ang malas naman oh... baka malaman nila yung tungkol sa pagpapanggap namin."Nandito na pala kayo apo, umupo na kayong dalawa at ng makapagsimula na tayo" lumapit naman kaming dalawa at umupo. Hoo kaya ko to.
"Maligayang pagdating dito sa aming kaharian. Akoy nagagalak at nandito kayo. Ang lalaki niyo na, mga dalaga't binata na kayo" di ko maiwasang mapatitig sa itsura ng reyna sobrang ganda niya.
"At maligayang pagdating din dito sa aming kaharian Nick, nabalitaan ko na isinara mo ang isang napakadelikadong portal. At sa totoo lang nagulat ako dun dahil wala pa akong nakitang white user na kayang makapagsara nun maliban nalanh kung may dughong bughaw ka. Pero nagpapasalamat pa rin ako sayo dahil iniligtas mo ang kaharian."
"maraming salamat po mahal na reyna" geez kinakabahan na talaga ako .
"Walang anuman, at nabalitaan ko rin na ikaw pala ang girlfriend nitong si drake, binata na talagang tong batang to" patay!
"Magaling talaga tong batang to mamili" tiningnan ko naman silang lima at gulat ang reaksyon nila. Binigyan ko naman sila ng mag iexplain ako look.
"Kaya nga hindi lang maganda ang napili ng aking apo siya rin ay mabait at matapang kaya nga welcome siya sa aming pamilya" naramdaman ko naman na hinawakan ni drake ang kamay ko.
"Relax wag kang magpahalata" napabuntong hininga nila ako...
"Hmm pinapaplanuhan niyo na ba ang kasal"
"wala pa po yun sa aming isip mahal na hari" drake
"Oo nga naman hon wag mo silang pagmamadaliin mga bata pa sila"
"Haha tinatanong ko lang naman hon baka may plano na sila"
"Mangyayari din naman yan" lola ni drake
"Oo nga naman, at kung mangyari ang araw na iyo asahan niyong dadalo kami" reyna
"Haha maiba naman tayo mukha kasing nahihiya si nick dahil sa mga pinagsasabi natin." Opo mahal na hari hiyang hiya na po ako. Ngumingiti lang ako sa kanila kaso parang awkward.
"Alam niyo naman na kailangan niyong kumbinsihin si areya. Hindi din ito madali pero ipinapanalangin ko na makumbinsi niyo siya dahil makakatulong siya sa ating kaharian."
"Gagawin namin ang lahat mahal na hari para makumbinsi si areya" ian
"Oo nga mahal na hari para sa ikabubuti ng ating kaharian"aira
"Aasahan ko yan mula sa inyo pero sa ngayon kumain na tayo"
*****
Natapos na kaming kumain at madaldal din pala ang reyna at hari. Nagkukwentuhan sila at ako naman nakikinig lang. Di kasi ako makarelate, tungkol kasi nung mga bata pa sila drake yung pinagkukwentuhan nila. Napunta din kami sa usapan tungkol sa anak nila pero biglang iniba ng reyna ang usapan. Masakit parin sa kanya ang pagkawala ng kanyang anak pero alam ko naman na babalik din yung prinsesa.
"Kayo ay maglibot libot muna sa palasyo"
"Sige po mahal na reyna, aalis na po kami" yumuko naman kami sa kanila at lumabas na.
"Guys maglalakwatsa muna kaming tatlo, tsaka kayo ding apat haha you know bonding bonding kaya babush" aryanna
"Haha mabuti yun, lika na matagal tagal na akong hindi nakapunta dito" umalis naman kaming tatlo at umakbay silang dalawa sakin na may malapad na ngiti. Parang masama ang pakiramdam ko dito ah.
"Ahem! Kayo na pala di niyo man lang sinabi, akala ko ba walang taguan" aira
"Oo nga susuportahan naman kayo namin eh. No.1 fan kaya kami ng loveteam niyo" kinuha ko naman ang pagkakaakbay nila at humarap sa kanila.
