BRIELL POV :
hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng bruhang to e. At hindi ko din alam bakit naisipan ko pang sumama."Nasaan naba ang lalaking yun?". Rinig kong katabi ng kasama ko.
"Trina sino ba ang hinihintay natin? Alam mo bang kanina pa tayo naghihintay dito. Kung alam ko lang na paghihintayin mo ako, edi sana natulog na lang ako sa bahay!". Inis na sbi ko sknya.
Papano kse, ilang oras naba kaming naghihintay dito. Kanina pa ako nagtatanong sknya kung sino ang hinihintay, hindi naman sumasagot ang gaga. Nakakainis lang e!
"Pasensya na brie. Hindi kse nagrereply si daemond e".
"Oh si daemond pala. Sya pala ang hinihintay. E nasaan naba ang lalaking yan, alam mo bang hindi dapat pinaghihintay ang babae!".
"Yie! Wag mo akong sigawan. Si daemond na lang sigawan, tutal kasalanan nya naman kung bat naghihintay tayo dito".
"E nasaan naba yan? Atsaka saan ba tayo pupunta?".
"Sa unang tanong mo, hindi ko alam kung nasaan na sya. Hindi na sya nagrereply e. Sa pangalawang tanong mo, hindi ko din alam kung saan tayo pupunta".
Napafacepalm na lang ako sa sagot. Walangya naman! Naghihintay kami sa taong hindi namin alam kung nasaan sya. At sumasama kami sa taong hindi namin alam kung saan kami pupunta.
"Nako naman trina! Mababaliw ako sayo e!".
"Sorry na. Oh ayan na pala e".
"Sorry sorry trina kung nalate ako. Eto kseng kasama ko ang tagal kumilos e". Hindi pa din ako tumitingin sknla. Baka kse masapak ko pa wala sa oras ang daemond na to.
"Sino ba kseng may sabing hintayin mo ako". Teka lang, parang familiar ang boses nya.
"Sasagot kapa e. Anyway, trina kaibigan ko pala. Si devil".
"Anong devil! Baka ipakita ko sayo ang totoong devil". Nakakatakot naman boses ng lalaking to.
"Highblood ka talaga. Biro lang yung snbi ko trina. Pangalan nya pala marlowe". Dahil sa narinig ko, napatingin ako sa lalaking may pangalan na marlowe.
"Ikaw!!".
Akalain mo nga naman makikita ko pa pala ang lalaking to. Ang lalaking mamisteryo, na kamukha ni danrei na napakalamig. Pero eto naman, slight lang ang lamig nya. Mas grabe pa rin si danrei.
"Oh hi brie". Nakangiti nyang sabi. "Nagkita na naman tayo". Dagdag pa nya.
"Oo nga e. Ang sama talaga ng tadhana, pinagkikita pa rin tayo". Sarcastic kong pagkakasabi.
"Masama? Hm well para sa akin. Napakabait ng tadhana dahil pinagkikita tayo". Tinaasan ko sya ng kilay.
"Hmm teka teka". Pumunta sa gitnan naming dalawa ni marlowe si daemond. "Magkakilala kayong dalawa".
"Hindi/oo". Sabay naming pagkakasabi. Tinignan ko sya ng masama sa pagkakasagot nya ng "oo".
"Ang gulo nyong dalawa. Anyway, tara na nga". Sumunod na lang kami kay daemond.
Nandito kami ngayon sa isang orphanage. Hindi ko naman alam na may ganito pala sila. Yap! Saknila tong orphanage na to, may kasama pa pala silang isa. Kaso wala dito ang isang kaibigan nila.
Hindi pa rin ako makapaniwala, na mahilig pala sa bata ang marlowe na to. Mukha lang talaga syang bad, pero may pagkabait pala ang isang to. Parang nakikita ko talaga sknya si danrei, teka teka! Bakit ko nga ba iniisip ang lalaking yun.
Yun lang lalaking naman yun, letche! Mas gugustuhin pa talagang tahimik yun e. Ngayon kseng naging madaldal at naging makulit. Wala ng ginawa kung hindi bwisitin ang araw ko.
YOU ARE READING
MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤
ActionPapano nga ba kung ang taong mahal mo ay isang agent. Matatanggap mo ba ang isang katulad nya?