Xyrene P.O.V
Ang awkward naman nito kanina pa walang nagsasalita samin.
"So, ano na ang gagawin natin?" Joshua
"Pupuntahan ang enchanted cave para kumuha ng tubig?"
"Tama tama lika na" parang nung kailan lang may pagka madaldal pato, pero ngayon tumahimik.
"Punta muna tayong fyro may mga gamit ako dun eh."
"Sige lang" pinalabas ko naman ang alaga ko saka sumakay ganun din siya. Nauna naman siya at ako naman sumunod lang.
****
"Iiwan muna kita sa Headmaster's office, pagkatapos babalikan lang kita" joshua
"Sige" pinuntahan namin ang headmaster's office. Pagdating namin kumatok naman siya, bigla naman itong bumukas at may nakita akong isang magandang babae.
"Insan iwan ko muna siya dito may kukunin lang ako sa kwarto."
"Hay, bilisan mo lang may gagawin pako"
"Opo bibilisan ko, diyan ka muna xyrene wag kang mag-alala mabait yan haha"
"Tse! Umalis kana" umalis naman siya saka naman ako umupo sa sofa.
"Renz Ann nga pala kaw?"
"Xyrene"
"Nice name, by the way I'm Joshua's cousin hehe" ngumiti lang ako sa kanya, walang maisip na sabihin eh haha
"Girlfriend kaba ng pinsan ko?"
"lah hindi ah"
"Haha bagay kayo ng baliw na yun" pareho silang dalawa
"Hindi nu"
"Hahah hindi kung hindi, tutal matatagalan din ang isang yun kukwentuhan nalang kita tungkol sa kanya hehe" tumabi naman siya sakin kaya medyo umusog ako.
"Kilala mo naman siya, siya nga si joshua. Close sila ng pinsan namin na si drake, madalas din mag-away yung dalawang yun ayaw magpatalo eh. Tsaka minsan na siya napunta sa mundo ng mga tao kasama ang pamilya niya, hindi ko nga lang alam kung bakit sila napunta dun. Pagkatapos palagi niyang kinukwento samin yung tungkol sa isang babae. Nakalimutan ko pangalan nun eh haha, sinasabi niya samin na ang cute daw niya tas ang ganda. Haha di ko nga alam baka tinamaan na dun. Kaso nga lang di niya nakasama ng mas matagal yung babae kasi kailangan na nilang bumalik dito. Kaya nga minsan palagi siyang umiiyak kasi gusto niyang bumalik, eh hindi naman pwede kasi walang magbabantay sa kanya. Kaya palagi kaming pumupunta sa kanila para aliwin siya. Hanggang sa tumanda kami, naging ok naman siya. Naging baliw na siya katulad namin haha hindi nga lang nasama si drake kasi masyadong seryoso ang isang yun." Sino kaya yung babae, sigurado akong mabait yun tsaka magaan yung loob ni joshua sa kanya.
"Close pala kayo nu"
"Yeah, para na nga kaming magkapatid eh" gusto ko ring magkaroon ng kapatid.
"Ikaw ba close kayo ng mga pinsan mo?"
"Hindi eh, magkaaway kasi yung mga pamilya namin ngayon. Kaya di kami close, pero sana nga maging kaclose ko sila"
"So sad pero ok lang yan nandito naman ako eh haha you know gusto ko ring magkaroon ng kapatid."
"Talaga??"
"Yup, kaso nga lang hindi na makapagbubuntis pa si mama kaya ikaw nalang ang gagawin kong kapatid ko."
"Gusto ko yun wala din naman kasi akong ate eh"
"Yieee my little sister na ako" lumapit naman siya sakin at niyakap ako, kaya yumakap rin ako pabalik.
YOU ARE READING
Titanium Academy
خيال (فانتازيا)NICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????
