Chaptah 10. Gwapo is in da house!

35 3 0
                                    

"IGETCHI MO NAMAN TEH!"

"ONE MORE!"

"KALOKA! ITAAS MO KAMAY MO, TEH.."

Haaaaaaay! Ansakit sa tenga ng sigaw nung baklang direktor ni Breetha. Kelan ba matatapos yang pictorial na yan.

"Miss.." tanong ko sa babaeng katabi ko na may sinusulat na kung ano.. 

"Pano mo natatagalan magtrabaho dito?" tanong ko sakanya habang nakatakip ako ng tenga.

"ISANG KEMBOT PA, BREE!"  sigaw ni Jesha bakla..

"Kelangan po eh.." sagot nung babae..

"AAAAAAAAISH!" tumayo ako at lumabas ng pictorial room..

Mas gugustuhin ko pang magutom kesa masira ang eardrum ko! Ang pagkain, pwedeng ihingi. Ang eardrum, hinde.

Naupo ako sa sahig..

Haaay.. Iba talaga buhay mayaman dito.. 

Po-pose ka lang, babayaran at kikita ka na.. Kumpara sa mga construction workers, kelangan pang ibuwis ang buhay magkaron lang ng kwarta..

Halos nasubukan ko lahat ng mga trabaho.. Pero di parin ako nakakaranas humawak ng isang libo o limang daan man lang.

*sigh*

"Rein?"

Napatingala ako sa nagsalita..

"Tapos na.. Tara." ngiti ni Breethna sakin. 

Sinukbit ko na yung bag.. at lumakad..

"Sa parking lot na tayo. Pupunta na tayo sa dinner meeting.." sabi nya.. at sumunod lang sya sakin naglalakad.

"Dinner-dinner meeting pa. Pwede namang hapunan with dabarkads.. psh.." bulong ko..

"Rein..."

"Daming alam.. breakfast.. lunch... dinner.." bulong ko..

"Rein... Rein.."

"Pwede namang... agahan, tanghalian.. hapunan.. Pinasyosyal na kainan..tss." 

"Uhhmm *CLEARS THROAT* REIN!" 

"AY PALAKANG DULING! ... ano ba yun?!" gulat ko at lumingon..

"N-nadapa ako... Hehehehe.." sabi nya.. habang nakaupo sa sahig..

Mayaman nga.. shunga naman.. Pagdating sa dinner-dinner, alam na alam.. pagdating sa ganto. Nga-nga..

"Kelangan bino-broadcast? Di pa pwedeng tumayo agad?.." sabi ko.. medyo malayo ako sa kanya, dahil nauuna ako maglakad. 

Pero di nya ako pinapansin.. nakatingin lang sya saakin..

"Uso tumayo kapag nadapa.." sabi ko at bumuntong hininga.. 

"Hmm? ahh.. o-oo.." sabi nya.. na parang natauhan..

"Gusto lagi.. tinutulungan.." bulong ko pero alam kong maririnig nya.

At nagpatuloy kami sa paglalakad..

"Alam mo, hindi sa lahat ng bagay nandyan ako sa tabi mo..Unang- una. Ikaw lang makakatulong sa sarili mo. Lalo pa at napaka-clumsy mo.." pangaral ko sa kanya..

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon