Chaptah 6. Weird night with a weird girl

37 3 0
                                    

Reinous' POV

"Hoy! Sigurado naman na busog ka na nyan." sabi ko at uminom ng softdrinks

Halos magkakalahating oras na kaming nakatambay dito sa tindahan. Suki na kami dito dahil dito kay Breethna.

At syempre magkakalahating oras na at nangalahati rin ang paninda ni ate. At ang salarin ay walang iba kundi si Breethna.

"Hoy! Tama na yan. Masama na yan. Mamaya magkolaps(collapse) ka dyan, tandaan mo mahirap lang ako wala akong pantustos ng kung anong pampaOspital sa'yo.." sambit ko na lang.

"Ehh ngayon lang ako nakakain ng ganto eh! Itong Karaoke ba'to? Ansarap.. At anong tawag nila dito?..Toy tawa?" taas nya sa hawak nya sa kaliwang kamay nya..

Andami nyang hawak eh. Kala mo ngayong lang nakakain sa isang dekada.

Nako! Pagnagkatong magkasakit to.. ipapaalbularyo ko to. 

"Boy Bawang yan!" matutuyuan ako ng dugo sa babaeng to ( ----.---)

Bakit ba kasi walang dumadaan ng sasakyan dito? O trycicle man lang?.. Kamalasan ko talaga oh! At dumagdag sa malas ko tong babaeng to.

*BURRRRRRRRRRRRRP~*

"ANAK NG.." sambit ko at napatingin sa kanya.. Kababaeng tao.

"PEAAACE~ ( ^___^ )v " sabi naman nya.

"Haaaaaaaay! ansarap pala kumain ng mga ganyan. Ngayon lang ako nakatikim nun. Akalain mo yun, ang corny ng itsura nila pero ang sarap ( ^___^)" sabi nya 

Pinuri tapos aalaskahin.. Ano yun?. Hay! Ewan.

"Rein.. lakad na lang tayo!" napatayo sya

"Hinde! Dito lang tayo, maghihintay ng sasakyan.." pagtanggi ko.

Nako! Pagmay nangyari sa kanya baka wala pang isang araw paglamayan na ako ng pamilya ne'to. Paano na lang ang maganda kong nanay?..

"Alam mo kung gusto mo mapaaga buhay mo, wag ka mangdamay.." sambit ko.

"EEEEEEEEEH! Dali naaaaaa~" hinila nya yung kaliwa kong kamay. Pero dahil lampayatot tong isang to, hindi nya ko kayang kaladkarin..

"Alam mo kung ako sa'yo, uupo na lang ako at mananahimik. Walang mangyayari sa ginagawa mo, pramis!" sabi ko

*YAAAAAAAAAWN

Napahikab ako, at dagdag insulto sa kanya para tumigil na sya. Tinakpan ko yung bunganga ko ng kanang kamay ko at sya todo hila parin sa kamay ko.

"Dali na kaseeeee! Inaantok na ko eh.." pilit nya sakin..

"Hindi nga pwede! Delikado.." sabi ko naman..

"AAAAAAAAAAARGH!" 

Di talaga papaawat tong isang to ( ----.--) 

"Kahit sampung dekada ka pa dyan.. Hindi mo matatanggal yang kamay ko at hindi mo ko makakaladkad. Tanggapin mo na ang katotohanan.." sabi ko pero todo hila parin sya..

*Sigh*  napabuntong hininga sya.

Hay buti naman tumigil na sya. Sa totoo lang, parang mapuputol na yung kamay ko kakahila nya eh, san ba nya nakukuha yung lakas nya? Sa Boy Bawang ba na kinain nya?..

"AAAAAAAAAARGH!"

Ay hindi papala susuko tong isang to ( ---.--)  Sinimulan nanaman nya akong hilain..

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon