CHAPTER 66.

711 16 0
                                    

TRINA POV :
hindi ko alam papano ako nahila ng mga kasama ko. Bstat ang alam ko, nandito kami ngayon sa bahay nila ck.

Letche! Ayoko ngang napapalapit kay ck e. Ginagawa ko nga ang lahat wag lang mapalapit sknya. Tapos etong mga gaga kong kaibigan, hinila ba naman ako para makasama dito sa pagpunta sa bahay nila.

Wala naman akong magawa, pag hindi naman ako sasama. Lahat ng book na nasa room ko, susunugin nila. Ayoko namang mangyari yun, dahil kahit mukha lang silang nagbibiro. Gagawin talaga nila yun. Kakaiba mga utak ng mga kaibigan ko e.

Pinagtataka ko nga bakit kaylangan pa akong isama e. Wala naman akong ginagawa, sila naghaharutan kasama mga boyfriend nila. Yap! Sinabi na nila sa amin na sinagot na pala nila mga manliligaw nila. Oh edi sila ng may boyfriend!

Ewan ko lang kali brie, hanggang ngayon yata nagdedeny pa rin ang dalawa. Yung dalawang yun halata naman sknilang may gusto sila sa isat isa, hindi pa nila aminin. Gustong gusto nilang naglalaro ng taguan. Taguan ng feelings.

"Isa kai! Ako nga muna dba!".

"Natalo ka na ni rj! So ako na!".

"Wala akong pakelam sa nararamdaman mo! Ako nga muna dba!".

"Natalo ka syd! Tanggapin mo na. Kaya umalis kana dyan!".

Etong dalawa naman to, hindi ko alam kung anong status nila. Or talagang hanggang magkaibigan lang talaga ang dalawang to. Pero sayang naman, mukha namang bagay sila. Pero wag na lang, ngayon nga lang na magkaibigan sila. Lagi sila nagbabangayan, papano pa kaya pag naging sila na.

"Hey trina". Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang boses na yun.

"Hmm". Hindi ko sya tinitignan.

"Nagbaked ako ng cookies. Gusto mo bang tikman?".

"Hmm busog pa ako e". Humarap ako kay jaylo. "Anong ginagawa mo?".

"Wag ako trina. Si ck na lang kausapin mo". Napasimangot na lang ako sa sinabi nya. Nakakainis naman tong baklang to. Sya nga kinakausap ko, para naman isipin ni ck na busy ako dba.

"Kaya nga kinakausap kita. Para naman hindi nya na ako pansinin". Nilakihan ko sya ng mata.

"Bakit ba hindi kayo magusap dalawa. Dba alam mo naman na walang namamagitan sknila ng kakambal. So ano pang inaarte mo dyan".

Ayun nga e, alam ko ng wala talagang namamagitan sknila ng kakambal ko. Hindi ba dapat matuwa ako dahil walang namamagitan sknila. Pero hindi, hindi ko alam bakit bigla akong nailang kay ck.

Papano ko nga ba nalaman? Well nalaman ko nung isang linggo lang. Umuwing lasing ang kakambal, sinabi nyang inlove sya sa kababata nya. At doon sya umamin na walang namamagitan sknila ni ck.

Halos gusto ko ng iumpug ang ulo ko dahil sa katangahan ko. Nag assumed akong sila, hindi man lang ako nagtanong tungkol sknilang dalawa. Pinaniwalaan ko lahat ng nakikita ko, kahit mali naman lahat. Sobrang tanga ko dba.

At nalaman ko din na sa akin pala may gusto si ck. Doon nga nagising ang diwa ng kakambal ko ng sinabi nyang may gusto sa akin si ck. Nadulas sya dahil sa pagiging lasing nya. At ako? Halos mahulog ako sa kinakaupuan ko dahil sa nalaman.

Buong gabi akong hindi natulog noon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Yung taong nagugustuhan ko may gusto din sa akin. Para nga akong tangang kinikilig non e. Nagpipigil ako ng kilig baka kse mabato ako ng wala sa oras.

Hindi pa alam ni ck na alam ko na ang totoo. At ako? Hindi ko pa sinasabi sknya. Ang gusto ko sya mismo ang magsabi sa akin. Pero papano nya nga masasabi hindi naman kami makapagusap ng kaming dalawa lang.

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now