Chapter 27 You're gonna miss me when Im gone

10 0 0
                                    

Chapter 27 You're gonna miss me when im gone

Breethna's POV

Another day para magtrabaho. Andito ako sa opisina, mag-isa.

Napatingin ako sa likuran ko kung saan makikita ko sa bintana ko ang napakagandang kalangitan.

Natauhan ako mula sa malalim na pag-iisip ng mapansin kong pumasok yung secretary ko.

"princess. Schedule nyo po." sabi niya

"Schedule.." ulit ko pabulong

Syempre, tambak nanaman ng mga unattended meetings na pinacancel ko.

Tumango ako para i-discuss nya na saakin.

"10am renewal contract with Lnl group. Lunch meeting with Airline Company, at 12nn. 2pm Launching new model dress ng Crissa." nang tumahimik na siya at satingin ko dinoble check niya "Yun lang po." sabi niya.

Tumango ako "Sige. Salamat." sabi ko nalang, at lumabas na siya.

Napabuntong hininga ako at tumayo, pumuntang CR para magretouch.

Maaga pa pero sa tingin ko pupunta na ako kahit 1hr akong maaga, kesa naman nandito ako buong oras.

Nang makarating sa kumpanya ng Lnl. Nakita kong marami ng reporters para sa update.

Kaya naman dumaan kami sa likod ng building para doon dumaan, nakahanda yung daan sa likod para sa mga VVIP.

Naupo ako habang umiinom ng kape.

"Hay. Kahit pala maaga ako, maiisip ko parin si Rein." bulong ko at napailing

Kahit anong gawin ko, sinusundan ako ng bangungot at ng magandang panaginip.

Nang sa wakas natapos na ang Renewal at signing ng contract pumunta na agad ako sa venue kung saan magaganap ng lunch meeting.

Ineexpect ko ng makikita ko si Yuanie at si..

"Rein.." bigkas ko..

... Habang nakatingin sa taong minsan ko ng minahal.

"Oh.." agaw pansin saakin ni Yuanie "Ang aga mo naman, princess Bree."

Agad akong napatingin kay Yuanie na nagsalita, hindi ko namalayan na nakatingin lang ako kay Rein.

Umupo na sila sa harap ko, pero hindi ko maiwasang hindi mapatitig kay Rein.

"Mukhang mal-late si Daddy." rinig kong sabi ni Yuanie. "Uhmm princess Bree. Yung laway mo tumutulo." sita saakin.

At natauhan ako at napaiwas ng tingin mula kay Rein.

"Yuanie, masyado na ata akong gwapo." tawa ni Rein na parang normal lang ang nangyayari saamin ngayon.

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon