CHAPTER 64.

768 11 0
                                    

SYDNEY POV :
ganito ba talaga pag single? Nakatingin lang sa mga magcouple na sweet.

"Haaaaaaay". Kaylan ko kaya mahahanap ang sa akin? Mabuti pa mga kaibigan ko meron na sila.

Ang dalawang nagliligawan, hindi ko alam kung ligawanan paba ang sknila. Dahil sobrang sweet na talaga nila, lalo na sina rj and alexis. Lagi na silang nagdadate at magkasama, hindi na sila mapaghiwalay.

Sina danrei and brie, ayun! Team deny pa rin ang dalawa. Halata naman na may gusto sila sa isat isa, hindi pa nila aminin. Bahala nga sila sa buhay nila, malaki na sila e.

Si jaylo naman hindi ko naman alam kung bumabalik na sya sa pagiging lalaki nya. Minsan kse nakikita namin syang kasama ang isang member ng redvelvet. Well, ayaw man namin na nakasama nya ang babaeng yun. Pero kung yun naman ang makakapagpabalik sa knya bilang lalaki, pwede na.

Ako? Eto hindi pa rin alam kung anong meron sa nararamdaman ko para sa isang Kaizer william. Hindi ko alam, etong nagdaan na araw. Kung ano ano na lang nararamdaman ko sknya twing kasama or nadidikit ako sknya.

Nandyan yung bigla na lang magwawala yung nasa tyan ko, hindi ko alam parang may kung ano sa tyan ko. Nandyan din yung hindi ako mapakali pag katabi ko sya, nailang na din ako sknya. At lalo na napapadalas ang pagbablush ko sa twing tumititig sya sa mata ko.

Ay hindi pa pala, eto pa! Twing may dumidikit na babae sknya, aba! Gusto ko silang pilayan or sipain para malayo sila sa dwarfino na yun! I dont know bakit gnon, ayoko syang nalalapit sa ibang babae.

"Haaaaaay! Hindi ko na alam gagawin ko".

"Inlove ka no".

"Ay fuc....". Hindi ko natapos ang ssbhin ko dahil tinakpan ng kung sino man ang bibig ko.

"Heeep! Ayoko ang nagmumura". Napatingin naman ako sa taong tumakip ng bibig ko.

Sino sya? Babae sya. Nakashade sya kaya hindi ko masyado makita ang mukha nya. Pero parang familiar sya sa akin, siningkit ko ang mata ko. Para makita ko ang face nya, hindi ko pa rin maalala kung saan ko nga ba to nakita.

Tinapik ko ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko. Tinanggal nya naman, umayos ako ng pagkakaupo. Gnon din sya, sino ba sya? At bakit sya nandito? Feeling close lang.

"Kamusta?". Napakunot noo ako sknya.

"Pardon?".

"Hahaha". Tinanggal nya ang kanyang shade. "Mukhang hindi mo na ako natatandaan. Ako yung babaeng niligtas nyo ng kaibigan mong babae".

"Hmm..". Ayun! Naalala ko na sya, kaya lang hindi ko natatandaan ang name nya. "Kr..kyla?".

"Hahahahahaha. Hindi kyla, kryssa".

"Oops. Sorry".

"Its okay. Ano pa lang ginagawa mo dito? Hindi ka ba pumasok sa class mo?".

"Wala na akong class. Hinihintay ko na lang mga kaibigan ko". Tumatango tango sya. "Ikaw anong ginagawa mo dito sa school?".

Nandito kse ako ngayon sa isang bench, kanina pa tapos ang klase ko. Hinihintay ko na lang sila para sumabay sknila. Wala kse akong dalang car e, isang car lang ang dala. Kaya eto naghihintay ako sknila.

"Susunduin ko ang kapatid ko. Matagal tagal ko na kse syang hindi nakikita. Kaya gusto ko magbonding kami ngayon".

"Oh i see. Hindi ba sya nakatira sa inyo?".

"Hindi e. Nakatira sya sa mga kaibigan nya. Meron kse silang pinagawang bahay, na sknila yun".

"Aba yaman naman nila". Natawa naman sya doon.

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now