Nakabalik na kami dito sa academy at agad kaming pumunta sa headmaster's office dahil andun daw sila. Kumatok na kami at bigla namang bumukas yung pinto.
"Dahil kompleto na kayo, meron lang akong sasabihin sa inyo. Gusto kayong makita ng hari at reyna kung kaya't maghanda na kayo. Gusto kasi nilang makipag-usap sa inyo tungkol sa pagpunta niyo kay areya. Yun lang at bumalik na kayo para makapaghanda." Nagpaalam na kami kay headmaster saka bumalik sa dorm.
"Grabe makikita natin yung hari at reyna, ang swerte naman natin." Naiexcite nga ako eh makikita namin yung hari at reyna. Nakarating na kami sa dorm at pumunta sa kanya kanyang kwarto. Inayos ko na yung sarili ko saka kinuha yung binili ng dalawa para sakin. Sabi kasi nila suotin ko yung binili nila para sakin.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
(A/N: yan po yung damit na sinuot niya.)
Simple lang yung damit kaya gusto ko, tsaka sinamahan ko na rin ng doll shoes. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa garden alam ko naman na ang bagal nilang kumilos. Pagdating ko, umupo na ako sa bench. May bench na pala dito.
"Nagpapahangin ka?" Napalingon naman ako sa nagsalita, si drake pala.
"Wala din naman akong gagawin sa loob eh." Lumapit naman siya at tumabi sa akin.
"Masarap naman kasing tumambay dito."
"Oo nga, sarap ng simoy ng hangin."
"Oo nga pala yung tita mo gising na siya." Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Talaga?"
"Oo, nagpapagaling lang siya ngayon." Mabuti naman at gising na si tita.
"Pero si kate ba nakita niyo?"
"Hindi pa namin siya nakita pero hinahanap na siya ngayon." Sana mahanap na siya.
"Salamat sa pagtulong sakin."
"Tinutulungan mo din naman ako." Drake
"Hahaha quits lang tayo."
"Ang babagal talaga nilang kumilos."
"Baka nagaayos pa yung mga yun."
"Sinong nagbigay sayo ng damit na yan?"
"Binili sakin to ni aryanna tsaka aira kanina."
"Ahhh bagay sayo."
"Thank you" ang bait niya ha
"Nakita mo na ba yung hari tsaka reyna?"
"Nakita ko na sila, nung bata kasi ako palagi kaming pumupunta doon kaso ngayon di naman masyado kasi marami ng ginagawa." Hmmm ano kaya ang feeling pagnakita mo sila.