CHAPTER 74.

1.1K 15 1
                                    

BRIELL POV :
pagkatapos nilang malaman ang totoo, agad nilang sinabi sa pamilya ni danrei.

Sobrang saya nila, dahil ang inaakala nilang patay buhay. Pero nandoon din ang sobrang galit nila kay heron, hindi ko naman sila masisisi. Kinuha at tinago ng napakatagal ang kanilang anak, tapos nasa knya pa si danrei.

Speaking danrei, hanggang ngayon wala pa rin balita tungkol sknya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto ko na syang hanapin, pero hindi pa napapagusapan ang tungkol sknya.

"Brie". Napaangat naman ako ng tingin. At doon ko nakita ang mga kaibigan ko na malungkot ang mga mukha.

"Hey bakit malulungkot mga mukha nyo?".

"Wala lang". Tumabi sila sa akin.

Nandito nga pala kami sa garden ng mga scott. Well, dito agad kami dumaretso ng malaman nila ang totoo. Ang iba naman nasa loob pa, sguro nagpapaliwanag pa sknila si boss or should i say ang babaeng pinagseselosan ko.

Hindi ko nga alam kung matatawa ako or maiinis e. Akalain mo nga naman, ang babaeng pinagseselosan ko. Ang tagal ko na palang kasama, at sya pa talaga ang nagsabi sa akin na ipagpatuloy ko ang nararamdaman ko kay danrei. Wow! Hindi pa rin ako makapaniwala.

"About sa mission". Npatingin kaming lahay kay jayd.

"Oh mission. Hahaha nakakatawa ngang isipin na yung mission pala natin ang mga boys". Natatawang sabi ni alexis.

"Galit ba sila sa atin?". At doon sila natahimik sa biglang tanong ni trina.

"Alam nyo guys, wala naman tayong kasalanan sknila e". Lahat kami napatingin kay jaylo. "Kse tignan nyo, pinasok lang tayo doon para makilala ang mga boys. E alam ba natin ang dahilan kung bakit tayo pumasok? Dba walang sinabi si boss. At sa laki ng school na yun, hindi mo aakalain na ang mga boys pala ang mission natin".

"Oo nga no". Dagdag pa ni syd.

"Tsaka guys, ano bang ikakagalit? Niloko ba natin sila? Oo niloko natin sila. Hindi natin sinabi na agents tayo. Yun lang naman dba. Pero sa lahat naging totoo tayo, naging totoong kaibigan tayo sknila, totoong mahal nyo naman sila dba".

"Oo naman!". Sabay na sabi nila alexis at jayd.

"Ang tanong dyan, kaya paba nila tayong mahalin nyan?". At doon na naman sila natahimik sa sinabi ko.

Yun din ang katanungan sa isipan ko. Mamahalin paba nila kami ngayon alam na nila ang totoo. Kaya ba nila kaming tanggapin. Lalo na ako, kaya paba akong tanggapin ni danrei.

"Kahit sino kapa syd, mamahalin pa rin kita". Lahat kami napatingin sa nagsalita.

"Ka...i". Nauutal na sabi ni syd.

Lumapit si kai kay syd. "E ano naman ngayon kung agents ka, ikaw yan e. Dba sbi nga nila, kung mahal mo ang isang tao tatanggapin mo sya kahit sino. Tsaka bakit kita hindi tatanggapin bilang agents, minahal mo nga ako bilang gangster e. So mamahalin din kita bilang agents dba". At bumuhos na ang iyak ni syd. "Hey bakit ka umiiyak".

"Kaaaaaaai!". Napangiti naman kami ng niyakap nya si kai. "Gago ka! Akala ko puro biro lang alam mo! Marunong ka din pala maging cheezy! Kaya mahal kitang gago ka e!". Nagtawanan naman kami sa sinabi nya. Gaga talaga ang babaeng to.

Napatingin naman ako sa dalawang kaibigan kong babae. Oh yung mga couple love team, makikita mong masaya sila. Pero may lungkot at inggit sknilang mata.

"Matatanggap din kaya ako ni rj/marky". Rinig kong bulong ng dalawa.

"Bakit hindi nyo sila kausapin". Napatingin naman sila sa akin. "Kausapin nyo sila para malaman nyo ang totoo".

"Wag na kayong mahiya! Dali na!".

"Oo nga. Nandyan na sila oh".

"Ano ba wag ka ngang manulak!".

"Oo nga!".

Tumingin naman kami sa mga taong maiingay. At doon nakita namin sila ck and jordan na tinutulak sina marky and rj. Hmm mukhang alam ko na kung anong mangyayari.

"Oh anong meron?". Nagtatakang tanong ni trina.

"Wala!". Sabay na sabi nila marky at rj. At bigla na lang nilang hinila papunta sknila ang mga girlfriend nila.

"Oops! Wag ka ng magsasalita. Bstat yakapin mo na lang ako". Rinig kong sabi ni marky kay jayd.

"Yakapin mo lang ako alexis, okay na lahat". Kay rj ko naman narinig yun.

Nakakatuwa naman silang tignan, akalain mo nga naman na matatanggap din sila. Pero biglang napawi ang ngiti sa labi ko ng maisip ko si danrei. Sya kaya, matatanggap nya kaya ako? Makakaya nya ba akong mahalin.

"Oh bakit umiiyak ka dyan". Agad ko naman kinapa ang pisngi ko at tama nga sya umiiyak ako.

Pinunasan ko ang luha ko. "Naaa. Masaya lang ako para sa mga kaibigan ko. Kse kahit alam na nilang ang totoo, hindi pa rin sila iniwan ng mga taong nagmamahal sknila".

"Dont worry tatanggapin at mamahalin ka din ni danrei". Nakita ko naman na nakangiti sya.

"Jordan".

"Alam ko sa una mahirap, pero alam ko naman na tatanggapin kapa rin ng mokong na yun. Mahal ka nya e".

"At mahal na mahal ko din sya". Nakangiti kong sabi sknya.

DANREI POV :
Hndi ko alam kung nasaan ako. Bstat nagising na lang ako nasa isang ring ako.

Yung ring kung saan pwedeng maglaban. Kamukha sya nung nasa UB. Pero bakit nga ba nandito ako? Ano bang nangyayari? Pinikit ko ang mata ko. At inaalala ko ang nangyari.

At doon ko nakita ang nangyari, oo nga pala. Nasa isang party kami na may biglang dumating na lalaki na sinasabi nya na kapatid sya ng tatay ko. Na sinabi nya din na agents si ad, pati na din sina brie.

"Brie". Nakaramdam na naman ako ng galit. Nagagalit ako! Nagagalit ako dahil ang taong mahal ko ay katulad ng taong kinakamuhian ko.

Bakit sa dinami dami ng taong mamahalin ko ang taong katulad pa ng pumatay sa kuya ko. Bakit! Damn it. Ganito naba kasama ang tadhana sa akin! Nakakagago lang e.

"Danrei scott!". Napaayos naman ako ng upo ng makarinig ako ng boses.

"Sino ka!". Nagpapalinga linga ako sa paligid. "Magpakita ka!".

Sobrang dilim ng paligid ko. Tanging sa pwesto ko lang may ilaw, hindi ko mahanap yung taong nagsalita. Pero kilala ko ang boses nya, familiar sa akin. Hindi ko lang matukoy kung sino.

"Kamusta". Nabigla naman ako ng may lumabas na tao sa madilim na parte na yun.

"Marlowe".

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now