Chaptah 30 Gratitude or love?

15 0 0
                                    

Yuanie's POV

"Ms. Beautiful, ba't ba ayaw mo kong pansinin?" tanong saakin ng isang to, at nakaharang siya sa dinadaanan ko.

Pilit akong umiiwas sakaniya parang nagpapatintero na kami dito sa hallway, isa pa andami kong dala.

"Akin na nga yan. Ang katulad mong magaganda dapat hindi nagbubuhat ng mabigat." inagaw niya saakin yung hawak ko.

"Akin na yan." pormal kong sinabi "Mr. Zack, will you please--"

"Diba ang pangalan mo Yuanie? Yuanie, pwede ka bang makadate mamaya?" tanong niya saakin tinataas baba pa niya yung kilay niya.

Ngumiti ako "Im sorry. May date kami ni Rein mamaya eh."

Nagulat siya "Oh! Date? Alam mo.." sumeryoso siya ng tingin saakin "May prinsesa na yun. May kilala ka bang Breethna? Alam kong kila--"

Bago pa siya matapos magsalita inagaw ko na yung dapat na dalhin ko sa meeting.

Paanong hindi ko makikilala ang karibal ko. Buti nga at umalis na yun eh, pero ikaw naman tong humaharang samin ni Rein.

Baka gusto nitong pati siya patalsikin ko sa Pinas.

Napansin kong hindi na siya nakasunod saakin.

.. Mabuti nga yun eh. Epal.

"Talaga? Uuwi na dito si princess ex-beautiful? Huwaaa."

Narinig kong may kausap sa phone yung naghahabol saakin.

Napalingon ako. Sino namang tinutukoy nyang uuwi? At tuwang tuwa ang ogag.

Conell's POV

Days from now, wedding na namin ni Sera.

Susulitin ko na ang single days ko, at sa tingin ko is-spend ko ang days ko with Lyra.

At bago ako umuwi sa condo at bisitahin siya dapat may pasalubong ako sakaniya.

Yung pasalubong ko dapat yung magagamit niya.

Napatingin ako sa gawing kanan ko..

... Oonga ano. Perfect tong pang-regalo.

Buti na lang at nagpunta ako dito sa Mall..

"Uy! Conell tara dun tayo!" hila sa tenga ko ni Zack

... Nagpunta ako sa mall dahil niyaya ako ni Zack.

Tinanggal ko naman yung pagkakahawak niya sa tenga ko.

"Ba't mo ba ako pinipingot?!" tanong ko sakaniya

"Eh kasi tulala ka diyan eh." sagot naman niya

"Pag natulala kelangan pingutin?"

Napatingin ako sa store na tinitignan ko kanina.

Hinila ko si Zack "Tara dito."

"Ano namang gagawin mo dito sa cellphone store?" tanong niya saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon