Pumasok na ako sa loob baka may makita na naman ako don at makipagsagutan."Oy nick anong ginagawa mo sa labas?"
"Nagpahangin lang."
"Ganon ba halika na kakain na tayo." Sumunod na ako kay Ian. Pagdating namin nag-aaway na naman yung dalawa alam niyo naman kung sino yun. Umupo na ako sa tabi ni aira.
"Hindi mo sinabi na may laban pala dito anong round na?"
"Hahaha round 2 na yan kanina pa kasi sila nag aaway."
"Sa susunod gagawan natin sila ng quadrangle para don sila mag-away."
"Tama ka."
"TAMA NA NGA YAN." hahahaha nagalit si Ian. Wag kasi kayong maingay.
"Ikaw kasi Aryanna."
"Anong ako ikaw ang nagsimula tapos ako sisihin mo."
"Eh ang pikon mo eh." Tsk hindi ba talaga sila titigil. Lumapit ako sa kanila at hinawakan ang mga kamay nila tingnan natin kung hindi sila titigil.
"Ahhhh!! Nick itigil mo na masakit ahhhhh."
"Oo nga ahhhh hindi na kami mag-aaway." Binitawan ko na sila masakit naman talagang makuryente.
"Pakiramdam ko umakyat yung buhok ko hoh."
"Bakit mag-aaway pa kayo?"
"HINDI NA" ang bait talaga nila.
"Kakain na nga lang tayo pinatagal niyo pa." Umupo naman sila at nagsimula na kaming kumain bakit kaya parating wala si drake sa tuwing kakain na kami san naman yun pumupunta.
*after 10 mins*
Pagkatapos naming kumain nag paalam na ako sa kanila na pupunta muna ako sa kwarto. Umakyat na ako pagdating ko pumunta muna ako sa C.R para mag- toothbrush at manghilamos saka nagpalit ng damit. Pagkatapos Lumabas na ako saka ni lock ang pinto."Ay palaka ano ba naman yan drake nakakagulat ka. Ano na naman ang ginagawa mo dito?"
"May pupuntahan tayo."
"At saan naman yun aber."
"Wag ka nang maraming tanong magbihis ka nalang." Bakit may problema ba sa damit ko wala naman ah. Naka pajama tapos t-shirt. Sinunod ko na lang si boss at nagbihis. Paglabas ko nakita ko siyang nakahiga sa kama ko. Matutulog na naman to.
"Tapos na ako san ba tayo pupunta?" Bumangon naman siya at lumapit sa akin.
"Secret" bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at nagteleport. Kailangan ba talaga niya hawakan ang kamay ko tuwing magteteleport kami.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
TELEPORT
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bigla naman akong napangiti kahit maraming hindi magandang nangyari sakin dito na mimiss ko pa rin ang lugar na to.
"Bakit tayo nandito?"
"Diba sabi mo papayag ka lang sa gusto ko kapag makabalik ka ulit dito sa mortal world." Oo nga pala nakalimutan ko ata.
"Wala paring pinagbago dito." Bigla ko naman naalala si tita saka si kate. Kahit masama yung loob ko sa kanila dati nawala naman to ngayon bisitahin ko kaya sila.
"Ahm drake may pupuntahan lang ako."
"Samahan na kita."
"Segi" naglakad na kami hindi naman kasi gaanong kalayo yung bahay nila dito. Pagdating namin madilim sa loob. Nasaan kaya sila imposible naman kasi na tulog sila sa ganitong oras.
YOU ARE READING
Titanium Academy
FantasíaNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????