.
Drake P. O. V
"Nahanap mo na ba siya? " Dumating naman sila at kita kong pagod na pagod sila.
"Hindi"
"San naman kaya siya nagpunta, at pano siya nakalabas? " Yun rin nga ang iniisip ko.
"Kailangan na natin siyang mahanap bago pa malaman ni headmaster na nawawala siya. " Siguradong magtataka si lola kung bakit hindi kami pumunta.
"Pupunta ako sa bayan hahanapin ko siya dun kayo na bahala kung saan kayo maghahanap. " Tumango naman sila at saka kami nagkahiwa-hiwalay. Nagsuot ako nang hood para hindi nila ako makilala.
Nang makarating ako sa bayan Ay agad ko siyang hinanap. Maraming mga bilihin kaya maraming mga white users ang nandito ngayon, nakipagsiksikan naman ako sa kanila aT tinakasan ang aking mata, nagbabakasakaling makita siya.
"Kuya pwede niyo po ba itong bilhin kailangan ko lang po kasi nang pera pambili nang mga kasangkapan para po sa aking pag-aaral" Napatigil naman ako anng hawakan ako nang bata at ipinakita sa akin ang mga tinitinda niya.
"Ano ba kailangan mo? "
"Wand po tas yung mga gagawin ko po para sa mga potion kaso nga lang hindi ko po yun mabibili lahat, wala po kaming pera" Kinuha ko naman ang kamay niya saka inilagay ang ginto.
"Aalis na ako, bumili ka nang kinakailangan mo"
"Maraming salamat po" Umalis naman ako saka pinagpatuloy ang paghahanap.
"Drake" Nabigla naman ako nang sumulpot ang kaibigan ni Joshua sa harap ko, gago ba to muntik na akong mapamura.
"Anong kailangan mo? "
"Nalaman kong hinahanap niyo ang isa niyong kaibagan at napag-alaman kong nasa mundo siya nang mga tao"
"Pano mo naman nalaman yan"
"Mamaya ko na ipapaliwanag basta kailangan mo nang pumunta dun" Nawala naman siya sa paningin ko, pero ang ipinagtataka ko pano naman niya nalaman yun?

YOU ARE READING
Titanium Academy
FantasyNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????