Nick P.O.V
nagising naman ako dahil sa tama nang sinag nang araw sa aking mukha, tatayo na sana ako kaso meron akong nakitang letter binuklat ko ito saka binasa.
Nick nandito kam ngayon sa classroom, di ka na namin ginising kasi ang sarap nang tulog mo punta ka nalang dito lablots......
Bumangon naman ako saka nagbihis at pumunta sa classroom, hapon na rin pala di ko napansin sarap nang tulog ko. Nang makarating ako nakita ko silang lahat na parang seryosong nag-uusap, lumapit namna ako sa kanila.
"parang seryoso yang pinag-uusapan niyo ha" napalingon naman sila sakin na gulat na gulat, anyare?
"nandyan ka na pala nick hehe" ian
"ok lang ba kayo?"
"ok na ok upo ka dito" umupo naman ako pero nakatingin pa rin silang lahat sakin.
"May dumi ba ako sa mukha? "
"Wala naman haha napansin namin mas lalo kang gumanda" Ken
"Oo nga kaya pala mas lalong nainlove tong kumpare namin sayo" Umakbay naman si Ian kay Drake pero bigla siyang napabitaw nang tingnan siya nito nang masama.
"Ewan ko sa inyo ang dami niyong nalalaman" Tumayo naman si Drake kaya tiningnan siya naming lahat.
"San ka pupunta tol? " Tumingin naman siya sakin saka ako hinila palabas.
"Te-teka lang San tayo pupunta? " Di naman niya ako pinansin at lakad lang siya nang lakad, tinitingnan na din kami at naririnig ko pa ang mga bulungan nila.
"Siya ba yung sinasabi nilang girlfriend niya? " Girl 1
"Siya nga magkasama pa nga sila eh" Girl 2
"Ang landi landi pala niya kahit na bago siya"
Makalandi si ate hindi kaya nila alam ang tunay na storya. Nakarating naman kami sa garden saka niya lang ako binitawan.
"Ano bang kailangan mo ha at kinaladkad mo ako! "
"Pupunta tayo samin bukas"
"Para saan naman? "
"Kakain daw tayo dun sabi ni Lola" Umupo naman siya sa isang bench, waaah!! Sana naman hindi siya magtanong tungkol sa aming dalawa.
"Ok babalik na ako" Aalis na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit may kailangan kapa? "
"Samahan moko dito" Ano naman kaya kailangan nito.
"Bilisan muna umupo kana dito" Umupo naman ako sa tabi niya at pagkaraan nang ilang minuto ni isa walang nagsalita samin. Baliw bato magpapasama tas di naman magsasalita.
"Gusto mo bang pumunta kina tita mo? " Bigla naman akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Talaga? " Tumango naman siya sakin at muling hinawakan ang kamay ko, kasabay nun pumasok kami sa malaking kahoy na nasa likod namin.
******
Nasa isang madilim na kalsada kami, wala nang masyadong tao. Nauna naman ako sa paglalakad at nasa likod ko siya ,mabuti nalang talaga kabisado ko pa ang lugar. Nang makarating na kami sa bahay ni tita ay agad kaming pumaosk, hindi naman kasi nakalock yung gate nila. Pagpasok namin bukas pa ang mga ilaw at nakita ko si tita sa sala na umiiyak. Lumapit ako aa kanya pero bigla akong tumagos, anong nangyayari?
"Hindi ka niya pwedeng makita dahil ang pagkaka alam niya ay patay kana" Muli ko tiningnan si tita at kita ko sa mga mata niya ang paghihirap.
"At sino naman ang nagsabi na patay na ako? "
"Pinalabas namin na patay kana"
"At bakit niyo naman ginawa yun? " Minsan talaga di ko siya maintindihan.
"Merong nagsabi sa kanya simula nang mawala ka na patay kana, sinubukan ka kasi niyang hanapin" Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong sumaya nang malaman kong hinanap din pala ako ni tita.
