Chapter 37

88 5 0
                                        

Nick P.O.V

Naghahanda kami ngayon kasi babalik na kami, binigyan din kami ni Mang kiko nang makakain sa aming pagbabalik.

"Mag-ingat kayong lahat"

"Kayo rin po mag-ingat din po kayo dito" Aryanna

"Maraming salamat, oh sya umalis na kayo nang makaratig na kayo agad" muli kaming nagpasalamat kay mang kiko at lumabas kung saan may mga naghihintay na kalesa samin. Pandalawahan lang ang pwedeng sumakay dito kaya pares pares kami at kasabay ko si drake.

"Maraming salamat po ulit mang kiko!" Kumaway kami sa kanya hanggang sa lumipad na ang kalesa. Tahimik at ni isa walang umimik samin, kaya tumingin nalang ako sa labas at pinagmamasadan ang mga ulap.

Ilang sandali pa ay napansin kong may isang parte nang ulap na pumupula kaya dali dali kong nilapitan si drake para sabihin ito sa kanya.

"Drake tingnan mo oh pumupula yung ulap na yun" hinila ko naman siya palapit dun sa bintana at itinuro yung ulap na sa tingin ko ay sumusunod sa amin.

"Tsk wala naman eh"

"Anong wala meron kaya tingnan mo kasi nang mabuti ang laki laki nang ulap tapos hindi mo makita, ayun oh sumusunod satin" tinuro ko naman ulit yung ulap pero tumingin lang siya sakin na parang nababaliw lang ako, bat ba hindi niya makita eh ako nga klarong klaro na may pulang ulap.

"Gutom lang yan ikain mo nalang yan"

"Meron nga kasi hindi-"

"Wala akong makita ok baka nanaginip ka lang diyan" bumalik naman siya sa pwesto niya saka ipinikit ang kanyang mga mata at hindi ako pinansin. Kasi naman totoo yung sinasabi ko, tsk bala siya diyan.

******

Nakarating na kami nang school at sinalubong naman kami nang headmistress at isa isa kaming niyakap.

"Mabuti naman at nakabalik na kayo, nagagalak ako na nakita ko kayo. Magpahinga muna kayo dahil alam ko namang pagod kayo, at Joshua ang kaibigan mo pala nasa office ko hinihintay ka dahil ako naman babalik sa ginagawa ko" umalis na siya at kami naman Bumalik na sa aming mga kwarto. Pagkabukas ay agad akong humiga sa kama, di ko kasi alam kung bakit eh pero inaantok pa ako, maya maya naman ay pumipikit na ang aking mga mata.

Drake P. O.V

Pumunta naman ako sa opisina nang kapatid ko dahil may nais akong tanungin. Pagdating ko doon ay meron siyang ginagawa. Nandun din sila ni Joshua pati ang kaibigan niya. Pumasok na ako at umupo, napatingin naman siya sakin.

"May kailangan ka? Bilisan mo ha kaso kung di naman yan importante mamaya nalang yan marami akong ginagawa. " Baliw tong isang to

"May gusto akong itanong sayo, kanina kasi habang pauwi kami Sinasabi niya sakin na may nakikita daw siyang pulang ulap. Tinuturo niya pato kaso di ko naman nakikita"

"Nakita niya ang pulang ulap? " Sumagot naman yung kaibigan ni Joshua kaso nga lang nakalimutan ko ang pangalan nito.

"Oo bakit may alam ka dUn" Kita ko kasi ang gulat sa mukha niya nang sabihin ko ang tungkol sa pulang ulap.

"Ahh wala natanong ko lang parang wala naman kasing ganun eh" magsisinungaling ka nalang yung mahahalata pa.

"Sabihin mo wala ka bang alam tungkol diyan" tanong ko naman sa kapatid ko na ngayon ay nalilito.

"Wala, pero minsan ko nang narinig yan nung bata pa ako kaso nga lang hindi ko na matandaan matagal na yun eh."

"Bakit hindi tayo magtanong kay lola drake siguradong may alam siya" pwede rin, tumayo na ako saka pumunta sa kwarto at gumawa nang lagusan papunta samin. Tanging ang pamilya lang namin ang pwedeng gumawa nang lagusan na papunta samin. NAng makarating ako ay sinalubong naman ako nang mga katulong namin.

"Nasan si lola?"

"nasa kwarto niya po sir nagpapahinga" tumungo naman ako sa kwarto nila at dahan dahan itong binuksan, nakita ko siyang tumitingin sa bintana kaya lumapit ako.


"Lola" tawag ko, tumingin naman siya sakin at binigyan ako nang matamis na ngiti. Lumapit ako sa kanya para yumakap at yumakap din siya sakin pabalik.

"Apo ko bakit ka napadalaw dito?" humiwalay naman ako sa pagkakayakap saka hinarap si lola

"May gusto sana akong itanong sayo la"

" ANo yun apo?" umupo naman siya kaya umupo din ako sa kama

"Kanina kasing pauwi may nakita daw na pulang si nick tinuro niya pa skain yun pero hindi ko makita, may alam ka po ba kung bakit siya lang yung nakakakita pero ako hindi?" nagualt naman si lola sa sinabi ko, ano bang meron?

"May iba ka pa bang napaghahalataan sa kanya apo? yung alam mong hindi normal para sa karaniwang white user?" napaisip naman ako at sa totoo lang maraming kakaiba sa kanya simula palang.

"Meron, nagustuhan siya nang isang dragon na hindi naman angkop sa kapangyarihan niya"

"pagmatyagan mo lang siya apo at sabihin mo sakin kung meron bang kakaiba sa kanya"

"Bakit ano bang meron lola?" napatigil naman siya sandali na parang may sasabihin siya pero parang ayaw niya pa.

"Apo hindi pa ako sigurado pero alam mo naman siguro na nawawala ang isa pang prinsesa hindi ba" tumango naman ako sa kanya at parang may iba akong nararamdaman tungkol dito

"Isa sa mga palatandaan na sinabi samin ay malalaman mo na siya ang nawawalang prinsesa dahil kapag malapit na siya sa wastong edad makikita niya ang pulang ulap hindi ito mamawala sa kanyang paningin hanggang sa maglabing walo siya. Isa palang ito sa palatandaan meron pang iba, magmatyag ka lang kung may kakaiba dahil hindi naman natin masisigurado na siya ang nawawalang prinsesa kung hindi lumabas ang ilan sa mga palatandaan sa kanya." ibig sabihin ba nun may posibilidad na siya ang nawawalang prinsesa? pwede rin naman.


"kamusta na pala kayong dalawa?" si lola naman eh akala ko namna hindi na niya ioopen up ang topic na yan

"ok lang naman po kami"

"matagal tagal ko rin kayong hindi nakita, kaya gusto ko siyang imbitahan dito bukas"

"may gagawin kami bukas la hindi pwede"

"kagaya nang?" si lola talaga ang sigurista, napaisip naman ako nang pwede kong idahilan sa kanya.

"hahanapin namin si areya bukas kaya hindi kami pwede" tiningnan niya naman ako na parang hindi siya naniniwala sa palusot ko.

"Alam ko kung kailan niyo hahanapin si Areya kaya wag kang magsinungaling sakin" magsasalita pa sana ako kaso bigla siyang nagsalita

"gusto mo lang talaga siya masolo eh"

"Hindi nu"

"Sus apo kilala kita kaya pumunta kayo dito bukas" wala rin naman akong magagawa kaya pumayag nalang ko kay lola. Bigla namang hinawakan ni lola ang kamay ko kaya alam kong may sasabihin siya sakin

"Apo wag mo sana siyang iwan dahil gusto ko hanggang sa huli kayo pa rin dalawa, kahit mawala man ako dito sa mundo natin gusto ko matatag pa rin kayong dalawa. Pero seyempre bago ako mamatay gusto ko pang makita ang marami kong apo kaya galingan mo haha" sinuntok naman niya ako sa braso at tawa lang siya nang tawa

"Oo bibigyan ka namin nang isang dosena"

"siguraduhin mo apo" tumawa ulit si lola kayah indi ko napigilang hindi ngumiti ang ganda kasing tingnan na tumatawa siya, pero sa ang ikinakatakot ko magalit siya sakin pag nalaman niyang hindi naman totoo yung relasyon namin ni nick...




Titanium AcademyWhere stories live. Discover now