CHAPTER 26.

958 16 0
                                    

BRIELL POV :
balik school na naman kami. Ilang araw din kaming hindi nakapasok, mabuti naman nbgyan kami ng pahinga ng school na yun. Hahaha

About naman doon sa mga taong gumulo sa party namin, nahuli naman lahat sila. Pero ang iba sknila, napatay. And tungkol naman sa mga gamot na nilagay sa mga drinks namin nakakamatay yung mga yun. Napagalamn na baliw ang mga taong may gawa non.

Haaay! Naalala ko ang mga students na namatay dahil don. Halos gusto kong patayin ang may gawa non, pero sympre hindi ako dyos para patayin na lang sila agad. Bahala na ang mga pulis doon.

Laking pasasalamat din namin na bgla na lang sumulpot ang twin ni trina, sya pala ang tumulong kay trina na mahuli ang mga gagong yun.

Trinny? Sya lang ang kapatid na baliw ni trina. Kung si trina normal syang tgnan ang babaeng yun abnormal sya! Haha

Napagalaman namin na agent na din si trinny kaya laking galit ni trina ng malaman yun. Habang nag tatrain pala kami sa us dito sa pilipinas naman nagtatrain si trinny.

Pagkauwe namin sa bahay pagkatapos ng mission, halos hindi namin makilala si trina sa sobrang galit. Ang akala nya sya lang ang agent, pati pala ang kapatid nya.

Sa ilang araw namin na walang pasok, walang ginawa si trinny kung hindi suyuin ang kakambal nya. Nagkaroon nga kami ng katulong sa bahay dahil doon tumira si trinny. Hahaha

Hm ilang araw na din, ilang araw ko na din pingiisipan ang sabi ni boss, malapit na kami sa mission namin. Ano ba ang mission na yun? Papano kami naging malapit kung hindi namin alam yun? Haaay! Si boss talaga ang daming alam, kasama na din yung hindi nya pagpapakita ng mukha sa amin.

Yap, sa tagal na namin nakasama si boss. Ni minsan hindi pa namin alam ang ichura nya, pero alam namin na babae ang boss namin. Hindi ko alam kung anong trip ni boss bakit ayaw nyang ipakita ang mukha nya.

"Ay". Hala! Anong nangyayari sa car ko. "Shit!!".

Bgla na lang tumigil ang car ko. Ugh! Malalate pa ako nyan e. Bwisit na kotse to! Imbis na nagpapagood shot ako sa prof na terror mapapabadshot pa yata ako.

Pilit kong pinapaandar pero ayaw talaga. Nakakabwisit naman to! Bumaba ako para matawagan ko mga baliw kong kaibigan.

"Great! Napakamalas mo ngayon briell davis!". Inis na sigaw ko.

Nakalimutan ko pa sa bahay ang phone ko. Ugh! Ano bang kamalasan to. Sira na ang kotse ko, naiwan pa phone ko. Great! Ang malas ko talaga.

"Sana naman may dumating na tumulong sa akin dito". Nakaupo ako ngayon sa isang side. "Haaaay! Mukhang malalate na talaga ako sa klase ko".

"Beeeeeeep!".

"Ay!". Napatayo ako bgla. May bglang tumigil na car sa tabi ng car ko.

Bumaba ang window ng car yun. "Need help?". Nakangiting sabi nya.

Oh my gulay! Tulay! Ang gwapo nyaaaaaaa!!! Teka lang, maghunus dili ka briell! Pero ang gwapo nyaaaa!!

"Hm miss".

"Ay sorry". Nakakahiya.

"I said kaylangan mo ba ng tulong?". Awww! Ang bait nya naman.

"Eeeeer..". Ano ba yan, sa sobrang gwapo nya hindi na ako makapgsalita.

"Miss are you okay?". Bumaba sya ng car.

Napagmasdan ko sya, grabe! Pang model ang ktawan, lalo syang gumwapo para sa akin. Yieeee!!

"Miss". Omygod! Nasa harapan ko na sya. Ang bango naman nya. Hihihi

Marami syang snsbi pero wala akong maintindhan. Nasisilaw ako sa kagwapuhan nya. Pwede bang iuwe ko na to. Ay ano ba yan! Nahahawa na ako sa kalandian ng mga kaibigan ko.

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now