"Pero nang pumunta tayo dito may nakakita sakin? "
"Binura namin ang alaala niya nung araw na yun" Pinagmasdan ko naman si tita dahil ngayon wala akong ibang nagawa kundi ang tumingin lang sa kanya.
"Eh alam niyo naba kung nasan ang pinsan ko? "
"Sa ngayon wala pa, ni isang detalye wala kaming nahanap. Masyado silang malinis" Pano nato kailangan na siyang mahanap.
"Tutulong ako sa paghahanap"
"Hindi pwede! "
"At bakit naman hindi" Bigla naman siyang tumahimik.
"Kailangan kong tumulong para mapadali ang paghahanap. "
"Pag sinabi kong hindi, hindi pwede"
"Bakit ba kasi ayaw mo ha! " Makikipag-away pa sakin to
"Wag mo nang alamin ang dahilan at isa pa nandyan naman ang mga pinagkakatiwalaan ko para hanapin siya"
"Matagal na nila siyang hinahanap at hanggang ngayon wala pa rin silang lead kung nasan na ang pinsan ko"
"Maghintay ka lang ok, ginagawa naman nila ang lahat eh sa ngayon ang kailangan mo lang gawin ay maghintay" Sawa na ako sa kakahintay na yan
"Pano kung hindi na nila mahanap, Drake kailangan kong tumulong hindi ko nagugustuhan na nagiging ganito si tita" Kahit naman na minamaltrato nila ako may utang na loob pa rin ako sa kanila.
"Hindi ka tutulong!! At kung gusto mo pang tanungin kung bakit hindi kita papayagan dahil may posibilidad na hindi ang mga tao ang kumuha sa kanya. May posibilidad na nasa mundo siya natin ngayon kaya hindi ka tutulong sa paghahanap sa kanya dahil mapapahamak ka lang" Nasa mundo siya namin? Pero pano naman nangyari yun?
"Pano niyo naman nasabi na nasa mundo siya natin!? "
"Kung nandito man talaga siya sa mundo nang mortal dapat matagal na namin siyang nakita, pero ni katiting na bakas niya ay wala kaming makita, kaya pinaghinalaan namin na nasa mundo natin siya. Alam mo ginagawa ko ito kasi gusto kong tulungan ka, kaya sana wag na maging matigas ang ulo mo" Pero bakit naman siya dadalhin dun? Naguguluhan na ako hindi ko maintindihan ang mga pangyayari...
Lumapit naman siya sa isang frame saka ito kinuha at ibinigay sakin. Ito yung picture nung sanggol palang ako kasama si papa, bigla nalang pumatak ang mga luha ko. Miss na miss ko na rin si papa.
"Diba hindi sila ang totoo mong mga magulang? "
"Napulot lang nila ako at hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ang mga magulang ko. Hindi ko nga lang alam kung saan ko sila makikita." Pero tiwala lang ang kailangan makikita at makikita ko rin sila.
"Pero alam mo ba kung saan mo nakuha ang mga kapangyarihan mo na yan? " Umupo naman siya sa tabi ko
"siguro sa mga magulang ko"
"May iba kapa bang kayang gawin"
"Anong ibig mong sabihin" Pinahid ko naman ang luha ko
"Wala" Lumapit naman ako kay tita at tulog na pala siya nang dahil sa kakaiyak.
"Drake, pwede mo ba siyang dalhin sa kwarto niya" Tumayo naman siya at pinalutang si tita, nauna ako sa kanya papunta sa kwarto ni tita. Binuksan ko ito saka niya hiniga si tita. Inayos ko naman ang higaan niya.
"Lalabas muna ako"
"Sige" Tiningnan ko nang mabuti si tita, nangangayayat na siya at siguro iyak lang siya nang iyak buong araw. Gumawa naman ako nang pera saka ito inilagay sa lamesa, sana makita niya to makakatulong ito sa kanya.
At kailangan ko ring hanapin ang pinsan ko nang hindi alam ni Drake......
![](https://img.wattpad.com/cover/75233783-288-k566675.jpg)
YOU ARE READING
Titanium Academy
FantasíaNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????