Chaptah 22. The confession of 2 broken hearts

6 1 0
                                    

Breethna's POV

Nasaktan ako sa mga sinabi mo, Rein. Pasensya na kung nagiging pabigat na pala ako. Sana magustuhan mo yung surpresa ko para sa'yo.

Nagiimpake na ako ng mga damit ko sa maleta ko, habang tuloy tuloy paring pumapatak ang mga luha ko. Sunod sunod ko rin namang pinupunasan ito, dahil ayokong may makakita. Ayokong may mag alala. Ayokong nang maging pabigat.

Hating gabi narin at rinig ko parin ang kasiyahan nila, mga rinig kong inuman nila Zack.

Nakaupo lang ako dito at hinihintay ko yung flight time ko. Sa wakas napagod rin ang mata kong lumuha.

Mag-iisang oras narin matapos akong lumuha.

Naramdaman kong may pumasok sa tent na kinalalagyan ko kaya napatingin ako sakanya..

Si Lyra..

Ngumiti ako sakaniya "Ikaw pala. Ba't hindi ka sumama sakanilang magkasiyahan?"

Nakatingin lang sya saaking nagtataka. "P-Princess umiyak po ba kayo?" tanong nya sakin at umupo sa tabi ko.

 

Umiling ako syempre, ayokong idamay pa si Lyra sa problema ko. Ayoko na ngang maging pabigat sa iba.

Napatingin ako sa orasan ko. "Lyra, pakisabi sa mga sir mo bukas. Magflight na sila pabalik sa Pinas bukas." tinutukoy ko sila Zack. At nakita ko ang pagtataka ni Lyra sa sinasabi ko ngayon. "Sabihin mo sakanila, may mga recruiters na pinadala si ate Adeera para magmanage dito. Kaya.. pakisabi sakanila na salamat sa mga tinulong nila. At pasensya na kung napagod sila at nag-aksaya ng oras para tulungan ako dito." habilin ko kay Lyra.

Tumango namang nagtataka si Lyra "Eh bakit po ba kayo umiiyak?" tanong nya saakin ng malumanay. Umiiling na lamang ako.

"Gusto ko ng magpahinga, Lyra." sambit ko at gets naman nya na kelangan kong mapag-isa para matulog.

Nang makahiga ako tumalikod ako, tinalikuran ko yung labasan at pasukan ng tent na kinalalagyan ko.

Naramdaman kong may pumasok sa tent ko pero mas pinili kong magtulug-tulugan. Ala akong balak makipag-usapa sa kahit na sino.

"Babae." bigkas ng pumasok.

Napadilat ang mata ko pero nagp-pretend parin akong tulog.

 

"Alam kong gising ka pa, wag mo kong lokohin kilala kita." naiiritang sabi ni Rein kaya naman napabangon ako at hinarap sya sabay ngiti.

"May kelangan ka ba, Rein?" tanong ko sakaniya.

Umiwas sya ng tingin saakin "S-salamat nga pala.." nabubulol nyang sabi habang hindi parin makatingin sa mata ko.

Bago pa man ako mag-isip ng sasabihin ko bigla ko na lang nabigkas ang "Mahal kita, Rein." at napatakip ako ng bibig at napadilat ako ng mata sa gulat.

Dahan-dahan na tumingin saakin si Rein "Pasensya na, Breethna. Pero hindi tayo parehas ng nararamdaman." seryosong mukha ni Rein.

Magsasalita na sana ako kaya lang biglang pumasok sa eksena itong si Zack.

"Hoy! Mokong! Shot mo na kaya! Ikaw ah, takas-takas ka pang kumag ka ah!" inakbayan sya ni Zack at hinila palabas.

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon