Chaptah 3. Mabahong DISTRICT

38 3 0
                                    

Reinous' POV

"Sir. may pupuntahan pa po ako eh."

Luminga-linga ako,naku-curious ako kung kanino galing yung pamilyar na voice na'yun. Malakas kutob ko na sobrang dikit nanaman ng malas sakin.

( >___>)

( <____<)

(>_______>)

( O_____O)

(-------______-----) 

Aba! Sabi na eh. Tama ang hinala ko. Tama ang kutob ko na mamalasin nga ako..

"DREANOOOOOO! Buti dumating ka ( TT__TT)" tawag nya dun sa kapatid nya ata, at nakadaop palad pa sya. Tsk, feeling cute.

"HOY!! ANO?!! BABAYARAN NYO BA O IBUBULOK KO KAYO SA KULUNGAN?!!" sigaw ng nakakairitang boses sa buong mundo.

"Gusto mong idikit kita sa kulungan?! Kanina ka pang bakla ka ah!" ganti ko naman sa gigil.

"Rein, tama na.." awat sakin ni Mama, tapos hinagod ko lang yung likod ni Mama habang pinapatay ko sa isipan yang baklang yan..

"Oh ano? Ba't ganyan ka makatingin? siguro nagagandahan ka sakin no?" sabi nung shokla at napamewang pa.

"Anong pagpi-feeling yan? Oo gandang-ganda akong ibaon ka sa lupa." sabi ko..

"Oh anong problema dito?"

Napatingin kami sa dumating..

Yung naghahari-harian dito sa distrito.. Sino pa ba? Sya lang naman si Chief. Tsk. Isa pang kurap yan..

Maniwala kayo. Sa buong distrito, sya lang ang walang pagkapantay-pantay na tingin saming mga mamamayan. Kaya walang kwenta rin naman ang pagpunta dito kung sasagarin lang naman kami.

"Ikaw. Ikaw ang problema, Taba. Buti di ka pinapaalis dito, dahil sa pagiging kurap mo at sa pango-ngotong." napatayo ako at napamulsa at tinitigan sa mata yung tinatawag nilang Chief.

Tsk. Chief ang tawag nila dyan, eh ang tawag ko dyan Taba the PANIRANG ARAW.

"Watch your words, boy.." sabi sakin ni Taba.

"Umi-english ka pa, isa ka pang feeling. Tara na, Ma. Wala tayong mapapala dito. Kahit magsayang pa tayo ng isang timba ng laway natin, hindi tayo papakinggan nyan. Dahil napuno ng pagkain yung sikmura nya umabot hanggang tenga." tinayo ko si Mama.. Pero ayaw ni Mama umalis sa pagkakatayo.

"Rein, gumalang ka." sabi ni Mama

"Onga naman, Rein. Masyado kang lapastangan. Nandito ka sa teritoryo ko, umayos ka." sabi ni Taba

"Chief, mawalang galang na. Kahit hindi ka ganun dapat galangin. Anak ko ata yang sinasabihan mo ng Lapastangan." ganti ni Mama

"Ma,ako na bahala." awat ko kay Mama

"Excuse me lang ho, Taba. Sa kitid ng utak mo di mo talaga malalaman ang sagot sa problema namin. Ayaw ko naman talaga dumalaw sa mabahong lugar na'to na teritoryo mo pala. Aalis na kami.." paalis na kami ni Mama kaya lang...

"Hoy, Ungas! Di pa tayo tapos. Bumalik ka dito, kaloka ka! kala mo makakalusot ka! Wala akong keber sa sweldones mo! Ang keber ko eh yung bayad mo ngayon.." atat na atat tong baklang to..

"Hoy! Wag ka magalala, bakla! Isusungal-ngal ko mismo sa makapal mong labi ang sweldo ko." sumbat ko naman sa kanya.

"Asan na yung sweldong sinasabi mo, bata?! Eh palagi ka ngang natatanggal sa trabaho duh~, at eeew lang, yung nanay mo walang ginawa kundi humilata sa mabaho nyong baha. hindi ko ata matiis na pumunta pa sa lugar nyo.., at yung tatay mo iniwan kayo dahil lapastanga--.." 

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon