Chaptah 25. Jelly

9 1 0
                                    

Conell's POV

"Dito nga pala yung kwarto mo.." ni-lead ko siya kung saan ang kwarto niya, sinundan niya naman ako.

Hindi ako makapaniwala sa iisang bubong ko makakasama ang pinakamamahal kong si Lyra. Personal Maid ko na kasi siya, at syempre binayaran ko na yung contract niya.

"Sana maging masaya ka sa pagstay mo dito.." sabi ko habang napaupo siya sa kama niya.

Tumango siya at ngumiti "Medyo maliit narin pala ang lilinisan ko." natawa naman ako dun.

"A-ano po oras ng alis nyo tuwing umaga? Para makapagluto po ako, pati po sa gabi mga anong oras po uwi nyo?" tanong niya

Ansarap pakinggan na ipagluluto ako ni Lyra. Baka hindi na ako magtrabaho nito dahil mas gugustuhin kong magstay dito sa bahay. Pero hindi ko pwede gawin yun dahil kelangan kong magkapera para buhayin si Lyra.

"Uhmm 8 ang pasok ko, ang uwi ko.. Depende eh. Itetext na lang kita, anong number mo?" nilabas ko yung cellphone ko.

"Uhmm. S-sir Conell. Ano po kasi.."

"Hmm may problema ba?" tanong ko.

"w-wala po kasi akong cellphone.." sabi naman niya at napayuko siya.

"Wala kang cellphone? Hindi ka ba sinuswelduhan ng maayos nila Bree? Ang laki naman ng sweldo mo ah." reklamo ko.

Palamunin ko kaya ng sermon si Bree bukas! Sukat hindi patas magbigay ng sweldo sa mahal ko.

"H-hindi naman po sa ganun! Sapat na nga po yung sweldo ko eh. Hehehehe" sabi niya pero napapaiwas ng tingin.

Umupo ako sa tabi niya..

"Ano po kasi.. Ako na lang po kasi ang bumubuhay sa 5 kong mga kapatid." sabi naman niya habang nilalaro niya ang mga daliri niya.

"Oh? Edi anim pala kayo. Akala ko ikaw lang yung anak nung dating katulong rin nila Bree. Kasi ikaw lang yung kasa-kasama niya." sabi ko naman.

"Ako po kasi yung panganay.. Nung napag-aral at nagtrabaho narin ako kila princess Bree, umuwi na sa probinsya si Nanay para alagaan yung iba kong mga kapatid." kwento pa niya.

"Pasyal tayo sainyo, kapag nagkaroon ako ng bakasyon." lapat ko ng kamay ko sa ulo nya

Napatingin siya saakin pero hindi ko mabasa yung expression niya.

"T-talaga?" bulong niya, tumango ako. “P-pero malayo po yung saamin.” Sabi pa niya.

Ginulo ko yung buhok niya “Kahit sa ibang planeta pa yan. Pupunta tayo.” Sabi ko naman. "Sige na, magpahinga ka na." sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.

Reinous' POV

Ano ba namaaaaan! Ngayon pa umulan kung kelan dinner date namin ni Breethna! MALAS!

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon