CHAPTER 71.

805 9 0
                                    

BRIELL POV :
hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko sa room ni danrei. Meron akong kakaibang feeling sa nakita ko.

(FLASHBAAAAAAAAAAAACK)

Letche naman! Sa dami ng pwedeng maligo sa juice ako pa. Ako pa! Tinignan ko naman ng masama ang taong nagpaligo sa akin ng juice. Nakita ko naman na namutla sya. Dapat lang!

"Hm brie. Hehehe". Pacute nya sa akin.

"Ugh! Mapapatay kita kaizeeeeeeer!". Napatakip naman sya ng tenga.

"Brie sorry na. Hindi ko naman sinasadya e. Eto kse e!". Turo naman nya kay syd.

"Anong ako? Wala naman akong alam dyan". Inirapan ko lang si syd.

Dahil sa pesteng kaharutan ng dalawa. Naligo ako wala sa oras! Nakakainis. Ang tatanda na kse, napakaisip bata pa rin ng mga pag iisip nila. Bwisit! Ang lagkit ko tuloy.

"Oh napano ka". Biglang sulpot ni danrei sa tabi ko.

"Magtatanong kapa e. Nakita mo naman na naligo ako sa juice". Iritang sabi ko sknya.

"E bakit kse juice ang pinangligo mo". Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Hm sabi ko nga papahiramin na lang kita ng damit. Sunod kana lang sa akin". Sumunod na lang ako sknya.

First time kong makapasok sa kwarto ng isang lalaki. Well yung kay jaylo kse hindi naman ichurang lalaki yung room nya e. Pang girly ang room nya. Ngayon lang ako nakapasok at sa room pa ni danrei.

Infairness maayos ang room nya, hindi sya marumi. Expected ko kse dahil lalaki sya, marumi ang makikita ko. Pero hindi naman pala, malinis at mabango pa. Hm osge na! Sya ng mabangong kwarto.

"Hintayin na lang kita sa labas brie". Tumango lang ako.

Bago sya lumabas, binigay nya muna sa akin ang damit. Papasok na sana ako sa cr ng may mapansin ako. Dahil sa pagiging curious kong tao, nilapitan ko yung picture.

Pagtingin ko sa picture na nakatumba, halos lumaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Bakit? Bakit may picture dito ang lalaking yun. Bakit merong picture si danrei ng lalaking yun. Bakit?

"Marlowe trinidad". Oo picture nga ni marlowe ang nakikita ko ngayon. Nandito ngayon ang picture nya sa room ni danrei. "Bakit sya may picture ni marlowe".

"Hindi sya si marlowe. Si kuya danny yan". Muntik ko ng mabitawan yung hawak ko dahil sa pagkabigla.

"Danrei". Humarap ako sknya, nakita ko naman na seryoso syang nakatingin sa akin. Or should i say nakatingin sa hawak kong picture.

"Hindi ko alam bakit sa dinami dami ng tao sa mundo. Ang lalaki yung pa ang naging kamukha ni kuya danny". Kinuha nya naman sa akin ang hawak kong picture. "Unang nakita ko si marlowe, akala ko nabuhay na si kuya. Pero nakalimutan ko, wala na pala sya. Kitang kita ko kung papano sumabog ang bodegang napasukan nya. Kaya imposibleng makakabuhay si kuya doon".

"Kaya ba nagagalit ka kay marlowe dahil kamukha sya ng kuya mo".

"Yaa. Pinapaalala nya kse sa akin kung gaano ako walang kwentang tao e".

"Pero kung titignan mo sila para silang pinagbiyak na bunga. Magkamukhang magkamukha sila, singkit lang si marlowe". Nakatingin ako sa picture na hawak ko kanina.

"Parang gnon. Tsaka mas gwapo ang kuya ko kesa sknya. At ang lalaking yun, demonyo yun. Samantalang ang kuya ko, para sa akin isa syang anghel".

"Danrei".

"Haaash! Tara na nga". Nilagay nya ulit sa table yung picture. "Bumaba na tayo. Hinahanap kana ni alexis".

Tinignan ko muna ang picture bago sumunod sknya. "Okay sge".

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now