CHAPTER 69.

711 15 0
                                    

BRIELL POV :
dahil hindi naman ako makatulog ng maaga. Lalabas na lang ako.

Kinuha ko ang jacket ko na may hood na nakasabit sa likod ng pinto ko. Sinuot ko yun at lumabas na ng room. Hmm mukhang nasa baba silang lahat, dahil nakakarinig ko ng ingay sa baba.

Pagbaba ko lahat sila nakatingin sa akin. Napataas naman ang isang kilay ko, anong meron? May ginawa ba akong mali? At kung makatingin naman sila parang nakapatay pa ako.

"Hey brie. Where you going?". Pagtatanong ni lexi.

"Magpapahangin lang".

"Marami namang blower dito sa bahay brie. Bakit kaylangan mo pang lumabas?". Tinaasan ko naman ng kilay si jaylo dahil sa sinabi nya. "Hm sabi ko nga, mas masarap ang hangin sa labas".

"Manahimik kana lang bakla". Saway sknya ni trina. "Hm hindi kana ba muna kakain brie?".

"Hindi na busog na ako". Tinignan ko ang paligid.

"Hm wala si jayd". Napatingin naman ako kay syd. "Pumunta kali marky, pinakilala yata sya sa parents nya".

"Tinatanong ko ba?". Napangisi naman sya sa tanong ko.

"Hindi. Pero halata naman sa mata mo na hinahanap mo sya".

"Whatever syd". Lumabas na ako ng bahay.

Dahil matagal tagal na din akong hindi nakakapagdrive ng motor, yung motor ko sa bahay ang gagamitin. Yap! May motor ako, actually lahat kami meron. Kaylangan namin ang mga motor para sa mission or minsan trip lang namin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kanina pa ako nagbabyahe, ganito naba talaga ako kabored. At hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hm well isang lugar lang kung saan ako pwedeng magenjoy.

"Bang! Bang! Bang!".

"Ugh! Ang lalayo naman!".

"Bang! Bang! Bang!".

"Damn!". Nabato ko ng wala sa oras ang pesteng baril na yun.

"Hm ang lalayo ng mga tira mo uno". Kahit hindi na ako tumingin alam ko naman kung sino ang nagsalita na yun.

"Hindi pa kaya ng braso ko e. Nahihirapan pa akong icontrol ang pagbabaril". Narinig ko naman ang mahina nyang pagtawa.

"Talaga lang". Nakita ko naman na pinulot nya yung baril. "Alam ko, kahit nakapikit kapa. Matatamaan mo yan. So bakit mo dinadahilan ang sugat mo sa may braso".

"Bang! Bang! Bang!".

Napangisi naman ako ng makita ko lahat ang mga tama nya. Iba talaga ang babaeng to, kahit hindi sya tumingin sa target nya. Alam na alam nya kung saan nya papatamaan.

"Oh ikaw naman". Binigay nya sa akin ang baril.

Pumwesto naman ako at binigyan ng bala ang baril. After non, nakatingin akong daretso sa target ko. Nakita ko naman na gumagalaw ang mga target, haynako! Nakialam na naman ang babaeng katabi ko. Pinagalaw na naman nya ang mga target.

Huminga ako ng malalim bago ko simulan ang pagbabaril. Pero bago ko pa mabaril ang mga target, bigla na lang kinuha ni boss ang baril sa akin. Iba talaga bilis nito! Sa one second, nakuha nya agad ang baril sa kamay ko.

"Tigilan na natin ang kalokohan na to uno". Nilagay nya sa table ang baril. "So anong problema mo uno?".

"Nothing boss".

"Oh talaga?". Naramdaman ko naman ang baril sa ulo ko. "Aamin ka or papatayin kita".

"Hahahahaha!". Humarap ako sknya. "Kaya mo?".

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now