CHAPTER 29.

904 15 0
                                    

BRIELL POV :
dapat natutulog ako ngayon e. Pero ano, nasa mall ako para mag grocery.

"Pwede ba brie ngumiti ka man lang".

"Nakakainis ka naman kse lexi, natutulog ako ng masarap tapos gigisingin mo lang ako para dito".

"Aba, ako nga dapat ginagawa ko yung experiment ko e. Pero ano, nandito din ako".

"Hindi ba pwedeng bukas na lang, inaantok talaga ako e".

"He! Nandito na rin tayo. Bilisan na lang natin para makabalik na ako sa ginagawa ko at makatulog kana rin".

"Ano ano ba ang mga nasa listahan?".

"Ako ng bahala sa pagkain, ikaw ng bahala sa mga sabon at shampoo". Tumango na lang ako.

"Ayaw mong mag gala, pero nandito ka din pala para gumala"

"Rodjun?".

Lumapit sya sa amin. "Tara gala na tayo alexis".

"Hoy! Anong gala! Nakikita mong may ginagawa kami, tapos yayayain mo syang mag gala. E baka gusto mong makita si dora ngayon".

"Ang lakas din ng pangamoy mo aa. Papano mo nalaman na nandito ako sa mall?".

"Sabi ng puso ko nasa mall daw ang mahal ko". At nag wink pa talaaga sya.

"Ikaw rj tigilan mo ang mga corny mo aa. Umalis kana dito at matapos na kami sa ginagawa namin ni alexis".

"Hindi pwede". Hinawakan nya sa braso si lexi. "Sasama ka sa akin".

"Hoy hoy!". Letche! "Ano to, magisa na lang akong gagawa dito?! Nakakainis kayo!".

Nagsitigil lahat ng mga tao sa tabi ko. At nakatingin silang lahat sa akin.

"Anong tinitingin nyo dyan?!". Mataray na sabi ko. At nagsibalik sila sa ginagawa nila.

"Ang taray mo naman".

Napatingin ako sa lalaking nakatingin sa akin. Nakangisi pa ang kanyang mukha.

"Sino ka?".

"Ang dali mo naman makalimot?". Dahan dahang syang lumapit sa akin. Tinanggal nya ang salamin nya. "Hindi mo naba ako nakikilala?".

Omygod! Yung lalaking model. Hihihi yung lalaking gwapo, yung lalaking tumulong sa akin. Teka lang, hinga ng malalim briell.

"Ikaw". Nakangiting sabi ko.

"At ikaw din. Tama nga ako ng nakita. Nagkita tayo ulet". Omygod! Ngumiti sya. Lalo syang gumwapo.

"Kamusta?".

"Eto okay lang. Matagal kitang hinanap aa". Ano daw?

"Hinanap mo ako?". Pacute kong sabi.

"Oo e. Sabi mo kse ibibigay mo ang number mo sa akin pag nagkita tayo ulet". Lalo syang lumapit sa akin. "So ibibigay mo na ba?".

Ano ba yan! Hindi pa napapagod ang labi nya sa kakangiti. Lalo syang gumagwapo e. At ang bango nya talaga. Parang gusto kong isubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Ay ano ba yan! Ang landi ko na talaga. Nahahawa na ako kay alexis at jayd.

"So kaya hinanap mo ako para makuha lang ang number ko?". Tinaasan ko sya ng kilay.

"Whoa, hindi ko naman alam na may pagkasungit ka pala". Natatawang sabi nya.

"Mukha lang akong anghel tignan. Pero demonyo ako". Nag smirk ako sknya.

"Gusto ko yun". Natahimik ako sa snbi nya. "Yung tipong mukhang simpli lang at anghel ang mukha. Pero ang totoo nyan palaban at demonyo sya".

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now