CHAPTER 27.

974 19 0
                                    

MARKY POV :
haaaay! Bakit ba hindi ako inaantok ngayon. Dati dati pala-antukin akong tao. Ngayon naman halos hindi na ako makatulog.

Sa twing matutulog ako, isang ngiti ang nakikita ko. Ang ngiting nagbibigay ng saya sa akin. Ang ngiting gustong gusto kong makita lagi. Ang ngiting nanggagaling sa babaeng nagbigay ng saya sa buhay ko.

Louise jayd siongco, ikaw nga. Anong ginagawa mo sa akin? Hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa akin. Pero gusto ko ang ginagawa mo sa akin. Haaay! Nababaliw na nga ako.

Makapunta na nga lang sa music room. Kung ano ano na lang iniisip ko, tutugtug na lang ako doon.

Nandito na ako ngayon, ang tagal ko din pa lang hindi nakapunta dito. Simulang nakita ko kung papano naaccident si jayd, hindi na ako pumunta dito.

Ayokong maalala kung papano sya nasktan dahil sa akin. Kung dati wala akong pakelam sa mga babaeng nssktan ko, pero iba sya. Parang ayokong makitang masktan or masugatan man lang sya.

Napunta ako sa piano, namimiss ko din gumamit nito aa. Huling gamit ko dito, nung makita ko si jayd pumasok dito.

Umupo ako, binuksan ko ang piano. Ang sarap talaga sa pakiramdam hawakin ang piano.

(NP : One Call Away)

"Im only one call away, i'll be there to save the day..".

One call away, yap. Bagay sayo yun jayd. Tawagin mo lang ako, darating ako agad sayo para iligtas ka.

"Damn it! Ano bang pingssbi ko".

Hindi ko na alm kung anong nangyayari, puro jayd na lang nassbi at nasa utak ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Sumubsub ako sa may piano. "Ano bang ginagawa mo sa akin?". Mahinang sabi ko.

"Ikaw yung naririnig kong kumakanta?".

Napaayos ako ng upo ng may marinig akong boses. Napatingin ako sa taong nakatayo sa pinto.

"Jayd".

Dahan dahan syang naglalakad papunta dito. Hala! Bakit bgla na lang tumibok ang puso ko, napakabilis! May nakapasok ba na kabayo dito.

"Jayd". Nasa harapan ko na sya ngayon.

"Ikaw ang naririnig ko? Sayo nanggagaling ang boses na naririnig ko noon". Nakangiti nyang sabi.

Ang ngiting yun, ang ngiting nagbibigay kiliti sa akin. Ang ngiting hindi maalis sa isipan ko. Ang ngiting nagbibigay ngiti din sa akin.

"Jayd".

"Oo jayd ang name ko. Kanina mo pa binabanggit e". Natatawang sabi nya.
Natawa din ako doon. Hindi ko naman alam na kanina ko pa pala snsbi yun.

Umusog ako ng konti. "Anong ginagawa mo dito?".

Hinaplos nya ang piano. "Nakarinig ako ng boses. Ang boses na matagal ko ng hinahanp. Ang boses na masarap pakinggan". Tumingin sya sa akin. "Ngayon nahanap ko. At nasa harapan ko na ang nagmamayari ng boses na yun. Ikaw pala yun marky morales". Nakangiting sabi nya.

Ang tingin nya na yun. Ang hirap iwasan, hindi ako makaiwas. Imbis na umiwas ako, tinignan ko pa sya lalo. Hindi ko alam bat parang nagbibigay ng kuryente sa akin yun.

Naramdaman ko na lang na bglang uminit ang pakiramdam ko. Nauna akong umiwas sa tingin na yun. Suko na ako, hindi ako manalo sknya pag dating sa laban na gnon. Ang hirap, nakakapang hina.

Teka lang, bakit ba ganito ako magisip. Ano ba yang mga iniisp ko. Seriously, ako ba talaga to. Masyadong malalim mga nassbi ko. Haaay! Hindi ko na kilala sarili ko. Hindi ako to.

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now