CHAPTER 62.

730 12 1
                                    

JAYLO POV :
Pag talaga makita mong may naghaharutan sa harapan mo. Naiirita kana lang.

Papano ba naman, yung nga nagaway na love team nagkabati na. Kaya eto, halos mapuno ng langgam dito sa table namin sa sobrang sweet nila. Sa sobrang sweet nila, gusto mo na lang na sipain sila palabas para hindi mo sila makita.

Napailing na lang ako sa nakikita ko e. Sa pag side ng ulo ko meron akong nasulyapan. Aba! Hanggang ngayon ba naman nakatingin pa rin ang babaeng to. Nakakadiri na mga tingin nya.

Kung hindi ko lang alam kung anong ginagawa nyang pagmatyag sa akin. Pag iisipin kong may gusto sa akin ang babaeng to. Pero teka lang, bakit parang hindi naman ako nasuka sa naiisip ko.

Dati dati pag naiisip kong may gusto sa akin isang babae, nakakaramdam ako ng pagsusuka. Oa na kung Oa, pero gnon talaga nararamdaman ko. Pero pag dating sknya, hala! Wala akong maramdaman na gnon.

"Bakit kaya?". Oops. Mukha napalakas yata ang bulong ko.

"May snsbi ka jaylo?". Pagpansin sa akin ni brie.

"Nothing". Tumango lang sya. "Anyway brie, nasaan ang yung partner mo?".

Tinignan nya ako ng masama. "Tigilan mo ako jaylo". Okay lang na tawagin akong jaylo dahil busy naman sila sa kanilang mga kalandian. Hahaha

"Okay okay. Easy ka lang brie. Pero nasaan nga sya?".

"Hindi ko alam okay. Baka kasama nya na naman yung babaeng may pangalan na Ad!". Hindi nya yata napansin na tumaas na ang kanyang boses. Kaya napatingin silang lahat sa amin.

"Hm ate Ad? Anong meron kay ate Ad?". Pagtatanong ni Marky, pero may halong pangangasar ang tono ng tanong nya.

"Wala!". Hala sya. Beastmode ang ate nyo.

"May naaamoy ako guys". Napakunot naman ang mga noo namin sa snbi ni kai.

"Maligo ka kse. Para wala kang maamoy. Nangangamoy kana kse". At nagtawanan naman kami sa pagbasag trip ni syd kay kaizer.

"Hoy! Kahit hindi ako maligo mabango ako no". Nagrolled eyes lang si syd. "Anyway, nangangamoy selos". Sabay tingin kay brie.

"Selos?! Ako nagseselos?! Kanino naman ako magseselos! Tsaka hello! Hindi ako nagseselos! Hinding hindi! Kahit lagi na silang magkasama ng babaeng yun! Kahit lagi na akong nakakalimutan ng kaibigan nyo! Hindi ako nagseselos!".

Lahat kami napanganga sa mga snbi ni brie. Mukhang wala man syang napansin sa mga snbi nya dahil pag katapos nyang sbhin yun, umalis ang gaga. Nagkatinginan kami, at sabay sabay kaming tumawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!".

"Woooo! Beastmode ang lola nyo".

"Hindi nga sya nagseselos".

"Hindi nga halata e".

Kung ano ano pa pinagsasabi nila. Grabe si brie! Sa sobrang inis nya na sa nangyayari, hindi nya na napigilan ang sarili nya. Hahahaha im sure marerealized nya kung ano ano mga pinagsasabi nya.

Pagkatapos namin kumain nagsihiwalayan na kami. Ang mga love team hindi ko na alam kung saan sila pupunta. Pero ako, bago ako pumasok sa susunod kong klase. Magccr muna ako, kanina pa ako tinatawag ng kalikasan.

Pagdating ko sa cr ako lang magisa. Ginawa ko na lahat ang dapat gawin, pag labas ko nabigla ako ng makita ko sya sa harapan ko. Talaga naman oh. Napapainit ng babaeng to ang ulo ko e.

"Ano na naman ba ginagawa mo dito?". Naghuhugas ako ngayon ng kamay.

"Wala lang. Gusto ko lang makita ang kaibigan kong bakla". Napaharap naman ako sknya at tinignan sya ng masama.

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now