Chaptah 16. Helping a family

26 3 1
                                    

Reinous' POV

*TOK TOK TOK

*TOK TOK TOK

Nyeta naman oh!

*TOK TOK TOK

"TAO POOOO!" 

*TOK TOK TOK

"BALIK KA NALANG BUKAS!!" sigaw ko

Kitang natutulog pa yung tao eh! Mambubulahaw..

....

*TOK TOK TOK

"ANAK NG!! BUMALIK KA NA NGA LANG BUKAS!!.." sigaw ko

....

......

Hay salamat..

*BLAG BLAG BLAG

( O___O )

Napabangon ako sa lakas ng kalabog sa pintuan ko.. Agad kong pinuntahan kung sino ba tong Hulk na nambubulabog ke aga-aga..

"SAPAK--"

"Kokoy?"

Namamalik-mata lang ba ko? Yung akala naming patay na, buhay pa pala..

"Ako nga, Ren-ren!!!" yakap sakin ni Kokoy niyakap ko rin naman sya.

"Aba ampusa! Buhay ka pa palang hayop ka!!" bati ko sakanya, bilang pangangamusta.. "Tuloy ka.." pinatuloy ko naman at pinaupo.

"Hahaha! Mahirap akong mamatay, ogag!" 

"Grabe! Hindi parin nagbabago yang panget mong pagmumukang sira ulo ka!" 

"Ikaw rin eh! Di rin nagbago yang tigas ng pagmumuka mo! Hahahaha" 

Tawanan lang kami.. Ganyan kami magbatian ng sira-ulong to eh. Mabuti naman, mukang nasa maayos na kalagayan sya. Halos noon, ang huli naming kita ay noong nangangalakal pa kami ng basura. 

Matalik na kaibigan ko tong si Kokoy, wala na syang pamilya.. Tumakas lang sya sa bahay-ampunan, natagpuan namin siya ng Mama ko sa tabi gutom na gutom.. Hindi naman namin maiwasan ng Mama ko na makakita ng katulad nyang mahirap lang din katulad namin, at alam namin ang pakiramdam ng nagugutom. Kaya't pinatuloy muna sya samin.

"Langya ka, ganun ka parin kumatok sa pintuan.." binigyan ko sya ng tubig..

"Kelangan pa bang baguhin yun? Hahahaha! Onga pala.. si Inang?" napalinga linga sya.

"Nasa Ospital, Koy.." sabi ko.. Namiss ko tuloy ang maganda kong nanay..

"Baket?!" nag-aalalang tanong nya..

"May sakit sya ng Meningitis at Tubercolosis.." 

Habang pinapaliwanag ko, bakas sa muka nya ang hindi makapaniwalang nangyari samin.. Kinuwento ko rin sakanya ang pinapasukan kong trabaho, pero hindi ko sinabi kung magkano ang sweldo ko at kung kanino ako nagt-trabaho..

Ikaw ang swerte koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon