Reinous' POV
"Busy ako!" sigaw ko sakanila habang may pinipirmahan ako
"Aba!" sabi niya at binatukan ako "Bini-busy- busy mo na ako ngayon! Tagal na nga nating di nagkita!"
"Aray ko!" reklamo ko.
"Oh eh! Asan na nga pala si princess Beautiful?" lingon lingon siya at hinahanap si Breethna
Natigilan ako sa ginagawa ko ng itanong saakin ni Zack yan. Nagkaroon ng awkward na katahimikan.
"Ano ka ba naman, Zack!" sabay binatukan siya ni Paul,
Napatingin ako kay Paul, mukhang alam niya ang nangyari noong nakaraang apat na buwan.
"Basahin mo naman ang atmosphere!" sigaw ni Paul kay Zack
"Aba! Parang marami kang alam ah! Osige nga asan si princess beautiful?!" sigaw rin sakanya ni Zack
Napaisip si Paul at tumingin saakin "Saan nga ba si princess Bree?" tanong rin niya
"Aba ungas ka talaga! Hindi mo rin naman pala alam!" binatukan siya ni Zack
At nagbatukan silang dalawa, ako naman tahimik lang na napahilamos nalang ng mukha.
Maaga akong mapapanot kapag kasama ko tong dalawang to eh. Bakit kasi kelangan ng kumpanya itong dalawang mokong na'to?
*door opens
Napatingin kami sa pumasok, si Yuanie lang pala.
Tinuloy ko na yung ginagawa ko ng may binulong saakin si Zack.
"woooah. sino naman yang maganda na yan?" pagkabulong niya
.. agad niyang nilapitan si Yuanie at nilahad ang kamay niya dito.
"Hi. Im Zack, what's yours?" tanong niya at ngumiti na parang aso.
Nang matignan siya ni Yuanie, nginitian lang siya at tumakbo siya papunta saakin at niyakap ako.
"Ano ba nasasakal ako!!" nilayo ko siya saakin.
Kita ko naman ang gulat sa mga mapapanget na mukha ng dalawang mokong sa ginawa ni Yuanie sakin.
"A-aaah! M-meron nang prinsesa yan eh!" turo saakin ni Zack
Ramdam kong napatingin saakin si Yuanie, at naramdaman ko yung biglang pangit ng aura nya.
Napatingin ako kila Zack at Paul na nagtataka, at sinenyasan ko silang lumabas muna.
"Ah-Ahhh! Kaya kayo nandito dahil, may boys bonding tayo diba!" tumayo ako ng de-oras at tinulak palabas pati yung sarili ko kasama tong dalawang ang uhog na'to.
Nang maiwan namin si Yuanie sa loob.
Napahinga ako ng malalim.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang swerte ko
فكاهة[Copyright 2013 LallipopER] Swerte, Malas, Lampa, Malusog, Mayaman, Mahirap. Kahit alin ka sa mga yan, pag dating sa pag-ibig pantay-pantay. Sa tadhana, walang sino-sino o ano-ano. Nasa mataas ka man o na sa baba, kapag napaibig- babagsak ka o dikay...