Conell's POV
"Pwede ba tigilan mo na ko?!" inis kong pasigaw kay Sera.
Ngumisi siya "Dahil ba sa babaeng yun? Kaya ka nagkakaganyan?" tanong niyang pagmamataray. "Mas inuuna mo yung walang kwentang pag-ibig mo sakaniya, kesa ang pagsasara ng Musical at Art Museum nyo?" dugtong niya
Lumapit ako sakaniya at hinawakan ko yung magkabilang balikat niya at dahil sa inis medyo napipisil ko na.
"Aray ha. Masakit.." ngiti niyang nakakaloko.
"Hindi lang yan ang magagawa ko sa'yo.." pagmamatigas ko.
"Kakaiba pala talaga ang nagagawa sa'yo ng pag-ibig.." sinukbit niya na yung shoulder bag niya at ngumiti saakin "Hindi ako susuko. Kumapit man sa patalim, kaya kong gawin." aalis na sana siya ng pigilan ko siya sa braso, at hinarap saakin.
"Anong ibig mong sabihin?!" tanong ko, pero hindi siya kumikibo "Pag may nangyaring masama kay Lyra.. Ipapahalo ko yung dugo mo sa tinalupan." bulong ko sakaniya.
Hindi na siya nagsalita pa at umalis na.
Si Sera Jin, may arrange marriage kami na pina-cancel ko. Pero mapilit siya. Ayaw nya akong tantanan.
Lyra's POV
"Lyra.."
Napalingon ako sa tumawag saakin. Nakadungaw si Princess Bree. Tumayo ako at lumapit agad.
"May kelangan po ba kayo princess?" tanong ko.
First time na princess Bree na bumisita sa kwarto ng katulong.
Ngumiti siya "Ah wala naman. May gusto sana akong sabihin sa'yo." hinawakan niya yung wrist ko at umupo kami sa kama ko.
"A-ano po yun, prinsesa?" tanong ko.
Hindi muna siya nagsalita at hinayaan kong pumaligid saamin ang katahimikan.
Maya maya hinawakan niya yung kamay ko. Laking gulat ko naman agad akong napatingin sa kaniya.
"Alam mo ba na puno ng misteryo ang pag-ibig?.. Alam mo ba.." naputol niyang pagsasalita at hinintay ko siyang ituloy "Alam mo bang kakaiba ang nagagawa ng pag-ibig saatin?" tanong niya pa.
Hindi ko alam ang isasagot ko, kaya nanahimik na lamang ako dahil alam kong may mga sasabihin pa siya.
"Alam mo na siguro na mahal ko si Rein. At.. Nagtapat na ako sa kaniya." ngiti siya at mukhang masaya siya.
Kitang kita ko sakaniya ang pakiramdam na nalaman ng mahal niya na mahal nya siya.
"Alam mo naman ang estado ng buhay ni Rein, hindi ba?" tanong niya at tumango ako..
BINABASA MO ANG
Ikaw ang swerte ko
Humor[Copyright 2013 LallipopER] Swerte, Malas, Lampa, Malusog, Mayaman, Mahirap. Kahit alin ka sa mga yan, pag dating sa pag-ibig pantay-pantay. Sa tadhana, walang sino-sino o ano-ano. Nasa mataas ka man o na sa baba, kapag napaibig- babagsak ka o dikay...