CHAPTER 65.

763 13 0
                                    

BRIELL POV :
sino naman kayang mga panget ang nagpadala ng regalo sa amin ng gnon?

Letche sila! Mangreregalo na lang sila hindi pa nila ayusin. Matutuwa pa kami kung food pa ang niregalo sa amin e. Tapos gnon ang ibibigay sa amin? Alam ba nilang hindi ako nakatulog dahil sa pesteng regalong yun!

Nababahala ako ngayon, meron ng nakakaalam kung ano kami. Mabuti na lang pagiging agent lang ang alam nila. Pero wag kaming papakampanti, dahil nga ang pagiging agent nalaman nila. Baka isang araw alam na din nila na kami ang deadly angels.

Pag nangyari yun. Baka makuha ko ng mabaliw sa kakaisip non! Ngayon lang nga nababaliw na ako sa kakaisip kung sinong mga pangit na nakaalam sa isa naming katauhan e. Sino nga ba sila?

Papano nga ba nila nalaman kung ano ang isa naming katauhan? Saan nila nakuha yun? Ang alam ko pag may mission kami. Hindi alam ng mga pulis ang gagawin namin, pag nagawa na namin ang mission doon pa darating ang mga pulis. So imposibleng mga pulis ang nakakaalam non.

"Ugh! Nakakabaliw!".

"Tch. Baliw".

"Haynako! May demonyo na naman nagpakita sa akin". Tinignan ko ng masama ang lalaking nasa harapan ko.

"Easy, sa gwapong mukha ko na. Demonyo lang tingin mo sa akin".

"Oo. At ano na naman ginagawa mo dito? Hindi ba tapos na ang usapan natin? Nakipagdate na ako sayo marlowe". Oh ya, isang marlowe trinidad ang nasa harapan ko.

Naalala ko tuloy yung "date" kuno namin ng demonyong to. Magsisinungaling lang ako kung hindi ko ssbhin na nagenjoy ako. Oo, nagenjoy din ako sa "date" na yun.

Papano ba naman na hindi ako mageenjoy dinala ba naman ako sa isang shooting range. Oh! Dba sobrang nakakaenjoy, wala ngang ginawa ang lalaking to kung hindi lumaki ang mga mata na lang sa nakikita e.

After namin non sa isa kaming karinderya kumain. Akalain mo nga naman mapapakain ko pala ang isang to doon. Muntik na ngang ayaw tumayo sa kinakaupuan nya e. Dahil sa sobrang sarap ng mga luto doon sa karinderya.

"Hindi pa rin ako makapaniwalang, natuto ka lang mag baril dahil sinasama ka ng daddy mo". Tinaasan ko sya ng kilay.

Ay oo nga pala, sinabi ko pala sknya ng magtanong sya kung bakit ang galing ko sa barilan. Sinabi kong sinasama ako ng daddy ko sa gnon. Kaya magaling akong humawak ng baril, hindi ko naman kse pwedeng sbhin na isa akong agent dba?

"Wala na akong pakelam kung maniwala ka man or hindi".

"Iba ka talaga briell davis. Kaya lalo akong nagkakagusto sayo". Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil sa snbi nya. Yung sobrang tingin talaga, yung pwede na syang mamatay sa tingin ko.

"What did you say?".

"I like you briell davis". Aba't talaga naman oh.

"Wag ako marlowe. Wag ako ang paglaruan mo".

"No, hindi ikaw pinaglalaruan. Yun ang totoo. So pwede kana bang ligawan?".

"Hoy! Marlowe alam mo ba yang sinasabi mo?! Kung naghahanap ka lang ng malalaruan mo, wag ako!".

"Hahahahaha. As expected, hindi kita mapapaniwala". Biglang sumeryoso ang tingin nya. "Hindi ko alam kung anong meron sayong babae ka, pero kung anong meron man sayo. Nagugustuhan ko yun".

"Gusto mo na bang mamatay ng maaga marlowe".

Pareho kaming napatingin sa taong nagsalita. Ayun, nakita ko ang isang danrei scott na sobrang talim ang tingin. Kung isa lang akong ordinaryong student baka tumakbo na ako sa tingin nya, pero dahil sanay na ako sa lalaking to. Wala na sa akin yun.

MY GIRLFRIEND IS AN AGENT.❤Where stories live. Discover now