CHAPTER 61.

699 14 0
                                    

MARKY POV :
kanina pa kami nagpapalitan ng tingin ni rodjun. Mukha na nga kaming tanga sa ginagawa namin.

"Mr. Morales and Mr. Cortez!". Naputol lang ang tinginan namin ni rj ng marinig namin tinawag ang last name namin.

"Mam!". Sabay na sabi namin ni rj.

"Baka gusto nyong ishare sa amin kung bakit nagtitinginan kayo. May gusto ba kayo sa isat isa?".

"HAHAHAHAHAHAHAHA!".

"Whaaaat! Hindi pwedeng maging bakla si rj!".

"Lalo na si marky!".

"Wow pare! Ang tindi nyo!".

"Bagay naman kayo! Hahahaha!".

"Shit!". Inis na bulong ko.

Sa sobrang busy namin ni rj hindi na namin napansin na nasa klase pala kami ngayon. At lalong hindi na namin napansin na nakatingin na pala sa amin ang professor na to. Ayan! Nahuli tuloy kami, napagkamalan pa kaming bakla.

"No mam!!". Sabay na naman namin sabi ni rj.

"Sabi ko na nga ba isa sknila bakla e". Narinig kong bulong ni brie. Tinignan ko naman sya ng masama. "Hehehe peace".

"E bakit nagtitinginan kayo? Imbis na sa harapan ang tingin nyo. Sa mukha nyo kayo tumitingin! Mukha bang white board ang mga mukha nyo?!". At dahil sa snbi nya. Nagtawanan na naman ang mga classmate namin.

"HAHAHAHAHAHA!".

Pakiramdam ko namumula na yung mukha ko. Namumula sa hiya lalo na sa inis. Kung hindi lang matanda tong prof na to, kanina ko pa sya binato ng upuan. At lalo na din ang mga pangit na tumatawa sa side namin.

"Nakakabored ka kse magturo. Kaya hindi sila sayo nakatingin". Rinig naming bulong ni danrei. Napangisi naman kami doon.

"What did you say Mr. Scott?". Oh! Narinig pala ni mam yun. Lakas ng pandinig ni mam.

"Nothing". Maikling sabi ni danrei.

Hindi na lang sya pinansin ni mam. Nagpatuloy ang klase namin, tinigil na muna namin ang ginagawa namin ni rj. Baka kse mahuli na naman kami at kung ano pa masabi ng prof na yun. At baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mabato ko na sya.

Kaya pala nagtitinginan kami ni rj, naguusap kami gamit sa tingin. Nagtuturuan kse kami kung sino unang kakausap sa dalawang babae. Oo, tatlong araw na nila kaming hindi pinapansin.

Nung una hindi namin alam kung bakit hindi kami pinapansin, pero dahil sa snbi ni kai kagabi. Mukhang may ginawa kami sa mga babae. Pero ang tanong ano nga ba ginawa namin?

Hindi ko naman alam kung anong ginawa ko or ginawa namin ni rj. Kung meron man kaming ginawa, sana naman sabihin nila agad dba. Hindi yung hindi agad sila mamamansin. Hindi naman kami sa madam auring para hulaan kung bakit sila umiiwas.

Narinig kong tumunog na ang bell. Meaning non, tapos na ang klase. Nakita kong tumayo si louise, bago sya makalabas sa pinto. Pinigilan ko na sya agad. Napatingin sya sa kamay ko na nakahawak sa kamay nya.

"Bitaw". Nabigla naman ako, ang lamig ng boses nya.

"No! Lets talk". Madiin kong pagkakasabi.

"Wala tayong paguusapan. Tska may klase pa ako, kaya bitawan mo ako".

"Anong klase? Mamaya pa ang klase mo pagkatapos ng lunch". Nginisian ko.

Anong akala nya hindi ko alam kung anong schedule nya. Aba! Hindi ako matatawag na manliligaw kung hindi ko alam kung anong schedule ng nililigawan ko dba. Umiwas ang tingin nya, lalong lumaki ang ngisi ko.

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now