Chaptah 18. Its been a long time

30 2 1
                                    

Breethna's POV

"AIIISH! Talo nanaman!" napahilamos ng mukha si Rein at ibinagsak ng marahas ang baraha nya sa nakakalat na baraha sa lapag. Napatawa na lang ako.

"Hoy! Sigurado ka bang hindi ka marunong nito? nakailang panalo ka na nung simula kitang turuan eh. Mamaya jinojoke time mo lang ako." panghuhusga naman nya.

"Rein naman.. Talagang mas magaling ang mga studyante kesa sa guro, kapag natuto." sumbat ko naman.

"Minamaliit mo ba ko? Tss, sinuswerte ka lang talaga. Pero pagdating sa pagalingan, syempre ako na yun." inayos nya yung baraha habang nagmamayabang..

"Uhmm.. Rein. May iba ka pang alam na laro?" tanong ko naman.

Lagi na kasi akong nananalo, medyo na boboring na ako. Peace! Hehe.

Napatingin naman sya sakin..

"Tumigil ka nga, ayoko na magturo sa'yo." tanggi nya

"Hindi ba yung ate mo laging may hawan na baraha?" tanong nya..

"Oo, bakit?" 

"Ang weird ng ate mo. Naglalaro kami nun minsan eh, nakangiti parin kahit matatalo na sya. Pero hindi naman natutuloy ang pagkatalo nya.." paliwanag nya..

I've been seeing ate playing cards since we're kids.. I mean since gr.1 ata, nakita ko na syang may hawak na baraha. And it makes our parents and family nervous..

Syempre, bata pa lang sya naglalaro na sya ng baraha.

Kahit kelan hindi ako nagpaturo sakanya, feel ko maaadik ako. Eto nga naadik na ko.

 

"Inaamoy amoy pa nya yung baraha kapag nananalo sya. Grabe! Matindi na yung kabaliwan ng ate mo." napailing pa sya.

"Anong tinitira non? Sobrang epektib ah!" sabi pa nya.. 

Kasalukuyang bumabyahe parin kami sa papuntang Africa. Nasa airplane parin kami.

Eh na-bored si Rein, nakita ko syang may hawak na baraha.. Nagpaturo na ko.

Habang inaayos nya yung baraha, kinuha ko yung boy bawang at kinain ko.

Pusoy dos kasi ang nilalaro namin. Nakaka-enjoy kaya!

Pero bukod pa dun, gusto kong matutunan ang mga iba pa nyang alam.

"Sige na kasi, Rein..." pilit ko.

"Mag-isa mo! Gumawa ka ng sarili mong laro." sabi naman nya..

"Rein sige naaaa." 

"Tantanan mo ko! Kahit magkamatay-matay ka dyan, wala akong ituturo sa'yo!"

(5 mins later..)

"Itutok mo kase! Ganto oh!" turo nya sakin..

Hahaha. Napilit ko naman sya. Sabi nya kanina wala daw syang ituturo sakin, pero tinuturuan nya naman ako.

Tumbarang preso.. tumbeng preso.. "Rein, ano bang tawag sa larong to?" tanong nanaman sakanya..

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon