Chapter 29 Piso

14 0 0
                                    

Conell's POV

"Anong binubulong mo?" tanong ko ulit kay Sera

"Ah." umiling siya "w-wala. Tara na." sabi niya sabay sakay sa sasakyan.

Nakatingin lang ako sakaniya habang nagtataka, kaya pumasok narin ako ng sasakyan.

Binuksan na nung driver yung makina at umalis na kami.

...

"HUY!" tapik ko sa balikat ni Sera

Muntik na siyag mapatayo sa pagkakaupo dahil sa gulat at napatingin saakin.

"Ano ka ba naman?" sabi niya na medyo naiinis.

"Ako nga dapat magsabi nyan eh. Kanina pa kaya kita tinatawag para kumain na. Kung ayaw mong kumain sabihin mo, hindi yung hindi ka namamansin." sabi ko sakaniya at tinalikuran ko na.

Lumingon ako at nakita ko siyang nakaupo parin doon at malalim ang iniisip.

Nakakaintindi ba siya ng tagalog? Sabi ko kakain na pero.. Hay nako! Bahala siya, hindi ko hawak sikmura na para pilitin siya.

Nasa lodging room parin si Sera at ako nandito na sa restaurant ng resort.

Kumakain ako mag-isa, at gusto ko naman. Syempre, mas gugustuhin ko pa ngang mabuhay mag-isa sa mundong to kesa makasama si Sera no.

Pero napapaisip lang talaga ako, ano bang umaandar sa kokote ng isang yun at mas malalim pa sa core ng earth kung mag-isip.

Matapos kong kumain lumabas muna ako ng resort para magpababa ng kinain sabay pasyal-pasyal narin.

First time ko kaya dito sa Cebu, kaya gusto kong makita kung anong klaseng mga tao ba ang mga naninirahan dito at paano ba sila mabuhay.

Malayo layo narin ang nalakad ko mula sa resort, nang matanaw ko na ang mga naghahabulan na mga bata.

Tanaw ko narin ang mga bukirin. May magkakalayong bahay.

"KUYA! SAN KA NANAMAN PUPUNTA?!!"

Napalingon ako sa kung saan may narinig akong sigaw ng isang babae.

Natanaw ko doon sa isang bahay na maliit. Parang kubo nga lang siya eh. May kakalabas na lalake doon sa nakita kong bahay.

Saka ko rin natanaw yung babaeng nakaupo sa lapag.

Hindi ako nagdalawang isip puntahan yung babae at inalalayan siyang tumayo.

"Okay ka lang? sinaktan ka ba nung lalakeng yun?!" tanong ko matapos ko siyang alalayan makaupo sa loob ng bahay niya.

Tumango siya, at pinunasan niya yung luha niya.

"Teka..." sabi ko naman at napatingin siya saakin. "Hinding hindi ko makakalimutan yang mukha na yan! May kamukha ka!!" turo ko sa mukha nya

Nagtataka siya at napapalayo.

 

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon