CHAPTER 13.

1.1K 22 0
                                    

RODJUN POV :
hindi ko alam bat bgla na lang nakakatakot ang ichura kanina ni syd. Pulang pula sya sa galit, muntik na nyang mapatay si kai kung hindi nya pa agad binitawan.

"Kakaibang babae talaga mga yun". Napapailing na sabi ko.

Naglalakad lakad ako ngayon sa buong campus, nasa klase mga mga kagrupo ko. Si kai, ayun umuwe na lang. Papahinga na lang muna daw sya.

Napatingin ako sa mga babae, kakaiba din sila. Halos magkabalibali na leeg nila kakasunod sa akin, oh well pogi problem.

Napatingin ako sa babaeng nakasalamin, damn! Kahit nakasalamin sya, nakikita mo pa rin ang ganda nya.

Hanggang ngayon naguguluhan ako. Yung babaeng nakahalikan ko sa bar, hanggang ngayon hinahanap ko pa rin sya. Pero pag nakikita ko naman ang babaeng nakasalamin na to. Parang feeling ko sya ang babaeng nakahalikan ko noon.

Hindi ko alam bat bgla ko na lang sinundan si alexis, saan ba sya pupunta? Gusto ko syang lapitin at tanungin, pero mas pinili ko na lang manahimik at sumunod na lang sknya.

Tumigil sya sa isang puno at umupo doon. Don ko lang napansin na nandito pala kami sa garden.

Tinignan ko ang garden ngayon ko lang to napuntahan, napakatahimik dito. Mukhang alam ko na kung saan laging tumatambay si danrei.

"Kung sino ka man, lumabas kana dyan". Shit! Sa sobrang bgla ko napatago ako sa isang puno.

Papano nyang nalaman na may taong sumusunod ka sknya? Ang lakas naman makaramdam ng babaeng to.

Hindi ko alam bat bgla na lang ako kinabahan, sguro dahil ayokong malaman nya na ako ang sumusunod sknya.

Sumilip ako kung saan sya nakapwesto, napalaki ang mata ko ng makita kong wala sya.

Lumabas ako doon sa punong tinataguan ko. "Nasaan sya?". Bulong ko.

"Ako ba hinahanp mo?". Sa sobrang bgla ko naupo ako.

"Bakit mo ako sinusundan?". Hala, anong isasagot ko.

Napaiwas ako ng tingin, hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko na lang tumakbo, nakakahiya! Nahuli nya akong sinusundan ko sya.

Nilahad nya ang kamay nya sa harapan ko, napatingin ako sa kamay nya. Anong ginagawa nya?

"Hindi mo ba kaylangan ng tulong? Or gusto mo dyan kana matulog sa pagkakaupo mo dyan".

Yun lang pala, tinutulungan nya lang pala akong tumayo. Kinuha ko agad ang kamay nya at tumayo na ako. Pinagpag ko ang short ko.

"Bakit mo ba ako sinusundan?". Bumalik na sya doon sa pwesto nya.

"Hm pwedeng tumabi?". Tumango na lang sya, agad akong umupo sa tabi nya.

"Pwede mo na bang sagutin ang tanong ko?". Ano bang isasagot ko, haaay! Bahala na nga.

"Nakita kse kita kanina, so sinundan na lang kita. Im sorry kung sinundan kita, nacucurious kse ako sa pupuntahan mo e". Napakamot na lang ako sa ulo, nakakahiya talaga.

"Gusto ko kse pumunta sa tahimik na lugar".

"E bat hindi ka pumunta sa sementeryo". Ay bwisit! Kung ano ano na lang nassbi ko.

"Hahahahahahaha!". Ano naman nakakatawa sa snbi ko? "Nice joke". Natatawang sabi nya. Nagjojoke ba ako.

"Bakit gusto mo sa tahimik?". Tanong ko sknya.

"Sobrang ingay kse doon sa labas, e gusto ko ng umuwe. Kaso yung mga kaibigan ko nagpapahintay. Kaya naglakad lakad muna ako, hindi ko napansin na napadpad na pala ako dito". Pumikit sya at dinilat din ang mata nya. "Ang ganda ng lugar na to". Nakangiti nyang sabi.

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now