Chapter 20
Breethna's POV
"Bawal ang masyadong flashy na suot. Kelangan maging formal ang sayaw natin."
"ANONG FLASHY?!! EH BA'T MAKUKULAY TONG SUOT NAMIN?!"- Rein
"ANO KAMI POWER RANGERS?!!"-Zack
"HOY! ZACK! AKO DAPAT YUNG RED EH! AKO YUNG LEADER!" -hila ni Rein sa damit ni Zack kaya naman naghihilaan sila..
"WAG KA NGA PINK RANGER! RED SINISIMBOLO KO!"- Zack
"Ang gulo naman nila.."- bulong ni Paul
"Hoy! Rein! Sabi ko lutuan mo ko ng kwek-kwek eh!" binatukan ni Conell si Rein.
"Makabatok ka, Conell ah! Wag ka na magpaluto! Kulay kwek-kwek naman suot mo eh!" binatukan rin si Rein si Conell.
Pumunta pala dito si Conell, arrival na kahapon. Ang sabi nya wala daw syang magawa sa Pinas kaya pumunta raw sya dito.
At ngayon naman gagawa kasi kami ng sayaw para sa last day namin dito. Pero matagal pa naman kami uuwi ng Pinas dahil hindi pa tapos yung pinapagawang bahay.
Actually gagawa pa lang kami ng steps eh. Tapos ituturo namin sa lahat na mga tumulong nani-hired ko, lahat sama-samang sasayaw. Magmula sa mga chefs, parameds, construction workers.. at lahat kami.
Masaya ako dahil buti nalang na-suggest ako at agree naman sila saakin. Sana mas mapangiti pa namin ang mga taong mga naninirahan dito na handang bumangon para sa panibagong buhay nilang giginhawa na.
Hindi ako naghahangad ng kung ano mang mga gawad dahil lang sa ginagawa ko ito, o magtamo ng pagkasikat. Ang hangarin ko lang makatulong at tularan.
"ZACK! Seryoso ako!" rinig kong sigaw ni Rein at saka nya ito binatukan.
"EH WALA NGA!? MUKHA BANG NAGBIBIRO TONG GWAPO KONG MUKHA?!! BA'T BA ANG TIGAS NG BUNBUNAN MO?!!"- sigaw ni Zack at binalik ang pagkakabatok sakanya.
"MUKHA LANG MERON KA WALANG GWAPO! GAGO!"- nagkunwaring kuno wrestling sila pero ng matapos silang magharutan..
Nakita ko namang sumimangot si Rein at kinausap si Paul at Craig.. Pero agad namang napahilamos ito ng mukha at mukhang dismayadong umupo sa tabi. Nilapitan naman siya ni Conell at saka siya ni'to pinitik.
"Princess.."
Lumingon ako sa tumawag saakin.
"Oh Chef Zane. May problema ba?"
"Wala naman. Kaso kasi naubusan tayo ng ingridients para sa susunod na recipe na iluluto sana namin."
Problema nga yan.. Napaisip ako. Kung bibili kami baka bukas na makabalik dahil tila malayo itong lugar sa maaring mapagbilhan ng kailangang sangkap.
"Sasabihin ko na lang siguro kapag may naisip na akong solusyon. Maari ka ng bumalik sa trabaho mo." tumango naman siya pero agad ulit akong napaisip..

BINABASA MO ANG
Ikaw ang swerte ko
Humor[Copyright 2013 LallipopER] Swerte, Malas, Lampa, Malusog, Mayaman, Mahirap. Kahit alin ka sa mga yan, pag dating sa pag-ibig pantay-pantay. Sa tadhana, walang sino-sino o ano-ano. Nasa mataas ka man o na sa baba, kapag napaibig- babagsak ka o dikay...