Nick P.O.V
Pinuntahan ko na si drake. Pero hindi ako maka get over sa buhok ko ganun din sa isang memory ko bigla ko tuloy naalala si brian matagal ko din siyang kinalimutan dahil umalis na lang siya ng walang paalam sa akin pero hayaan nalang natin yun. Nakita ko si drake sa labas na naghihintay kaya lumapit na ako sa kanya."Oy drake ang galing nung fairy ang ganda ng ginawa niya sa buhok ko."
"Wala pa ring pinagbago sayo pangit ka pa rin."
"Wow nagsalita ang gwapo."
"Gwapo naman talaga ako."
"Ang hangin mo."
"Halika ka na nga." Bigla naman kaming nagteleport mabuti na lang din keysa gumamit ng portal. Pagdating namin napanganga na naman ako. Ang ganda ng palasyo nila maraming fire fairies tapos gawa pa sa ruby yung pinto tapos opal naman yung buong palasyo na may kasamang dragon na nakaukit gamit ang emerald. Hinawakan naman ni drake ang kamay ko at dumiretso na kami sa loob. Pagbukas lahat ng nasa loob ay nag bow dapat hindi nila nererespeto ang drake na to eh ang hangin. Bigla naman kaming pumasok sa isang kwarto. Pagpasok namin bigla naman akong kinabahan. Anak ng tinapa namam oh ang reyna, hari, ang lola ni drake at mga tita siguro niya ang iba.Naramdaman siguro ni drake na kinabahan ako kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin.
"Karla tama nga yung sinabi mo sa akin kahapon kay gandang bata tong girlfriend ni drake ang galing mo talagang pumili iho."
"Syempre anak ko yan eh." Bigla naman silang nagtawanan. Ok OP ako
"Tama na yan umupo kana iha ng makakain na tayo. Dahil marami pa tayong pag-uusapan." Naalala ko naman yung sinabi ni drake kailangan naming mag act na mag girlfriend boyfriend sa kanila lalong lalo na sa lola nya.
Umupo na kaming lahat. Tapos para akong nasa hot seat dahil sa titig nila katakot. Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang natigil lang ako ng magsalita ang lola ni drake.
"Iha, saan kayo nagkakilala ng apo ko?" Ano naman ang sasabihin ko. Na lola hinatak lang po ako ng apo niyo rito para ipakilala sa inyo hehe. Drake tulong naman dyan oh.
"Nakilala ko siya ng pumunta ako sa mortal world." Thanks drake my saviour of the day.
"Ganon ba, so iha mabait ba tong apo ko?"
"Ah opo lola ang sweet nga po niya eh." Sobrang sweet na nilalait akong panget.
"Sweet? Hindi ko alam na ganon ka pala drake ang suplado mo pagdating samin." Natawa naman ako sa sinabi ng tita niya
"Magiging sweet talaga yang anak ko dahil may girlfriend na."
"Tama na yan so iha narinig ko na bago ka lang dito sa Wircan sino naman ang nagpadala sa iyo dito."
"Ang lola ko po ang nagpadala sakin dito pagkatapos niya po akong turuan kung pano kontrolin ang kapangyarihan ko."
"Mabuti na din yun hindi ka na mahihirapan dito dahil nagagawa mo nang kontrolin ang kapangyarihan mo."
"Oo nga po."
"Kumain ka na ulit."
*15 mins*
Pagkatapos naming kumain tinawag ako ng lola ni drake dahil may pag-uusapan daw kami. Kaya sumunod ako sa kanya hanggang dumating kami sa isang kwarto na puno ng malalaking picture frame nakaukit din dito ang mga pangalan ng mga dating hari at reyna ng fire kingdom. Sumunod lang ako sa lola ni drake hanggang sa makarating kami sa pinakadulong picture frame.
"Mahal ko, nandito ang girlfriend ng apo natin sabi mo dati hinding-hindi magkakaroon ng girlfriend tong apo natin dahil sa ugali niya pero tingnan mo ngayon mayron na. Sayang nga lang at hindi mo siya nakita." Tahimik lang ako habang nagsasalita ang lola ni drake. Tingnan ko ulit yung picture frame ng lolo niya magkamukha dilang dalawa at parang ang sungit sa picture siguro namana niya ang ugali niya sa lolo niya.
"Hindi ko alam na sa isang daang panahon na ibinigay ko sa apo ko ay may ipapakilala nga siya sa akin na girlfriend niya. Ang akala ko nagpapanggap lang kayo pero hindi nakikita ko na mahal niyo ang isa't-isa kaya sana wag mong sasaktan ang apo ko."
"Sinisigurado ko po sa inyo na hindi ko po siya sasaktan."
"Alam mo Sobrang bait, masayahin at ang sweet ng apo ko niyan sa amin ng lolo niya. Pero sa aming dalawa sa lolo niya siya mas malapit ang lolo niya ang nagtuturo sa kanya kung paank kontrolin ang kapangyarihan niya ng bata pa siya kaya sanay na sanay na siya sa paggamit nito ngayon. Pero ang pagiging sweet niya at masayahin ay sa amin at sa mga magulang lang niya ipinapakita. Pero simula ng mamatay ang asawa ko palagi na siyang nagmumukmo sa kwarto niya hindi na siya kumakain at hindi na rin makausap ng maayos. Kaya habang lumalaki siya hindi siya masyadong nakikikipag-usap sa iba at mas naging suplado. Pero simula nang makilala niya ang mga kaibigan niya ngayon nagbalik ang iba sa mga katangian niya noon hindi na siya masyadong suplado, mabait na din sya pagdating sa kanila. Masaya ako sa apo ko dahil nakahanap siya ng tunay na kaibigan kahit hindi na namin kayang ibalik ang dating siya. Pero, iha matanong ko lang masungit ba ang apo ko para sayo nang una kayong nagkita?" Naalala ko naman ying time na una ko siyang nakita supaldo. Tapos yung nasaktan ko siya sa labas ng C.R
"Nung una ko po siyang nakita suplado nga naman po talaga siya. Takot pa nga po ako sa kanya nung nagsalita siya kasi akala ko po kakain niya ako. Pero nung nakasama ko po siya sa garden dun ko po nalaman na may good side po pala siya. Ang daldal niya po at kung makatawa akala mo walang bukas maraming siyang sinasabi na nakakatawa kaya biglang gumaan ang loob ko sa kanya. Kasi pag kasama mo siya hindi kayo mawawalan ng mapag-uusapan." Kita ko ang gulat sa mata ng lola ni drake pero bigla din itong bumalik sa dati.
"Ngayon ko lang narinig na madaldal at tumatawa ang apo ko hindi siya ganon sa mga kaibigan niya at sa ibang tao. Sa amin ang daldal niya pero noon yun. Espesyal ka nga siguro sa kanya." Bat kaya parang nakokosenya ako sa pagpapanggap namin. Ang bait ng lola niya sa akin. At ang laki ng expectation niya na hindi ko iiwan si drake. Pano kaya kung malaman niya na nagpapanggap lang kami magagalit kaya siya.
"Alam mo gusto kita para sa apo ko."
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Hi po! Pwede po bang magtanong kung ano ang magandang app para gumawa ng book cover? Salamat po sa magsasabi^_^
At sorry po sa mga wrong typos at grammar ko sa ibang mga chapters....
Tsaka vote and comment po kayo.......

YOU ARE READING
Titanium Academy
FantasiaNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????