CHAPTER 73.

801 13 0
                                    

AD POV :
alam kong gusto na nilang magtanong. Pero hindi nila alam kung saan sila magsisimula.

"Ahem!". Pagpapapansin ko sknila. "Alam kong maraming katanungan sa mga isip nyo. Para naman matahimik ang mga pagiisip nyo, sge na magtanong na kayo".

"Totoo bang agent ka?". Tanong ni kaizer.

"Oo kai. Isa akong agent". Umayo ako ng pagkakaupo. "Ginusto ko maging agent, dahil gusto kong tuparin ang pangarap ng kuya danny nyo. Alam nyo naman kung gaano kagusto nya maging agent dba". Tumango naman ang limang lalaki.

"Pero ate alam mo naman kung gaano kagalit si danrei sa mga agent. Dahil sinisisi nya ang mga agent sa pagkamatay ng kuya nya". Nakatingin si jordan kali jayd habang nagsasalita sya.

"I know jordan. Pero hindi lahat ng agent katulad ng iniisip nya". Napabuntong hininga ako. "Kaya ginusto ko din maging agent dahil gusto ko din malaman totoong dahilan ng pagkakakidnap kay danrei".

"Totoong dahilan? Dba kaya sya kinidnap dahil nga sa pera". Nagtatakang tanong ni ck.

"Mali. Hindi lang pera ang dahilan. Kung hindi inggit ang dahilan". Naguluhan naman sila sa sinabi ko.

"Inggit?". Sabay na sabi nila.

"Oo inggit. Dahil ang nagpakidnap kay danrei noon ang kapatid ni tito daniel na si george scott. Na tinatawag na ngayon ni Mr. Heron".

"What? Papanong sya?".

"Ganito kse yan, napagalamanan ko kse noon na bata pa lang sila naiinggit na talaga si heron kay tito. Hanggang tumanda sila, inggit pa rin ang pinairal ni heron. Ang inggit na yun, naging galit na. Dahil sinisisi ni heron si tito na sya ang pumatay sknyang anak. Kaya naghiganti sya, pinakidnap nya si danrei para makapaghiganti sya kay tito".

"Tapos?".

"Nakidnap nya na nga si danrei. Pero dahil nagmala-agent si danny. Ginawa nya ang lahat para mahanap ang kapatid nya, nagawa nya naman e. Nailigtas nya. Pero sa kasamang palad..". Umiwas ako ng tingin. "Napatay si danny".

"At isang agent ang nakapatay".

"Mali ka jordan". Nabigla naman sila sa sinabi ko. "Oo agent ang nanghila sknya pabalik sa bodega. Pero ang agent na yun ay isa sa mga kaibigan nya. Natatandaan nyo ba nung panahon na bigla na lang nawawala si danny".

"Oo. Yung bigla syang nawawala".

"Dahil nagtatrain syang bilang agent". Nabigla na naman sila sa sinabi ko.

"What?!".

"Oo. Yun pala ang pinagkakabalahan nya. Nalaman ko lang yan lahat nung nagtrain ako para maging agent. Dahil ang mga kasama ko sa agent, nakasama din nila si danny".

"Kaya pala umuuwe si kuya noon na maraming pasa sa katawan". Tumango naman ako sa sinabi ni rj.

"Pero ate sinabi mong kaibigan nya yung agent? So bakit nya binalik sa loob si kuya". Tanong ni ck.

"Dahil nakita nyang may sniper sa malayo. Nagpanggap sya na bilang isang kasama sa mga nagkidnap. Pinasok nya ulit sa bodega si danny, para mailigtas nya. Pero kasamang palad, may pumukpok sa ulo nya. At nawalan sya ng malay".

"Ano! Papano si kuya danny noon?!".

"Hindi nya na alam. Nagising na lang sya na nasa hospital na sya, at doon nya kinwento sa akin ang lahat. Kaya nga ginusto ko pa lalo ang maging agent dahil sa nangyari noon".

"So...". Napatingin naman kami kay alexis. "sa madaling salita, hindi nya alam kung saan napunta si kuya danny nyo? Kse nawalan sya ng malay ng may pumukpok sknya. Dba?". Tumango naman ako. "Hindi nyo alam kung anong nangyayari sa loob non tama ba?".

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now