"Ganito kasi yun hindi naman kami mag bf gf ni drake eh. Pumayag lang ako kasi sabi jiya ipapakasal daw siya ng lola niya kay valerie kapag wala pa siyang girlfriend kaya nakiusap siya sakin. Kaya wag na nating pag-usapan ang tungkol diyan dahil walang kami"
"Ganun? Kyaaahhh!!! Pero ok lang yun diyan naman kasi nagsisimula yan eh. Una nagprepretend sila tapos habang tumatagal ang pagpapanggap nila nahulog ang loob nila sa isat-isa. Hanggang sa ang pagpapanggap nayan naging makatotohanan." Psh! Di rin naman mangyayari yun.
"Oo nga aryanna tama ka, kaya hindi na kami magtataka kung yang pagpapanggap niyo eh magkatotoo"
"Haha oo nga support kayo namin" nag apir naman silang dalawa, magkaibigan nga naman.
"Wag na nga nating pag-usapan yan" naglakad naman kami ulit
"Wushoo matanong ka nga may nararamdaman kaba kay drake" aryanna
"Wala"
"Weh maniwala"
"Oo nga"
"Wag mong itago uy hahahaha" wala naman kasi talaga.
"Haha dun nga tayo magusap sa itaas." Lumipad naman silang dalawa at ako naman sumunod. Umupo sila sa mga ulap ganon din ako, ang lambot nito parang unan.
"So, yung totoo wala nga ba"
"Wala"
"Hahah sige ideny mo pa" aryanna
"Kaw aryanna ah, kayo nga tong dalawa ni ken eh"
"Yuck di ako papatol dun never" nag arte naman siya na parang susuka, napatawa nalang kami ni aira.
"Oo nga no bagay kayong dalawa"
"Huy ikaw aira tigil tigilan mo ako ah baka nakakalimutan mo inamin mo sakin na may gusto ka kay ian." Wow! Hahah too much revelation.
"Ah-eh-ho-hoy hindi ah"
"Hindi pero nauutal ka hahah"
"Ang daldal mo talaga kahit kailan aryanna"
"Hahah share share naman diyan para updated ako."
"Ganito kasi yun"
"Ayaw kong marinig yan" lumayo naman samin si aira kaya tawang tawa tong si aryanna. Bagay naman kasi silang dalawa.
"Haha ganito kasi yun nick, nandun kasi kami sa dorm kasi kakatapos lang ng training namin. Pagkatapos napagpasyahan namin na magkwentuhan nalang kasi wala naman kaming gagawin sa loob ng dorm. Tapos sinabi ko sa kanya na magbigay siya ng topic para mapag-usapan. Napansin ko nalang na bigla siyang namula kaya tinanong ko ok lang ba siya. Tapos nun sabi niya may aaminin daw siya sakin. Ako naman nakinig lang. Sinabi niya na bata palang daw kami may gusto na siya kay ian. Ayaw niya lang daw aminin sa kanya kasi baka layuan siya nito hehe tas sabi niya secret daw hahaha."
"Ayieee ikaw aira ah pumapag-ibig"
"Manahimik na nga kayo" bumaba naman siya kaya ganun din kaming dalawa.
"Hahaha you know love love" nauna naman siyang naglakad samin.
"Hahah bakit hindi mo aminin sa kanya aira malay mo naman may gusto din siya sayo"
"Ayoko at kahit kaylan hindi siya magkakagusto sakin"
"Hindi mo naman malalaman yan kung hindi mo susubukan diba ar."
"Oo nga naman aira tsaka alam mo namang palatago yang si ian malay mo may feelings din siya sayo pagkatapos nahihiya lang siya."
"Just think positive haha"
"Parang sina drake at nick ang pinag-uusapan natin kanina ah bat napunta sakin"
"Haha mas interesadong pag-usapan yung sa inyo ni ian eh" nag pout naman siya sa amin kaya kinurot siya ni aryanna. Haha this is what friends are for.

YOU ARE READING
Titanium Academy
FantasyNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????