Chapter 23

392 18 1
                                        


  Xyrene P.O.V

  naglalakad kami ngayong tatlo pumayag nalang ako kasi kahit hindi sasama pa din naman sila sakin. Maraming mga tao kaya medyo mahirap maghanap kong saan nakatago yung mga weapons. galing din kasi ni sir eh.

"saan naman kaya yun tinago?"

"sigurado akong may mga clue dito na makakatulong sa atin upang malaman kung saan tinago yung mga weapon." tama siya baka may mga clue dito kailangan lang maghanap.

"maghiwalay kaya tayo para mabilis tayong makahanap ng mga clue."

"segi" naghanap na ako ganon din sila. pumunta ako sa isang museum pagpasok ko maraming mga antic na gamit tas mga magagandang paintings naglibot libot ako hanngang sa mapansin ko ang isang painting. isang babae na nakasuot ng white gown nakaluhod siya pinapalibutan siya ng mga patay.  kung titingnan mo mukhang nanggaling sila sa laban kasi sira sira din ang mga building at ibang istraktura.

" Maganda ba yung painting maam?" nabigla naman ako ng may nagsalita sa tabi ko.

"opo maganda"

"alam niyo ba maam na mangyayari daw po yang nasa painting pero magbabago lang po ito pag  tama ang magiging desisyon ng babae sa painting." naguguluhan naman ako sa sinasani niya kaya tumango nalang ako at umalis saka naghanap ulit.

  pumasok ako sa isang kwarto puro mga painting ang nandito. kaya naglibot libot ako. Napapansin ko lang lahat ng nasa painting dito ay yung babae sa isang painting kanina. meron dito na may kasama siyang lalaki natutulog yung babae sa lap ng lalaki. yung isa naman nakasuot din siya ng white gown  at napapalibutan siya ng asul na apoy  sa harap niya ay isang lalaki na nakatalikod naka hood ito ng black. naglibot pa ako hanggang tumigil ako sa isang shelf hmm ngayon ko lang to napansin. Tiningnan ko ang mga libro ang luluma na pero buo pa rin.  kukunin ko na ang libro na sana ay babasahin ko ng biglang nawala ang shelf at bumukas ang pader at parang isang lagusan pumasok ako tanging mga torch lang ang nagbibigay liwanag.  naglakad lang ako ng lakad kahit hindi ko alam kung saan pupunta. hindi naman siguro ako maliligaw dito eh isa lang naman ang daanan. hmmm san kaya papunta to?   bat kaya hindi ko tawagin sila ni joshua? tsk bat ngayon ko lang to naisip. babalik na sana ako ng mapansin kong nakasarado na yung pader. pano nato ngayon hay pag minamalas ka nga naman oh. joshua joshua nasan naba kayo diba may kapangyarihan naman kayo kaya puntahan niyo ko dito. tanga mo naman xyrene  pano ka nila mahahanap eh busy sila tsaka ang alam nila naghahanap ka nagyon kaya siguradong hindi sila mag aalalang hanapin kah... naglakad nalang ako ulit parang walang katapusan to eh di ko rin makita kong nandyan na ba ako... parang mali naman kasi na pumasok ako dito tingnan mo di na ako makalabas. pero bahala na dapat ko tong harapin nakapasok na ako eh. sana naman malapit na ako. lakad lang ako ulit ng lakad hay walang katapusan.......

Joshua P.O.V

at ang hirap naman makakita ng mga clue dito masyadong maraming tao. san na kaya yung si xyrene.. tsk bat ko naman hinahanap yun malamang naghahanap din. hay!

"kuya palimos po wala po kasi kaming makain ng mga kapatid ko segi na kuya." tiningnan ko naman yung mga bata. San ba kasi tong mga magulang nila at hinahayaan lang sila mamalimos dito sa daan delikado pa naman.

"San na ang mga magulang niyo?"

"Nasa pasugalan po" nainis naman ako sa sinabi ng bata. Dapat inaalagan sila hindi yung mga magulang nila inuuna ang  sugal. 

"ito pera ibili niyo yan ng pagkain ha." 

"salamat kuya." umalis na ang mga bata. hay! mga tao nga naman. Naghanap nalang ako ulit ng mapansin ko na hindi ko na maramdaman ang presensya ni xyrene. San kaya pumunta yun?

Titanium AcademyWhere stories live. Discover now