Reinous' POV
Pumunta muna ako sa hospital para dalawin si Mama ko. Kaya lang nagpapahinga siya kaya hindi ko muna inistorbo. Kaya heto, diretsyo sa kumpanya.
Nasa elevator na ako at may kasabay akong lalakeng may itsura, sobrang taas na ng floor namin pero sa tingin ko sa opisina ni Breethna ang punta ng isang to.
Sabi na nga ba, dahil nandito na kami sa floor kung saan opisina ni Breethna.
Kinausap niya yung secretary ni Breethna, pero dahil katulong ako ni Breethna diretsyo lang ako pumasok.
Nakita ko namang nakaluhod siya at isa isang pinulot ang mga papel na nagkalat sa lapag,
Ang buhok niya, mahabang mahaba at itim na itim, ang makinis at maputi nyang balat. Ang napakagandang hulma at maamong mukha na meron siya.. At ang labi niyang---
Napatingin naman siya sakin at hindi pa siya tapos magpulot tumayo agad siya kaya lang..
Saktong pagkatayo niya natalisod siya sa wire ng telephone kaya muntik pa man siyang masubsob ang mukha nya sa lapag, nasalo ko naman siya.
"Aynako." binalik ko siya sa pagkakatayo niya, at inayos ko yung wire ng telephone para hindi na siya matalisod ulit. "Panget ka na nga, pagnadisgrasya pa yang mukha mo mas papanget ka pa." sabi ko nalang saka pinulot ang mga nagkalat na papel.
"Panget ba talaga ako?"
Natigilan ako sa pagpulot ng papel sa sinasabi nya sa seryosong tono.
"Panget ba talaga ako? Kaya ba hindi mo ako magustuhan?" seryosong tanong nanaman nya ulit. "Rein. Magpapaganda ako kung kinakailangan.. Para lang---" natigil siya sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pintuan at may pumasok.
Yung lalakeng nakasabay ko kanina sa elevator.
"princess Breethna." ngiti ng lalake
"Ikaw pala.." sambit ni Breethna at napatingin ako sa kanilang dalawa.
Sa tingin ko mahalaga ang pag-uusapan nila kaya naman mabilis kong pinulot yung mga papel at nilagay sa lamesa niya saka lumabas.
Paglabas ko biglang pumasok sa isip ko yung tanong nya kanina na sa tingin ko kahit matalino ako, hindi ko kayang masagot.
Panget ba talaga ako? Kaya ba hindi mo ako magustuhan?
Kahit papaano..
Masasabi ko rin namang maganda siya..
Pero ano ba talaga ang dahilan kung bakit hindi ko siya magustuhan?
Haiiish!
Lyra's POV
Hindi ko maalis yung nangyari kahapon.
Malapit nya na akong halikan.. Pero hindi nya tinuloy.
Dapat ba akong matuwa o malungkot?
Matutuwa ba ako dahil hindi niya tinuloy? O malulungkot kasi hindi nya nga tinuloy.
"Lyra?"
BINABASA MO ANG
Ikaw ang swerte ko
Humor[Copyright 2013 LallipopER] Swerte, Malas, Lampa, Malusog, Mayaman, Mahirap. Kahit alin ka sa mga yan, pag dating sa pag-ibig pantay-pantay. Sa tadhana, walang sino-sino o ano-ano. Nasa mataas ka man o na sa baba, kapag napaibig- babagsak ka o dikay...