Ramdamin ang simoy nang hangin~~Nandito ako ngayon sa ibabaw nang puno, may kanya kanya naman silang ginagawa kaya napagpasyahan kong pumunta dito para naman mawala ang pagod ko. Maganda naman ang tanawin kaya hindi nakakabagot..
"Sinong nagsabi na umupo ka diyan" napatingin naman ako sa baba at nakita ko si drake.
"Bakit hindi pwedeng umupo dito?"
"Hindi"
"Wala namang pangalan ko rito eh"
"Sinong nagsabing wala" nagulat naman ako nang makita ko siya sa harapan ko, mabuti nalang nakakapit ako sa sanga.
"Aish bat ba ang hilig mong manggulat ha!!" Kita ko naman na pigil na pigil siya sa pagtawa kaya sinimangutan ko siya, baliw to tinatanong ko siya eh.
"Anong nakakatawa?"
"You're cute" mambobola nalang yung totoo pa haha
"Matagal ko nang alam yun"
"Naniwala ka naman mukha kang baboy" nawala naman siya sa harap ko at nakita ko siyang naglakad paalis sa puno, bumaba ako saka kumuha nang bato at hinabol siya. Nang makalapit ako sa kanya ibinato ko naman sa kanya yung hawak ko at mabilis na tumakbo.
"BUMALIK KA DITO!!"
"hindi ako bobo para sundin ka haha" tumakbo ako nang tumakbo, malapad naman kasi dito
"Humanda ka sakin pag naabutan kita!!" Hindi naman ako magpapadakip eh hahaha
"Subukan mo kung maabutan mo ako"
Unknown P.O.V
Masyado kayong nagpapakasaya, hintayin niyo lang ang oras at babagsak din kayo.
Umalis na ako sa tore na aking pinagtataguan at pumunta sa isang malaking puno. Nakita ko naman siya na naghihintay sakin, alam kong magandang balita ang hatid niya sakin. Yumuko naman ito saka lumapit sakin
"May nakuha ka bang impormasyon?"
"Sa ngayon nagpaplano silang kumbinsihin si Areya na tumulong sa kanila, gumawa rin sila nang posion of night vision para sa kanilang paglalakbay." Makikipagsanib sila kay areya? Pwes kailangan namin silang unahan..
"May impormasyon kaba tungkol sa anak nila?"
"Wala pa po, tanging ang alam ko lang ay ipanaubaya siya sa kanilang guro yun lang" hanggang ngayon ba yun lang ang tanging impormasyon na meron sila
"Siguraduhin niyong makakauna kayo sa paghahanap sa kanya! Kailangan ko na siya!!" Kailangan ko ang kapangyarihan niya, kailangan ko ang lakas niya....
Aryanna P.O.V
"Tawagin niyo yung dalawa kailangan nating mag-usap" napatigil naman kami sa aming ginagawa. Nagprisinta naman ako na ako nalang ang tatawag, naalala ko kasi na magpapahangin daw siya sa labas. Tumungo na ako rito at nagulat ako nang makita ko silang dalawa ni drake na naghahabulan, hanepssss kinikilig si akesh haha ang sweet nilang tingnan tsaka ang saya saya nilang dalawa. Tsaka ngayon ko lang nakitang ngumiti ulit ai drake, hay love nga naman nakapagbabago hahaha.
Ayoko sanang sirain ang moment nila kaso kinakailangan haha. Lumapit na ako sa kanila na haggang ngayon ay nakikipaghabulan pa rin.
"Lovers, lovers Tinatawag na daw tayo" napatigil naman sila sa paghahabulan saka tumingin sakin, napansin ko namang namula si nick haha
"Sige papasok na ako" tumakbo naman siya sa loob at hinarap ko naman si drake saka binigyan nang nakakalokong ngiti.
"I smell something fishy"
"Hininga mo yun" inamoy ko naman yung hininga ko, gago talaga yun hindi naman mabaho eh. Bumalil nalang ako ulit kasi iniwan na ako nang dalawa. Pagdating ko nakapwesto na silang lahat at ako nalang ang hinihintay kaya umupon na ako sa tabi ni nick.
"Sa ngayon kailangan niyo nang makabalik at masimulan ang plano tungkol sa pagkukumbinsi kay Areya, hindi lamang siya makakatulong sa ating kaligtasan kundi makakatulong din siya sa nawawalang prinsesa." Excited na akong makita yung isa pang prinsesa
"Dahil nakatakda na itong mangyari, at sa oras na mabigo kaya at maunahan kayo ni Draemon sa pagkuha sa kanya siguradong babagsak ang buong Wircan at mapapahamak ang nawawalang pinakamaka pangyarihang nilalang dito sa ating mundo. Minsan nang may nag matyag dito at nang mahuli ko ang isa sa kanilang mga kasama napaamin ko siya at napag alaman kong pinaplano ni draemon na kunin ang kapangyarihan nang prinsesa. At kapag nangyari ito siguradong babagsak tayo. Sa ngayon hindi pa buo ang kapangyarihan nang prinsesa dahil wala pa siya sa wastong edad, kaya siguraduhin niyong hindi nila makukuha si Areya at ang prinsesa. Malapit na ang wastong edad nang prinsesa at sigurado akong minamatyagan na nila tayo ngayon. At isa pa sa oras nang ikalabing walong taong gulang bang prinsesa merong mga palantandaan na lalabas sa kanya. Sa ngayon magpahinga muna kayo o di kaya aliwin niyo ang mga sarili niyo dahil bukas babalik na kayo" umalis naman si mang kiko at naiwan kaming speechless grabe ang haba nang speech ni mang kiko. Pero naalarma ako dun, kung ganun kasi kailangan na naming magmadali.
"Wala ba kayong natatandaan dun sa prinsesa?" Nick
"Wala eh sanggol palang kami nang ipinaubaya siya" Aira
"Kung ganun kailangan na nating mahanap si Areya" kailangan na nga naming gawin yun
"Sana naman pumayag siya na makipagtulungan sa atin" ian
"Wag tayong mawalan nang pag-asa sigurado naman na tutulong siya satin" tama si nick hindi kami dapat mawalan nang pag-asa.
"Magpahinga na kayo babalik na tayo bukas" drake
Tumango naman kami sa kanya saka nagpunta sa kwartong ibinigay samin ni mang kiko, magkakasama kaming apat na babae at magkakasama naman yung mga lalaki.
"Nakakapagod" humiga naman si Aira sa kama at makikita mo naman talaga ang pagod sa mga mata niya.
"Matapos ang lahat nang mga problemang ito makakaranas din tayo nang kaginhawaan"
"Tama ka Aryanna sa ngayon tiisin nalang muna natin to"
Makakayanan din namin to, walang pagsubok na hindi na lulutasan..... Aja! Fighting!!!

YOU ARE READING
Titanium Academy
FantasiNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????