CHAPTER 60.

777 17 0
                                    

ALEXIS POV :
pagdating namin sa school meron silang pinagkakaguluhan. Anong meron?

Nakakarinig kami ng tili ng mga babae. Puro sigawan, anong meron ba? Napansin namin na may lalaking nasa gitna. Nakacap sya, hindi namin masyado makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sa amin.

"Artista ba yan?". Tanong sa amin ni syd.

"Aba ewan natin. Pero base sa nakikita natin ngayon mukhang sikat sya. Pinagkakaguluhan sya". Sabi ni brie.

"Mukhang gwapo. Matignan nga". Bago pa sya makaalis nahila ko sya. "Ano ba lexi".

"Pigilan mo yang kalandian mo. Baka tuluyan ka ng mabuko ng babaeng yun". Tumingin ako ng palihim doon sa malaking puno.

Napangisi naman ako ng makita ko syang nagtago agad. Naku naku! Mukhang may gustong magbulgar ng sekreto ni jaylo. Eto naman kse si bakla, hindi sya mag ingat.

"Anong ibig mong sbhin lexi". Nagtatakang tanong ni jaylo.

"Ilayo nyo na dito ang baklang to". Pabulong kong sabi sa mga kasama ko.

Bago pa sya makapagreact nahila na sya papasok nila trina at syd. Ngayon kami na lang tatlo nila jayd and brie ang naiwan dito. Napailing na lang kami sa baklang yun.

"Sa tingin nyo nagdududu na sya kay jaylo?". Tanong ni jayd.

"Sguro. Napansin naman natin na lagi syang nakamatyag kay jaylo. Kung baliw lang ako magisip, iisipin kong may gusto sya kay jaylo e. Dahil lagi nyang tinitignan ang bakla natin". Nagtawanan naman kami sa snbi ko.

"Gosh! Kung magkakagusto sya, sa babae pa sknya". Natatawang sabi ni brie.

"Dapat ba natin sbhin kay jaylo ang nakikita natin. Para naman makapagingat sya sa mga kinikilos nya". Seryosong pagkakasabi ko sknila.

"Dapat lang nya malaman". Napatango kami sa snbi ni jayd. "So tara pumasok na tayo. Baka nandyan na yung prof natin". Dagdag pa nya.

Habang naglalakad kami marami ang bumabati sa amin. Hindi naman kami artista, pero mukhang artista ang tingin sa amin ng mga students dito. Lalo na kay jaylo. Hahahahaha

Hindi na ako magtataka kung bakit marami nagkakagusto sa baklang yun. Hello! Ang gwapo nya kaya, sayang lang talaga dahil mas maganda sya sa amin. Hahahaha

"Jayd!".

"Oh hi kenn!". Nakangiting sbi ni jayd.

"Oh hi alexis and briell". Bati nya sa amin.

"Sup ken/yow ken". Sabay na sabi namin ni brie. Natawa naman sya doon.

"Papasok na kayo sa room nyo?".

"Ay hindi palabas kami ng room". Pilosopong sagot ni jayd.

"Napakapilosopo mo talagang babae. Ewan ko ba bakit ikaw nagustuhan ni marky". Natatawang sabi nya. Napasimangot naman si jayd sa narinig nya.

Hanggang ngayon hindi pa din namin alam kung sino ang babaeng nakasama nila kahapon. At nabalitaan din namin na dinala sila sa presinto dahil kahapon. Bagay lang sknila yun.

Nalaman din nila brie ang ginawa namin kahapon. Ano pa nga ba, pinagalitan kami ni brie. Pinairal daw ang selos. Aba! Kung makapagsabi na pinairal ang selos, sya nga nung nagselos kay danrei pati doon sa ad na yun. Beast mode ang gaga.

Sabi na nga ba e, may gusto na si brie kay danrei. Hahahaha ilang beses na namin pinapaamin ang babaeng to. Ayaw naman umamin, kahit halata na.

"Oo nga pala papakilala ko kayo sa kaibigan ko". And cue may sumulpot na lalaki sa tabi ni kenn.

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now