Bree's POV
"So napagisipan mo na ba? Halos kanina pa tayo, nakatanga dito.." sabi ko..
Eh nakakangawit kaya! Naghihimutok na yung mga ugat ko sa binti eh tapos sya na mas mukang enjoy pang tumayo kesa umupo. Lugi naman ako!
"Mamaya ibang klaseng raket pa yan eh. Muka ka pa namang nag-aadik." sambit nya at lumabas na..
Haaaaay! Ibang klaseng tao talaga yun. Yung iba gustong gusto tulungan, sya lang tong tumataliwas sa tumutulong.
Napapabuntong hininga na lang ako at napapailing.
Di ko tuloy alam kung sino ba talaga may sakit sa kanilang dalawa. Yung nanay nya na may Tuberculosis at Meningitis, o sya na may kuring-kuring at may sayad sa utak?..
People these dayssssssssss...
Reinous' POV
Oras na para sa dalawa ko pang trabaho.
Hindi ko lubos maisip na sa masiyahing nanay ko pa nadapuan ng ganung sakit.
Habang naglalakad ako sa kawalan papunta sa trabaho ko.. napapaisip at napapabuntong hininga na lang ako sa mga nangyayari ngayon..
Puro kamalasan.. Kanina naniningil ng utang si darna-bakla, kinulong si Mama, at ngayon... may sakit ang nagiisa kong pamiylya sa buong buhay ko..
Ayokong mabuhay mag-isa..
Di ko ata kakayanin ang mawala ang nanay ko..
Gagawin ko ang lahat mabuhay lang sya..
Ipinapapangako ko..
Di ko namalayan na nandito na pala ako sa trabaho ko..
Isang marangal na taga-linis ng sasakyan..
"Hoy! Rein! Sabi ni Boss, tanggal ka na.." sabi nung katrabaho ko na syang kinagulat ko..
Sa totoo lang, di na ako nagulat pa ( ----.--) natural na para saakin ang matanggal sa trabaho. Dumiretsyo ako sa mabahong opisina ng amo ko.
Wala ng katok-katok. Bastos na kung bastos. Mas wala syang modo kesa sakin, nagtatanggal na lang basta dahil sa mababaw na dahilan..
Napatingin sakin yung amo ko.. habang nagyo-yosi.
Lumapit naman ako sa kanya at hinugot mula sa mauling nyang labi ang sigarilyo nya at tinapon sa lapag..
"Aba! Bastos.." kalmadong sambit ng amo ko.
Maton tong boss ko, pero wala akong pake. Mas malaki, mas madaling patumbahin..
Kaya nga di ko matanggap na tinapak-tapakan lang ako ni Taba kagabi.. Babawasan ko talaga yung sampung bituka ng tabatchoy na yun eh!..
*PAAAK!
"Walangya kang bata ka.." kalmadong sambit parin ng amo ko.. Ganyan yan, walang emosyon.
"Remembrance mula sakin." yan ang huli kong paalam at lumabas na ako ng car-wash nya.
Nawalan na ako ng gana sa natitra kong trabaho.. Paniguradong tanggal narin ako dun. Sa katatagan ba naman ng kamalasan ng buhay ko, malamang lamang lang talaga.
Napaupo ako at napasandal sa pader ng isang saradong tindahan.. Malalim na ang gabi.. Malalim na ang pag-asa ko.. Halos hindi ko na maabot..
Gusto kong maiyak..
"Kaya pala...." bulong ko sa sarili ko.
Kaya pala.. Grabe na lang ang dugo na nakikita ko sa mga damit na nilalabhan ko gabi-gabi..

BINABASA MO ANG
Ikaw ang swerte ko
Humor[Copyright 2013 LallipopER] Swerte, Malas, Lampa, Malusog, Mayaman, Mahirap. Kahit alin ka sa mga yan, pag dating sa pag-ibig pantay-pantay. Sa tadhana, walang sino-sino o ano-ano. Nasa mataas ka man o na sa baba, kapag napaibig- babagsak ka o dikay...