Reinous' POV
*BLAG BLAG BLAG!
O___________________O
Napabangon naman ako sa katok sa pinto.
Ay hindi na pala katok sa pinto. Paninira ng pinto..
*BLAG BLAG BLAG!
Biglang diretsyo ko sa pintuan ng bahay nang mabigyan ko ng kutos-almusal. Balak ata baklasin pintuan ng bahay namin.
"HOY!! INAANO KA NG PINTO?!! KITA MONG NAGHIHINGALO NA!" Sigaw ko sa nambulabog.
Bumungad naman si Galunggong.
Si Galunggong, bata na di pa tuli. As in bata, uhugin, lawlaw-salawal, penge-piso.
Wag kayo magtaka sa palayaw nya. Dahil mismong nanay nya nagsabi na kaamoy nya galunggon.
Grabe talaga tong batang 'to. Kahit anim na taong gulang palang, nangwrestling ba naman ng maton sa plaza, at balak pa nyang manira ng pintuan.
"Eh... ku...ya... Rein.. may reyot (riot) na nagaganap sa plaza, kelangan ka dun.." sumbong ni Galunggong at hingal na hingal.
Hay ang aga-aga.. Teka?
"Ba't tirik na tirik ang araw?" taka kong tananong at tinatakpan ang mata ko dahil sa nakakasilaw.
"Eh tanghaling tapat na eh. Pumunta ka na dun! Bago pa magpatayan yung dalawang kulugo dun.." sabi nya at agad umalis..
Tanghaling tapat na pala..
Agad akong kumuha ng damit sa drawer ng masusuot baka bumaha ng laway tong lugar namin. Dahil baka paglawayan yung katawan ko pag lumabas ako ng walang pantaas..
At ng masuot ko na yung white t-shirt ko agad ako nagmadali pumunta ng plaza.
Syempre di ko parin nakakalimutan ang tungkulin ko at trabaho ko sa baranggay. Eto kaya ang tumulong samin ng mama ko..
"Wala kang kwentang asa! Simulan mo ng itago yang pagmumuka mo kung ayaw mong balatan ko yan!" bungad na sigaw with kasamang duro si Rea sa asawa nya..
Haaay.. buntis nanaman.
At aba! Kasama pa nila sa kadramahan yang mga junakis nila. Di na sila nahiya.
Makasigaw tong si Rea rinig sa kabilang panig ng mundo eh..
At tong asawa nyang si Edong nakadekwatro mukang nakainom.. Tanghaling tapat ginawang inumin yung alak. Mapapawalangya ka na lang talaga sa mag-asawang to.
"Ako pa walang kwenta?! Eh ikaw tong makapagsaing ng mas sunog pa sa uleng?!!" duro rin ni Edong sa asawa nya..
"Hoy hoy hoy! Anong eksena nanaman to Rea at Edong?! Tanghaling tapat nagpapatuloy kayo ng patis-pawis nyo! Din na kayo nahiya!.." sigaw ko sa kanila.
Halata sa muka nilang gusto ng magpatayan.. Parang hindi magasawa ang mga ogag.
"Eto kasing magaling kong asawa! Wala ng ngang trabaho kumekerengkeng pa! Tanghaling tapat na hoy! Wala ka bang balak pakainin mga anak mo?!!" sabay duro kay Edong.
At yung tatlo nilang magkakasunod na anak eh nakayakap sa nanay nila. Nakakaawa lang.
"Eh sinong gaganahan maghanap ng trabaho?! Kung asawa mo kung makaluto sa hotdog parang longganisa?!!" sabat ni Edong at napatayo dinuro pa si Rea.
"Hoy! Lasing ka nanaman! Langgonisa ulam natin hindi hotdog! G@g0! Nakainom ka nanaman kasi eh! Langya ka talaga!" biglang sinabunutan si Edong ni Rea at inawat naman ng mga tambay at manonood

BINABASA MO ANG
Ikaw ang swerte ko
Humor[Copyright 2013 LallipopER] Swerte, Malas, Lampa, Malusog, Mayaman, Mahirap. Kahit alin ka sa mga yan, pag dating sa pag-ibig pantay-pantay. Sa tadhana, walang sino-sino o ano-ano. Nasa mataas ka man o na sa baba, kapag napaibig- babagsak ka o dikay...